12 Something

3 0 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa booth ay nagpaalam muna ako sa kaniya. Magpahahangin lang ako. Hindi ko kasi kinaya ang mga titig na iyon. Pati na rin ang mga salitang sinabi niya.

Iyon bang sasabihin mo na lang na sana all hindi boring kasama. Natatawa naman ako sa naiisip ko. Hanapin ko na lang kaya si Camila? Nasaan kaya siya?

Nakita ko naman kaagad si Camila na nakaupo sa isa sa mga bench. Lumapit naman ako at narinig ko na nakikinig pala siya sa mga nag-uusap sa gilid.

"Kalma lang bes," Sabi ko kay Camila nang mapansin ko na parang gusto niya nang sumagot.

"Paano ako kakalma eh kung makabulong akala mo eh di ko maririnig. Di ba niya alam na naka-on yung microphone niya sa lalamunan?" Naiinis na sabi niya. Hindi lang basta naiinis, nanggigigil pa.

Sinabi ko na lang na mas maganda siya sa paningin ni Brian. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang mga titig ni Jae sa akin kanina habang kumakanta siya sa booth.

Okay na sana kami kung hindi ko lang narinig ang sinabi ng babaeng mukhang harina. Ayaw ko pa naman na iniinsulto ang kaibigan ko.

Hindi na ako nakapagpigil at sinagot ko na sila. Kulang na nga lang ay hilahin ko ang buhok nila sa sobrang pagkairita ko. Pati yata mga frustrations ko ay naibunton ko sa kanila. Frustrations ko sa nararamdaman ko.

Nagsialisan naman sila kaya nag-usap na lang kami ulit ni Camila. Sinabi ko rin sa kaniya na gustong mameet ni ate ang manliligaw niya.

Dahil medyo masama ang pakiramdam niya ay umuwi na siya. Syempre kasama si Brian. Nagpaiwan naman ako. Mabobored ako sa bahay kapag umuwi ako.

Katabi ko naman si Jae ngayon.

"Ayos ka na?" Tanong niya.

"H-huh?"

"Umalis ka kasi kanina. Ano ba ang nangyari? Hindi mo nagustuhan ang boses ko?" Tanong niya.

"Baliw ka ba?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

"Baliw sa'yo," He mumbled. Ayan na naman siya eh. Bumubulong na naman.

"Ang ganda kaya ng boses mo. Ang dami kayang babaeng kinikilig sa boses mo," Sabi ko.

Syempre kasama ako samga kinikilig. At ang suwerte ko kasi kinantahan mo ako.

"Hinanap ko lang si Camila. May sinabi lang ako sa kaniya," Sabi ko naman.

"Ganoon ba? Anong gagawin mo ngayon? Wala namang gagawin diba?" Tanong niya.

"Bakit kaya hindi na lang tayo mamasyal?" Suhestiyon ni Jil.

"Ayan ka na naman Jil. Ayokong sumama sa pupuntahan mo," Sabi naman ni Yohan.

"Sinabi ko bang isasama kita?" Sagot naman ni Jil at nagsimula na silang mag-asaran.

"Dito na lang ako guys," Sabi ko na lang.

"O sige. Jae sasama ka?" Tanong ni Jil.

"Hindi siya sasama. Sasamahan niya si Eren," Sabi ni Yohan at hinila na si Jinsoo at Jil paalis.

"Mga baliw talaga," Komento ni Jae.

"Pero sabi ni Yohan mas baliw ka," Sabi ko.

Nginitian niya lang ako.

Maya-maya pa ay nakita namin ang tatlo na naglalakad pabalik sa puwesto namin.

"Guys, punta raw tayo sa bahay ni Camila sabi ni Brian," Bungad ni Yohan.

"Bakit daw?" Tanong ko. Ano kayang gagawin doon? Baka nandoon si ate?

"Napaaga raw ang meet up with her sister," Sabi naman ni Jinsoo.

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Where stories live. Discover now