2 Under the Rain

12 1 0
                                    

Natapos ang programa at umuwi na kami ni Camila.

We ate lunch then sleep. Hindi naman agad ako nakatulog kasi hindi mawaglit sa isipan ko si Jae.

Bakit ba kasi siya nakatingin sa akin? Sa akin nga ba talaga?

With that thought, I fell asleep. I wake up early next morning and prepare our breakfast.

Nagising din naman si Camila kaya sabay na kaming kumain.

"Rens, may tanong ako." Sabi niya.

"Ano yun?" Tugon ko habang kumakain na ng pandesal.

"Tingin mo, sa atin kaya nakatingin yung si Jae kahapon?" Nagulat naman ako sa tanong niya kaya nabulunan ako.

Nataranta naman siya kaya kumuha siya ng tubig.

Nang makainom ako ng tubig ay tumingin ako sa kaniya.

"Hindi ko alam. B-bakit mo natanong?" Sabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Eh para kasing nakatingin siya sa gawi natin. Tapos namumula ka pa. Masyado bang mainit kahapon?" Inosente niyang tanong.

I look away.

Is this woman teasing me?

Eh siya nga kahapon ay hindi na halos humihinga habang nakatitig kay Brian.

"Baka imagination mo lang. At bakit naman ako mamumula eh ang lamig nga sa loob kahapon? Baka dahil lang yun sa lights. Akala mo namumula ako." Paliwanag ko.

Buti naman at di na siya nagtanong pa.

After that ay naligo na kami at nagbihis. Nakarating naman kami sa school ng medyo maaga. Ang lakas din ng ulan. Buti na lang talaga at nagdala ako ng payong.

"Ang aga niyo naman yata?" Bungad sa amin ng guard.

"Maaga po kasi kami nagising." Sabi ko.

Tumango lang siya sa amin. Pagdating namin sa classroom ay nandoon na ang iba naming kaklase.

Naghintay lang kami ng ilang minuto bago dumating yung teacher.

Bigla namang nag-ingay yung mga classmates namin.

Dumating lang naman kasi yung lima.

Hindi na yata ako humihinga. Lalo pa akong hindi nakahinga nung umupo siya sa tabi ko. Sa tabi ko!

I hold my breath. What to do? We are so close.

Bakit ba kasi sa akin siya tumabi? I know! Gusto ko rin siyang katabi pero hindi ko alam na ganito kalakas yung epekto ng pagiging malapit ko sa kaniya.

Yung kakaibang damdamin na nararamdaman ko kapag nasa malayo siya ay tumitindi kapag ganito siya kalapit.

Hindi niya naman siguro mahahalata na may gusto ako sa kaniya diba? Hindi naman ako obvious? Gusto? Gusto lang ba? Gusto ko lang ba siya?

Hindi ko rin alam. Pero kung higit pa doon ang nararamdaman ko, saka ko na lang iisipin yun.

I will focus on our class kasi nagsasalita na yung teacher namin eh.

I was thankful na natapos ang klase na naintindihan ko ang sinasabi ng mga teachers.

Umuulan pa rin. Kailan ba titigil ang ulan?

Naalala ko naman na kailangan ko palang pumunta sa writer's club office. May gagawin kami ngayon.

Nagpaalam na lang ako kay Camila. Susunduin naman siya ni ate eh.

Pagdating ko sa office ay nakita ko agad si Alyssa.

"Miss President!" Sigaw niya.

"Ang OA mo Aly." Sabi ko sa kanya.

"Namiss kasi kita! Balita ko nandiyan yung kababata mo?" Aba't tsismosa rin to ah.

"Oo, dito din siya nag-aaral." Sabi ko.

"Edi okay yan. May makakasama ka na." Sabi niya.

"Yeah, so ano ba ang gagawin natin dito at kailangan pa akong pumunta?" Naiirita kong sabi.

"Hoy bruha ka! Malamang kailangan ka dito! Ikaw kaya yung President ng club!" Napangiwi na lang ako sa tinawag niya sa akin.

Sanay naman na ako sa mga lumalabas sa bibig niya.

Kaya siguro single to kasi napakasungit niya talaga. Sino kaya ang magtitiis sa kaniya?

"Oo na! Alam ko yan." Sabi ko na lang.

Mayamaya pa ay dumating na yung adviser namin at nagbigay ng ilang mga instructions para sa proyekto na gagawin. Hindi naman ganun kahirap yun kaya tingin ko ay matatapos agad.

Tama naman ako kasi natapos agad namin ng ilang oras lang. Napatitig naman ako sa bintana. Mas lalo yatang lumakas ang ulan? May payong naman ako pero di ko alam kung kakayanin ng payong ko hanggang sa may parking lot.

"Okay guys, you can now go home pero sa tingin ko ay mas okay na patilain niyo muna ang ulan." Sabi ng adviser namin at umalis na.

I heard a lot of my members complaining about the rain.

"Paano ako uuwi nito? Nakakainis kasi si Chloe! Dapat talaga iniwan niya yung isang payong para sa akin eh!" Narinig kong reklamo ni Aly.

Hindi ko na lang sila pinansin at tumayo na.

"Sige guys! Ingat kayo pauwi!" Sabi ko at lumabasna ng office.

Paglabas ko ay agad kong naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Halos mabasa na rin ako ng ulan. I tried so hard to walk straight. Napakalakas kasi ng hangin.

Napadaan naman ako sa may auditorium at nakita ko ang taong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Jae.....

Nakatayo lang siya sa labas ng pintuan. Hindi alintana kahit nababasa na siya ng ulan. Nakatingin lang siya sa taas na parang pinapanood ang pagbagsak ng butil ng ulan mula doon.

I was so mesmerized with the man in front of me that it makes me appreciate how beautiful he is standing under the rain.

Umihip naman ang napakalakas na hangin kaya nabitawan ko ang dala kong payong. Napasigaw pa ako kasi mas nabasa na ako ng ulan.

Biglang namang kumidlat kaya mas lalo akong napasigaw. I was already trembling when I felt an arm around my shoulder.

Hinila niya naman ako para sumilong sa auditorium. Buti nga at bukas pala yun.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tumingala naman ako sa kaniya. Nakaupo na kasi ako sa sahig habang siya naman ay nakatayo sa harap ko.

"Y-yes." I answered with my trembling voice.

"Do you still remember me?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"H-huh? K-kilala kita. Paano naman kita makakalimutan eh palagi ko kayong nakikitang nagpeperform." Sabi ko.

"I mean....ano....do you still remember the first we meet?" Tanong niya.

"Sa tingin mo?" Sabi ko.

"I don't know. All I know is that I never forget about you. And I will never forget you." He said sincerely.

What he said took my breath away.

------------------
💚🎆🐥 Did it took your breath away also? Share your thoughts!😚

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Where stories live. Discover now