13 Visit

3 0 0
                                    

Sabay kami umuwi ni Camila kagabi at hinatid kami ng lima. Ewan ko nga at bakit inihatid pa nila kami eh napakalapit lang naman ng bahay namin kina Brian.

"Okay lang naman kahit hindi niyo na kami ihatid," Sabi ni Camila.

"Hindi ako mapapanatag kung hindi namin kayo maihatid," Sabi ni Brian.

"Wow, iba talaga," Sabi ko at tinawanan lang nila ako.

"Wala pa rin ba yung manliligaw mo?" Tanong ni Camila sa akin at napatingin naman sa akin ang lima at kay Camila.

"Huh? Anong manliligaw?" Nagtataka kong tanong.

"Ah, wala pa ba? Haha, sabi ko nga," Sabi ni Camila at tinignan ang lima. Para silang nag-uusap gamit ang mata.

"Kaya nga eh. Napakabagal kasi," Bulong ni Yohan pero narinig ko naman.

Nakarating na kami sa bahay at naghahanda ng matulog.

"Camila, bakit ka lutang?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala naman," Sabi niya habang nakatingin sa kawalan at nakangiti.

"Anong manliligaw ang sinasabi mo kanina ha?" Tanong ko ulit.

"Wala naman," Sagot niya. Baliw talaga.

Kinabulasan ay naghahanda na kami para sa pagpasok sa school. Si Camila ay medyo lutang pa rin.

Third day of fun day. Dapat kasi ay isang araw lang talaga kaya lang ay sinabi na one week na lang.

Naenjoy ko naman ang fun day hanggang sa naencounter namin si Patricia at nakasagutan pa namin ang malditang babae. Nawalan tuloy ako ng ganang magsaya sa fun day. At dahil bad trip ako ay umuwi kami ni Camila. Sumama naman ang lima. Lagi naman silang nakabuntot sa amin eh.

Pagdating sa bahay ay nagbake kami ng cake.

"Camila, anong ginagawa ng lima sa sala?" Tanong ko.

"Nanonood ng tv. Ano pa ba sa tingin mo ang gagawin ng mga iyon? Masyado silang at home eh," Natawa naman kaming dalawa.

"Buti nga at pumayag si ate na rito muna sila," Sabi ko.

"Papayag talaga iyon. Close kaya sa kaniya ang lima," Sabi niya.

Oo nga. Masyado silang close kay ate kaya kapag sinabi nila na pupunta sila dito ay agad na pumapayag si ate.

Nanatili pa silang lima sa bahay ng ilang oras bago umuwi. Bumalik naman kami sa school kasi medyo nawala na ang pagkairita ko.

Si Jae ang kasama ko sa buong maghapon kasi si Brian at Camila naman ang magkasama. Ang tatlo naman ay kung saan-saan nagpupunta.

"Rens, may gagawin ka ba mamaya?" Tanong ni Jae sa akin. Nandito kami sa booth ng club namin at nakaupo lang doon.

"Wala naman. Bakit?" Tanong ko.

"Baka kasi pwede kayong madinner sa bahay. Isama mo na si Camila," Sabi niya.

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko.

"Wala naman. Gusto kasi ni Dad na imbitahan kong magdinner ang mga kaibigan ko," Sabi niya.

Oh my!

"P-pwede naman. Sabihan ko lang si Camila," Sabi ko. Bakit ba ako nautal? Natawa na lang ako.

Kinagabihan ay sinundo naman nila kami at sabay na kaming pumunta sa bahay ni Jae. Sa kotse ako no Jil nakisabay.

"Jil, mabait ba ang parents niya?" Tanong ko.

"Oo naman. Sobrang bait nila," Sabi ni Jil.

Pagdating doon ay sinalubong niya kami kaagad.

"Pasok kayo, nakahanda ang dinner," Sabi niya sa amin.

"Naku bro, ilang buwan na rin ng huli kaming nakapunta dito," Sabi ni Jinsoo.

"Oo nga. Namiss ko sina Tito at Tita!" Masiglang sabi ni Yohan.

"Anak, sila na ba iyan?" Narinig naman namin na may nagsalita kaya napalingon kami.

Natulala naman kaming dalawa ni Camila. Napakaganda niya. Siya ba ang Mommy ni Jae? Napakaganda.

"Ang ganda!" Bulong sa akin ni Camila. I agree with her.

Niyaya kami nitong pumasok at sumalubong naman ang isang lalaki. Sa tantya namin, he is his Dad.

"O, mabuti naman at pinaunlakan niyo kami. It's been a while boys. Let's see, there are two ladies right here. Nice meeting you. I am Michael Park. And this is my lovely wife Bettina," Sabi niya.

"Hello po Tita, tito. Alam po namin na kilala niyo na kami. Ipakikilala na lang po namin ang dalawa naming kasama," Sabi ni Jinsoo.

"Y-yeah. Dad, this Camila and Eren, my friends," Sabi ni Jae.

"H-hello po," Bati namin ni Camila.

"Hon, it seems like the ladies are intimidated. Don't be scared Camila and Eren. We are nice to someone who is also nice," Nakangiting sabi ni Maam Bettina.

"And you can call me Tita Betty and you can call my husband Tito Miko," Sabi niya. Nakangiti ito ng makahulugan habang nakatingin sa akin.

"You are Eren," Sabi niya.

"Yes po," Sagot ko kahit hindi naman siya nagtanong.

"You are pretty," Sabi niya.

"Yeah, I know now why my son-

"Dad! Mom! Let's start the dinner please!" Biglang sabi ni Jae. Nagulat naman ang apat kasi pinutol niya ang sasabihin ng Dad niya.

"Okay, let's talk later," Sabi ni Tita Betty at niyaya na kaming kumain.

Habang kumakain ay panay ang pagkukwento ng parents niya tungkol sa childhood nito.

Pagkatapos naman ay pinaupo muna kami sa sofa sa sala at kinausap niya na naman kami. Medyo naiilang pa nga ako kasi panay ang titig sa akin ng Mommy niya na parang kinikilatis ako. Si Camila naman ay walang napapansin kasi mukhang naeenjiy niya ang topic.

Maya-maya ay biglang nagpaalamsi Camila na pupunta sa banyo. Kabado naman ako kasi naiwan kaming dalawa.

"Eren, you know what, I really find you so pretty," Sabi niya.

"T-thank you po," Nauutal kong sabi.

"Mayroon kasi akong gustong sabihin eh. Kaya nga lang ay mukhang wala ka pang nalalaman. Ewan ko ba at napakabagal kumilos ng anak ko," Natatawa niyang sabi. Nagtataka naman ako. Hindi ko siya magets.

"H-hindi ko po kayo maintindihan," Sabi ko.

"Alam ko. Darating ang araw na maiintindihan mo rin ako. Ayaw ko lang pangunahan ang anak ko," Sabi niya at ngumiti. Tumango na lang ako kahit naguguluhan ako.

Dumating naman si Camila at nag-iba na ang topic namin. Maya-maya pa ay nagpaalam na kaming uuwi. Medyo malalim na rin ang gabi at malayo ang bahay namin.

"Sana makadalaw ulit kayo dito at sa pagpunta niyo dito ay naiintindihan na ako ni Eren," Sabi ni Tita Betty at tumawa. Tumawa rin si Tito Miko.

"Hon, ano namang sinabi mo sa fut-

"Dad!" Putol ni Jae sa sasabihin nito.

"Ikaw talaga anak, ang hilig mong putulin ang sasabihin ko," Sabi namin na tinawanan namin. Kay Brian na lang kami ni Camila sumabay. Gusto nga sana akong ihatid ni Jae kaya lang ay sinabihan ko na huwag na. Besides, mas malapit ang bahay ni Brian sa amin.

Pagdating sa bahay ay wala si ate. Nasa business trip na naman siguro.

Nakipagkwentuhan muna sa akin si Camila bago kami natulog. Hindi kasi ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Tita Betty. Ano kaya iyon? Nakatulugan ko na ang pag-iisip.

--------------
💚🐥

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz