15 Doubts

1 0 0
                                    

"Then I'll just prove it to you. Would you let me court you?" Tanong niya.

Tinitigan ko lang siya. Tahimik ang buong paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko.

I just look at him. I am so mesmerized by how handsome he looks. I am so mesmerized how his hair dance with the cool breeze surrounding us. So mesmerized that I wasn't able to answer his question.

"Eren?" Napaiwas naman ako ng tingin. Anong sasabihin ko? Nagbibiro ba siya? Hindi naman siguro.

"A-ano...p-pwedeng pag-isipan ko...muna?" Tanong ko. I look at him and he looks sad. I bite my lip to stop myself from speaking.

"Huh?" Tanong niya.

"H-hindi kasi a-ako handa sa g-ganito," Nakayuko kong sabi.

"I-if that's what you want," He said then sighs. I feel sad also. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Pwede ko namang sabihin na magpaliligaw ako diba?

"Uwi na tayo," Sabi ko na lang at tumayo na para puntahan si Camila. Naramadaman ko naman na sumunod siya. I can keep on hearing his sighs. Ayokong malungkot siya.

Eh bakit kasi nag-iinarte ka pa?

Shut up ka muna self, okay? Madami pa akong iniisip.

Umuwi kami na hindi nag-uusap. Kahit ang magtext at call ay hindi namin ginawa. Hindi ko alam. It feels so awkward for me.

"Kanina ka pa tahimik," Nagulat naman ako nang marinig ko ang bosea ni ate. Nakaupo kasi ako ngayon sa sofa.

"Ikaw pala ate, bakit gising pa kayo?" Tanong ko. Tulog na kasi si Camila.

"Ikaw nga rin eh," Sabi naman niya.

"Hindi kasi ako makatulog eh," Sabi ko na lang sa kaniya.

"Masayang-masaya si Camila. Sinagot niya raw si Brian kanina," Sabi niya. Alam ko naman iyon kasi sinabi na nila sa amin kanina.

"Masaya ako para sa kaniya," Sabi ko.

"Ako nga rin eh. Eren, may gumugulo ba sa isip mo?" Tanong niya. Tinitigan ko lang siya at nagsalita.

"Gustong kasing manligaw ni Jae sa akin. Kaya lang ay sinabihan ko siya na pag-iisipan ko muna. Nalungkot siya kaya medyo nalungkot na rin ako," Sabi ko.

"Gusto mo siya diba?" Tanong ni ate.

Hindi ako sumagot. Ayokong sabihin. Naguguluhan na ako sa sarili ko. I am having a lot of doubts about a lot of things.

I hear her sighs.

"Eren, he seems to like you too, a lot," Sabi niya at tumayo na. Naiwan lang akong nakaupo doon. Hindi ko alam kung bakit nagdududa ako sa feelings niya. Na baka confused lang siya. Na baka hindi talaga.

I look at my phone then I started to type a message for him.

Eren:

'Jae, mag-usap tayo bukas.'

Send...sent.

Nagreply naman siya kaagad pagkalipas ng ilang segundo.

Jae😍:

'Saan?'

Eren:

'Kung saan mo gusto. Pwedeng sa park na iyon kanina.'

Jae😍:

'Sige, after class.'

Sabi niya at hindi na nagreply pa. Hindi ko alam pero nalungkot ako ng wala akong mabasang goodnight sa message niya. Is he really upset? Kailangan ko ng linawin sa kaniya ang nararamdaman ko para hindi kami ganito.

Hindi naman ako kaagad nakatulog. Hindi pwedeng ganito. May klase kami bukas, hindi pwedeng wala akong tulog.

Lumipas ang ilang oras at hindi talaga ako makatulog. Kinuha ko ang phone ko at akmang tatawagan siya nang magring ito. Ohmy! Tumatawag siya.

Nanginginig pa ang kamay ko nang sagutin ko ang tawag.

"H-hello?" Sagot ko.

("Pwede bang ngayon na tayo mag-usap? Hindi ako makatulog eh. I really need to talk to you now,") Sabi niya.

I bite my lips. Anong sasabihin ko?

"P-pero malayo ang bahay niyo," Sabi ko.

("Nasa labas ako ng gate niyo,") I almost drop my phone when I hear him.

Agad naman akong lumabas ng kwarto. Nagdala muna ako ng jacket at lumabas na ng bahay. Nakita ko naman siya sa tapat ng kotse niya at nakatingin lang siya sa sapatos niya.

Napaangat naman siya ng tingin nang marinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Bakit kasi pumunta ka ngayon? Pwede namang bukas diba?" Sabi ko habang binubuksan ang gate at lumabas ako.

"I can't sleep. Kailangan na kitang kausapin ngayon," Sabi niya. Naglakad naman siya kaya sumunod ako. Napunta kami sa may playground. Umupo ako sa isang swing at siya naman ay nakatayo lang sa gilid.

"Eren, why do I feel like you are doubting about my feelings? Ayokong isipin na nagdududa ka pero ang mga mata mo, sinasabi sa akin na nagdududa ka," Sabi niya. Napayuko naman ako.

"Tama ka. Nagdududa nga ako," Sabi ko. Iniangat ko naman ang tingin ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita.

"Hindi ka naniniwala na mahal kita?" Tanong niya. May hinanakit sa boses niya pero hindi niya ipinahalata.

Tumayo naman ako at hinarap siya.

"Bakit ba kasi ako? Ang dami daming mas maganda! Bakit ako ang gusto mo?" Tanong ko. Gusto ko lang talagang malaman kung bakit ako. I don't feel like I am the one for him.

"Dahil ikaw si Eren Gale Choi! Ang babaeng mahal na mahal ko! Hindi lang kita gusto Eren, mahal kita. Mahal na mahal! Eh ano naman kung madaming mas maganda? Ikaw lang naman ang bukod tanging babaeng nakakayang patibukin ng napakabilis ang puso ko! Hindi mo ba naririnig? Lagi kasi nitong sinisigaw ang pangalan mo. Ikaw lang!" Sabi niya at lumuhod na siya sa harapan ko. Iniaangat ko siya pero nanatili lang siyang nakaluhod.

"Totoong napakaraming magaganda pero nasa iyo ang puso at atensiyon ko! Please, let me prove to you that I am the one for you. Hayaan mo akong ipakita sa'yo ang pagmamahal ko. Mahal na mahal kita Eren," Sabi niya.

"Can you hear my heart? Nasa malayo ka palang halos lumundag na yan. Paano pa kaya kapag ganito ka kalapit? Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Lagi nitong sinisigaw kung gaano kita kamahal. Sobrang saya ko kapag nasa malapit ka. Masaya ako kapag kasama kita. Alam mo ba kung bakit ako palaging pumupunta sa writer's club office kahit busy ako? Bakit ako sumali sa club ninyo kahit nasa music club na ako? Kasi gusto kitang palaging nakikita. Masilayan lang kita ay kumpleto na ang araw ko. Ganito ang epekto mo sa akin," Sabi niya.

Hindi ako makapagsalita. His whole confession is something I never thought I could hear from him.

"Gusto na kita noon pa lang. Hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataong mapalapit sa'yo. Kaya nga ang saya ko na magkaibigan kayo ni Camila. It's my chance to be close to you," Sabi niya. Gustuhin ko man na aminin sa kaniya na parehas lang kami ng nararamdaman ay hindi ko magawa.

"I'm sorry for doubting to you. Hindi kasi talaga kailanman pumasok sa isip ko na magkagugusto ka sa akin," Sabi ko.

Tumayo naman siya mula sa pagkaluluhod at tinitigan ako.

"Would you let me court you then?" Tanong niya. He is so hopeful.

Stop doubting and try. Hindi mo malalaman ang sagot sa tanong mo kung hindi mo iririsk ang puso mo. Should I ready my self? Yeah.

"Yeah," Sabi ko then smiled. He smiled to me also and we look at each others eyes.

------------
🐥💚
I hope you like this chapter and I'm sorry kung matagal akong mag update.😍 Bawi naman eh. May isa pang chapter akong iuupdate after nito.

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon