4 Phone number

4 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at madalas akong nasa office. Hindi nga lang nakakapunta ng madalas si Jae kasi nga nagpapractice sila para sa darating na contest. Mas naging abala rin ako dahil sa madaming projects ang Writer's Club. Kasali rin kami sa mga contest.

Madalas rin akong nasa school kahit weekend. Bukod kasi sa kailangan kong samahan si Camila ay marami na kaming kailangang gawin.

"Lunch time na Pres. Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Alyssa.

"Pupuntahan ko pa si Camila sa Music Club." Sabi ko.

Sabay kasi kami ni Camila na kakain ng lunch.

Ilang minuto pa ang lumipas at umalis na ako. Hindi na ako nagpaalam kay Alyssa. Alam niya na kapag wala na ako sa upuan ko ay umalis na ako.

Pumunta ako sa Music Club at sakto namang patapos na sila. Sinalubong naman agad ako ni Camila.

"Rens, kanina ka pa?" Tanong niya sa akin.

Umiling naman ako at ngumiti.

"Kakarating ko lang." Sabi ko.

"Hello Miss President!" Bati ni Yohan sa akin.

"Hi, Eren.." Bati naman ni Jae sabay ngiti.

Uminit naman yung pisngi ko at pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"H-hi...ahm...ano...susunduin...ko lang si Camila. Halika na Cams, lunch time na." Sabi ko.

Pinapaypay ko pa ang kamay ko kasi naiinitan talaga ako.

Napansin ko naman na ang lawak ng ngiti ni Camila. I glared at her because she is obviously teasing me.

"Sige. Yohan, Jae, lunch muna kami. Kita na lang tayo sa classroom mamaya." Sabi ni Camila.

Umalis naman kami kaagad at pumunta sa canteen. Pagkabili ng pagkain ay pumili agad kami ng upuan.

"Rens, may tanong ako." Sabi niya. Ano kaya ang itatanong nito.

"Ano?" Tanong ko na hindi manlang tumingin sa kaniya.

"Crush mo ba si Jae?" Tanong niya.

Napatingin naman ako sa kaniya pero umiwas din.

"P-paano mo naman nasabi y-yan?" Tanong ko.

"Wala lang. Feeling ko kasi ay crush ka rin niya." Napaubo naman ako sa sinabi niya.

"A-ang dami mo talagang alam Cams. Kumain ka na lang nga." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Akala ko ay hindi na siya nagsisimula pero mukhang hindi pa siya tapos.

"Hiningi niya kasi ang number mo kanina." Sabi niya. In a very casual tone.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kaniya.

"H-hiningi...niya...ang number ko?" Namamanghang tanong ko.

Tumango naman siya.

"B-binigay mo ba?" Tanong ko.

"Oo."

Nanahimik naman ako. Bakit niya hiningi ang number ko? Una, sumali siya sa club. Tapos ngayon, hiningi niya ang number ko.

Hindi ako yung tipo na mahilig umasa pero iba kasi to.

Natapos kaming kumain at bumalik na kami sa classroom. Pagdating doon ay nandoon na sila. Medyo awkward pa yung ginawa kong paglapit. Naiilang kasi talaga ako.

Mabilis lang natapos ang afternoon class namin.

"Cams, bantayan mo na lang si Ate ha. May aasikasuhin pa kasi ako. Kita na lang tayo sa bahay." Sabi ko at umalis na.

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Where stories live. Discover now