18 Talks

4 0 0
                                    

Ilang oras pa ang lumipas at naramdaman ko na umayos na ang pakiramdam ko. Sinamahan pa nila kami hanggang sa dumating si ate.

Pagdating ni ate ay naghapunan lang kami. Nakuwentuhan lang silang dalawa ni Camila tungkol sa mga nangyari at tahimik lang akong nakikinig. Masaya pa nga sila habang nag-uusap. Hindi lang ako nagsasalita kasi naiisip ko ang mga pinag-usapan namin.

He is always there whenever I need him. He always do his best to prove that he is worth it and I know he is.

"Ang sweet talaga niyang boyfriend mo. Gwapo na, sweet pa. Caring din. Ang swerte mo sister!" Sabi ni ate. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa.

"At ang gwapo din ng manliligaw mo Ren, nalaman lang na may lagnat ka eh pumunta agad dito. Kailan mo sasagutin yun?" Sabi niya at tinitigan ako.

Nginitian ko lang siya. Ayoko munang sabihin sa kanila kasi hindi ko pa rin alam kung kailan.

Kinabukasan ay nagsimba kami at nagshopping. Pagkatapos ay umuwi naman kami kaagad. Tinawagan nga ako ni Jae kanina at sinabihan na mayroon daw silang gig kaya hindi sila makapupunta sa bahay.

Naghuhugas ako ng pinggan nang tumabi sa akin si Camila.

"So...kailan?" Panimula niya.

Kunot-noo akong tumingin sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Tungkol sa inyo ng manliligaw mo. Kailan kayo magigung official?" Tanong niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi nagsalita. I heard her sigh.

"I'm sorry for asking. I just wanna know," Sabi niya.

Tinitigan ko naman siya at nginitian.

"It's fine Camila. Hindi ko nga lang sasagutin ang tanong mo. You'll know eventually," Sabi ko.

Tumango-tango naman siya.

After kong maghugas ng plato ay umakyat na ako at pumasok sa kwarto. Nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame. Ano kayang magandang gawin?

Mayamaya ay nakatanggap ako ng text message.

Jae😍:

'Brian is planning for a birthday surprise for Camila. We wanna ask for your help'

Birthday surprise? Brian is so sweet.

Eren:

'Okay. Just ask me. Btw, how's your gig?'

Agad naman itong nagreply.

Jae😍:

'It's fine. How about you? How's your day'

Eren:

'I'm bored😭'

Jae😍:

'I'll call you'

Muntik ko namang mabitawan ang phone ko nang magring ito.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Hello?"

("Hi,") Sabi niya at tumawa. Wow, music to my ears. Natawa naman ako.

"Bakit ka tumawag?" Tanong ko.

("Bakit, ayaw mo ba?")

"Sinabi ko bang ayaw ko?" Tanong ko sa kaniya.

("Nagtanong ka kasi eh,")

"Malamang! Tatawag ka ba ng walang dahilan?" I sounded annoyed but I am not.

("I just want to hear your voice,") Mahina ang boses niyang sabi. Lalo tuloy akong natawa. I feel like I can see him pouting. Cute.

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Where stories live. Discover now