8 Hug

4 0 0
                                    

Inihatid niya na ako pauwi. Sinabihan ko naman siya na huwag babanggitin kay Camila ang nangyari. Ayaw ko naman kasi na mag-alala ng sobra si Camila sa akin. Ayokong dagdagan ang mga inaalala niya.

Nang makapasok ako ng bahay ay agad akong nilapitan ni Camila.

"Saan ka galing?" Tanong niya.

"Sa school. Sorry kung late na ako nakauwi," Sabi ko.

"Pinag-alala mo ako," Sabi niya.

"Sorry," Sabi ko.

"Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?" Tanong niya.

"Lowbat eh," Sabi ko.

"Bakit ka kasi nagpaiwa?" Tanong niya ulit.

"Marami akong kailangan asikasuhin eh," Sabi ko.

Hindi pa natapos doon ang usapan. Sinabihan niya pa ako na huwag nang magpagagabi.

"Huwag ka na kasing magpaiwan ulit," Sabi niya.

"Nagkataon lang na marami akong kailangan gawin at hindi ko na napansin ang oras," Sabi ko.

Sorry Camila. I really did lie. Isa talaga sa mga ayaw ko ay ang magsinungaling. Ngunit kung hindi ko ito gagawin ay baka kung ano pa ang gawin ni Camila. Nagiging overprotective kasi siya kung minsan. Alam ko naman na sonra lang niyang pinapahalagahan ang mga taong malapit sa kaniya.

"Dapat pala sinamahan kita," Malungkot niyang sabi.

Ito na naman po tayo. Magdadrama na naman siya.

Kinaumagahan ay sabay na kami ni Camila sa pagpasok sa school. Naging normal naman ang araw. Bukod lang sa sobrang naging close sa akin si Jae.

Buong araw ay nasa akin ang atensiyon niya. Oras-oras niya akong kinakausap. He never ignore me. Just like he promised.

Si Brian at Camila ay ganun pa rin. Medyo nagkahihiyaan. Palagi naman eh. Panay naman ang tanong ng mga kaklase namin kung paano nagsimula ang love story nila. Natatawa na lang ako sa tuwing titingin sa akin si Camila para humingi ng rescue.

Hinahayaan ko naman siya. She can handle them.

Lumipas ang ilang araw at maayos naman ang takbo ng araw. Palagi pa ring laman ng usapan ang tungkol kay Brian at Camila. Panay ang kumbinsi sa amin ni Camila na tulungan siya na sabihin sa lahat na wala naman talagang sila ni Brian.

We just tell her that she should let it be.

Naisipan ko na magpaiwan na naman kasi nga tambak talaga ang gawain ko. Hindi nga pumayag si Camila kasi sigurado raw na gagabihin ako. Wala naman siyang nagawa kasi nagpaiwan din si Jae at sinabi nito na siya na ang maghahatid sa akin. Mukhang makaaabala na naman ako.

"Jae, pasensya ka na-

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ka abala para sa akin? Kahit araw-araw pa kitang ihatid pauwi, ayos lang. We're...friends, right?" Sabi niya.

Friends, right? Friends? Oo nga, magkaibigan tayo. Magkaibigan lang.

"Ah..hahaha..yeah. Salamat," Sabi ko.

"Ano nga pala ang mga gagawin mo? Baka kasi may maitulonh ako. We're on the same club anyway," Sabi niya.

"Huwag ka nang mag-abala. Mabilis lang naman ito," Sabi ko.

Sinamahan niya nga ako hanggang sa matapos ang gawain ko.

Pauwi na kami nang mapansin ko na medyo matamlay siya.

"Ayos ka lang ba?." Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng school.

"H-huh?" Tanong niya. Mukhang malalim ang iniisip niya.

"Sabi ko, ayos ka lang ba? Ang tamlay mo kasi," Sabi ko sa kaniya.

"Ayos lang naman ako. May iniisip lang," Sabi niya.

"Pwede kong malaman?" Tanong ko.

Napalingon naman siya sa akin. Napansin ko naman kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Bakit kaya siya malungkot?

"Wala iyon. Tara, uwi na tayo," Sabi niya.

Hindi niya sinabi. Bakit? Pwede niya namang sabihin ah.

Habang nagmamaneho na siya ay hindi talaga ako mapalagay. Hindi ko kayang makita ang malungkot niyang mga mata. Nasasaktan ako. Hindi ko alam na ganito ang epekto ng pagmamahal. Nasasaktan ka dahil nasasaktan siya. Nalulungkot ka dahil nalulungkot siya. Nababahala, naliligalig. 

"Jae, kung feel mo nang sabihin kung ano man ang bumabagabag sa'yo, sabihin mo lang. Handa akong makinig," Sabi ko.

Inihinto niya naman ang kotse. Nasa tapat na kami ng gate ng bahay.

"I know Eren. I know that you will listen but...I know that you also have a lot of problems you need to deal with. I can't just add up to that," Sabi niya.

"Add up? Mas lalo lang akong mag-aalala kung hindi ko alam," Sabi ko.

"We are friends right? You know you can always count on me. I can lend my shoulders for you to lean on. That's what friends do right?" Dagdag ko.

"I know. We're friends," Sabi niya.

Kainis! Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko. Mas nasasaktan ako kapag nanggagaling sa kaniya ang mga salitang iyon. Magakaibigan kami. Magkaibigan lang.

"Kaya nga ay pwede ka magsabi. You can tell me whatever is bothering you and I will try my best to make you feel better," Sabi ko.

"Make me feel better? Can I hug you then?" He asked.

I gasped a little.

"What?" Tanong ko. Did he just say hug?

"I said, can I hug you? Maybe it will make me feel better," Sabi niya pa.

"S-sige, baka nga," Sabi ko.

Nagsimula siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Hindi siya yumayakap ng maayos kasi pinapakiramdaman niya kung ayos lang sa akin. I just hugged him back to make him feel comfortable.

We stayed like that until I heard him sobbing.

I panicked a little.

"J-jae," Sabi ko.

"L-let's...stay like this for a while please," He said.

And who am I to say no?

I hug him tight. He did the same.

--------------------
Hey guys! Are you all doing fine? Here's another chapter for you. 🐥💚

Another update is on the way!

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Where stories live. Discover now