3 Writer's Club

6 0 0
                                    

It's been a week since our encounter but what he said never leave my mind. Hinatid pa nga niya ako pauwi eh.

I was with Camila right now. Napansin ko naman ang mga estudyanteng nakatingin sa bulletin board. Nakalagay kasi doon ang mga listahan ng club na pwedeng salihan.

"Anong club ang sasalihan mo?" Tanong ko kay Camila na kanina pa nakatulala.

"Music club siguro." Sagot naman niya sa akin.

"Ganun ba? Gusto sana kitang isali sa Writer's Club eh. Pero naisip ko nga na nasa music ang passion mo." Sabi ko na lang.

"Don't worry, kapag naging sikat na singer ako, irerequest ko na ikaw ang maging manunulat ng mga magiging kanta ko." Sabi niya na nagpangiti sa akin.

"Dami mong alam. Kumain ka na nga. May quiz daw tayo mamaya." Pagbibiro ko na mukhang naniwala naman siya kasi nanlaki yung mga mata niya.

"Hala! Hindi ako nagreview!" Natatarantang angal niya.

"Joke lang. Yan di nakikinig sa teacher. Masyado ka bang affected sa presence ni Brian at hindi ka makapagconcentrate?" I tease her.

"H-hindi noh!" Sabi niya. Namumula na rin siya kaya napahalakhak na lang ako.

Ang dali niya talagang basahin. Matagal ko nang napapansin yung mga sulyap niya kay Brian.

After naming kumain ay bumalik na kami sa classroom.

Pagdating namin ay nandoon na ang teacher. Nandoon na rin ang lima.

Nakakita na naman ako ng pangamba sa aura ni Camila. Bakit kaya?

After class ay may sinabi ang adviser namin.

"Class, bukas na magsisimula yung screening para sa mga clubs. I hope na marami sa inyo ang sasali sa mga clubs. Pwede na yung isang club every student. Mahirap din kasi kapag marami kang sinalihan." Paalala sa amin ng adviser namin matapos ang klase namin.

After that annoumcement ay pinauwi na kami. Sinundo kami ni Ate kaya maaga kaming nakauwi.

Binilhan ko naman ng jacket at payong si Camila para hindi na siya mabasa kapag umuulan at palagi na yung nakalagay sa bag niya para hindi niya makalimutan.

"Sure ka na ba sa Music Club?" Tanong ko sa kaniya kasi gusto ko talagang isali siya sa club namin.

"Music club? May mga school clubs na?" Sumingit naman si ate sa usapan.

"Opo. Maaga na silang nagsimula para mas maagang makapili ng mga members." Sagot ko naman sa kaniya.

"Sigurado na ako sa music club. Feel ko kasi talaga na doon dapat ako eh." Sabi ni Camila.

I nod my head in response. Hindi ko naman siya mapipigilan kung gusto niya talagang doon sumali.

Kinabukasan ay mas naunang nagising si Camila sa akin. Hindi nga siya nakapaghanda ng almusal. Lutang kasi.

Inasar ko naman siya na litang siya kasi palagi niyang iniisip si Brian. Narinig pa yun ni ate at nagkwentuhan na kami.

Nawili kami sa pag-aasaran at nalate pa kaming dalawa ni Camila. Nagsisimula na kasi yung klase nang dumating kami.

"After ng klase ninyo sa akin ay pwede na kayong pumunta sa mga clubs na sasalihan niyo. Wala na kayong klase buong maghapon."
Naghiyawan naman ang mga kaklase namin.

Matapos ang klase ay dumiretso na ako papunta sa club office namin. Ilang oras din ang tambay namin doon at walang ginagawa.

Konti lang kasi ang gustong sumali dito.

"Ano ba yan Pres, wala tayong bagong member? Ako, si Angel, si Christine, si Ed at si Nicole. At ikaw pa pala. Wala na ba talagang sasali? Kailangan natin ng isa pang member para hindi idisband to." Maski siya pala ay pinoproblema rin ito.

Kailangan kasi namin makaabot ng pitong members para magpatuloy ang club. Eh sa walang masyadong gustong sumali. Ano kayang gagawin namin?

Mayamaya pa ay may dumating sa club. Hinayaan ko naman sina Alyssa na salubungin ito.

"OMG! Anong ginagawa ng drummer at lead guitarist ng EVELA5TING dito?" Tanong ni Christine.

Automatic naman na napaangat ako ng tingin mula sa binabasa ko.

EVELA5TING? Drummer? Lead Guitarist?

Bumilis naman bigla ang tibok ng puso ko nang masilayan ko siya.

Anong ginagawa niya dito?

"Ahm, may kailangan ba kayo?" Tanong ni Alyssa.

"A-ahm, I..want t-to join." Nauutal na sabi ni Jae habang nakatingin sa akin. Naconscious tuloy ako kung bakit siya nakatingin.

"Ah, yun lang naman- WHAT?" Gulat na sabi ni Christine.

"You guys.....serious?" Tanong naman ni Nicole.

"Bakit? Pwede naman diba?" Sambit ni Jae.

"O-Oo...p-pwede." Sabi ko. Hindi naman siguro nila nahalatang masyado akong naexcite at natense.

"Nautal ka talaga Pres? Iba ba yung epekto ng EVERLA5TING?" Bulong sa akin ni Alyssa.

"Umalis ka nga diyan. Asikasuhin mo sila. Ang dami kong gagawin." Sabi ko at binalik ang atensyon sa binabasa ko.

"Ah, ito yung form. Pakipunan na lang ha." Narinig kong sabi ni Alyssa.

Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang ginagawa ko. Ayaw ko kasing mahalata niya kung gaano ko kagusto na nandito siya.

"Ayan! Thanks for joining! Tatawagan ka na lang namin para iconfirm ang membership mo sa club namin." Sabi ni Alyssa.

Nakaalis na sila pero kinakabahan pa rin ako.

"Pres, mukhang wala namang balak na sumali yung iba sa club natin. Papasukin agad natin si Jae! Sige na!" Pakiusap ni Christine.

"Maghintay pa kayo hanggang mamaya." Sabi ko.

Napasimangot naman sila pero hindi na nagsalita.

Natapos ang araw at wala nang dumagdag kaya't official na naging member ng club si Jae. Tuwang-tuwa naman sila.

Ano kaya ang dahilan at sumali siya sa club namin? Eh kasama naman siya sa music club.

Napapaisip pa rin ako pero hindi na ako nagtanong. Atleast makikota ko na siya bawat oras. Naexcite naman ako dun.

"Bakit ka ngumingiti Pres?" Tanong ni Alyssa.

"Bakit? Bawal ba?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Ang taray! Nagulat lang ako. Marunong ka palang ngumiti?" Sabi niya at natawa pa.

Lalo tuloy akong napangiti.



---------------
💚🐥

Medyo matatagalan ako sa pag-update. Madami kasing kailangang gawin. I hope you understand. I will try updating as soon as possible.

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Where stories live. Discover now