19 Yes

6 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga ako sa school. Nag-iwan lang ako ng note kay Camila na maaga akong pupunta. Nagtext pa kasi si Brian kagabi na kailangan daw maaga kasi may pag-uusapan. Pwede naman mamayang uwian pero masyado siyang excited.

"Bukas ng gabi natin siya isusurprise," Sabi ni Jil.

Kaming tatlo palang ang nandito. Kasama namin si Brian, syempre.

"Tingin mo alam ni Camila na birthday niya bukas?" Tanong ni Jil sa akin. Tahimik lang si Brian na nakikinig sa aming dalawa.

"Hindi ako sigurado eh. Malalaman natin iyan bukas," Sabi ko at tumango naman si Jil.

Mayamaya pa ay dumating na sina Yohan, Jae at Jinsoo.

"Late kayo!" Nakasimangot na sabi ni Jil sa kanila. Naramdaman ko naman na naupo sa tabi ko si Jae. Nginitian lang namin ang isa't isa.

"Eh sa gusto kong late ako eh!" Pang-aasar ni Yohan. Nag-umpisa na silang magbangayan at natigil lang nang magsalita na si Jinsoo.

Nagsimula namang magpaliwanag si Brian tungkol sa mga kailangan naming gawin para sa surprise na iyon. Lahat ng detalye ay sinabi niya sa amin. Hindi naman natapos ang pag-uusap namin kasi nagdatingan na ang mga kaklase namin kaya mamaya na lang namin ipagpatutuloy ang pag-uusap.

Natapos ang klase sa araw na iyon at diretso na ako sa office. Nandoon si Alyssa kasama si Yohan. Napapansin ko na madalas magkasama itong dalawang ito.

"Kayo pa lang? Nasaan na ang iba?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Kanina nandito sila. Umalis lang para bumili ng snacks," Sabi ni Yohan.

Ilang minuto pa akong naghintay at dumating na sila. Nagsimula na kaming magplano para sa birthday surprise ni Camila.

"Wala pala tayong pasok bukaa guys," Narinig naming sabi ni Alyssa.

Kung walang pasok, makapaghahanda sila buong araw.

Napagdesisyunan namin ang oras at ang task na ibinigay para sa isa't isa. Pagkatapos at umuwi na kami. Pagdating sa bahay ay naabutan ko si Camila na hinihintay ako.

"Bakit hindi ka pa nagdinner?" Tanong ko. Halata naman kasi na hindi pa siya naghahapunan.

"Hinihintay kita eh. Ayokong kumain mag-isa," Sabi niya. Nginitian ko lang siya. Sweet as always.

"Wala raw tayong pasok bukas," Sabi ko habang kumakain kami.

"Alam ko na iyan. Nagtext na sa akin si Brian kanina," Sabi niya.

"Sinasabi ko lang. Malay ko ba na may nakapagsabi na sa'yo?" Sabi ko at pinandilatan siya. Tinawanan niya lang ako.

Siya na ang naghugas ng pinggan. Kinausap ko pa siya hanggang sa sinabi niya na matutulog na siya. Sa pag-uusap namin ay binanggit ko ang tungkol sa birthday pero hindi niya sinabi ang tungkol sa birthday niya. Mukhang hindi niya alam na birthday niy bukas. Natatawa na lang ako.

Kinabukasan ay nasa bahay lang kami. Sinabihan ko si Camila na hindi muna kami papasok sa trabaho. Nagpaalam na ako na hindi muna kami papasok.

"Hindi sila makapupunta. Tinatapos daw nila yung projects. Bakit kasi hindi nila agad tinapos?" Sabi ni Camila. Mukhang malungkot siya na hindi niya masisilayan ang kaniyang sinta.

Project huh? Hindi manlang naghinala si Camila? Pagdating sa projects ay hindi pabaya ang limang iyon. Minsan nga ay mas nauuna pa silang magpasa sa amin eh.

"Cams, kung sagutin ko na kaya si Jae?" Tanong ko kay Camila na mukhang nagulat sa biglaan kong pagsasalita.

"Ano sa tingin mo? Why don't you give him a chance? Besides, mukhang seryoso siya sa'yo. I may not know him for a very long time, I know that he is sincere." Sagot niya.

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Where stories live. Discover now