16 Enlighten

2 0 0
                                    

Bagama't pinayagan ko na siyang manligaw, naroon pa rin ang pakiramdam na pag-aalinlangan. One week. Isang linggo na siyang nanliligaw at sa mga araw na lumipas ay pinaparamdam niya sa akin ang feelings niya.

Araw-araw niyang pinapatunayan sa akin na seryoso siya. Nakokonsensiya tuloy ako kasi nakararamdam ako ng alinlangan at pagdududa sa kabila ng mga ipinakita niya. Alam ko sa sarili ko na mahal ko rin siya. Hindi ko lang siguro naisip na pareho kami ng nararamdaman.

"Eren, nagreview ka ba ng mabuti?" Tanong ni Camila. Tumango lang ako sa kaniya.

"Hindi naman siguro mahirap ang exam. Bukas pa naman iyon. Mayroon pa tayong oras para magreview," Sabi ni Camila.

"Yeah," Tanging nasabi ko. Hindi talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa dami ng iniisip ko. Buti nga at nagawa ko pang magreview eh.

Iniisip ko rin kasi ang tungkol sa trabaho namin mamaya. Part time lang naman. Nagsimula na kasi kaming magpart time. Sa totoo lang ay hindi naman na kailangan. Mayroon naman akong kuya na nagpaaaral sa akin. Gayundin si Camila. Ang gusto ko lang naman ay maranasan na magtrabaho. Atsaka medyo malaki naman ang sweldo kaya makaiipon kami. Makatutulong din naman iyon sa amin.

Pagdating sa school ay usual lang naman ang nangyayari. Nagremind lang ang mga teachers na magreview kami ng mabuti para sa exam bukas. Ang huling subject nga lang namin sa hapon ay medyo natagalan magdismissed kaya hindi kaagad kami nakapunta sa trabaho.

Pagkatapos naming magtrabaho ay umuwi na kami. Nagdinner at nagreview.

Medyo naexcite yata si ate kaya ginising niya kami ng maaga.

Pagkatapos ng exam...

Nasa canteen lang kami at nag-uusap tungkol sa nangyaring exam. Nagpayayabangan lang sila kung sino ang mga nadalian sa exam. Well, hindi naman ako nahirapan, hindi rin nadalian. Nasagutan ko naman pero hindi ako sigurado sa mga sagot ko.

Pabalik na kami sa classroom nang maramdaman kung tumabi sa akin si Jae.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tahimik. Unusual lang para sa akin," Sabi niya. Nginitian ko naman siya.

"Ayos lang. Hindi lang nakatulog ng maayos. Alam mo naman na kailangan kong magreview," Sabi ko.

"Hindi ka naman siguro mahihirapan kung magtatrabaho kayo habang nag-aaral, hindi ba?" Tanong niya.

"Kailangan lang. Kaya naman namin to," Sabi ko.

"I will always be here for you," Sabi niya. Those words melts my heart. It washed away the doubts in me. Namangha nga ako sa epekto ng mga salitang iyon. Ganoon naman siguro kapag mahal mo ang isang tao. They can always make you feel better with just words.

Natapos ang araw at nasa bahay na kami. May exam pa kami bukas kaya nagreview na naman kami. Kinabukasan ay ginising ulit kami ni ate ng maaga. Natatawa na lang ako sa iritadong mukha ni Camila. Naiinis talaga siya sa ginagawa ni ate. Ako naman ay hindi na nagulat. Ganoon naman kasi siya eh. Simula nang tumira ako rito ay ganoon na siya. Laging nanggigising ng maaga.

Habang papunta sa school ay iniisip ko na lang ang mga magiging exam mamaya. After nito ay wala kaming pasok next week kaya konting tiis na lang.

Nakahinga na ako ng maluwag nang matapos ang exams. Sa wakas, makababawi na ako ng tulog. Hindi kasi talaga ako nakatulog ng maayos kaya kailangan ko ng tulog.

Tapos na ang trabaho at nasa bahay na kami. I am just staring at the ceiling then into the wall. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kisame at pader. Hindi ko alam kung bakit napakadami kong iniisip. I sigh. What should I do?

Is he worth it? Tanong ng isang bahagi ng utak ko.

He is. He is worth it and I know that.

Then just give him the chance.

I will. I just need to think some more.

"It's not good to overthink," Napatingin naman ako kay ate na nakaupo na sa tabi ko.

"Masyadong malalim ang iniisip mo. Eren, matagal na kitang nakasama at lagi kong napapansin na nag-ooverthink ka. Ayaw mo naman na pag-usapan natin. You keep it to yourself. Baka naman may maitulong ako. Why don't you try asking me for some advice? I might be able to give you the answer that you've been seeking. Not that I am confident though," Sabi niya. Natawa lang ako ng mahina.

"You know that I always have doubts. I don't know. Doubts is always engrave in my mind. Lagi na lang akong nagdududa sa sarili ko at sa ibang tao," Sabi ko.

"It's fine. We have our doubts. Pero lagi ka kasing pinangungunahan ng pagdududa at pag-aalinlangan. It makes you hold back. Kung ano man ang magiging desisyon mo, make sure it's worth it," Sabi niya at tumayo na.

That night, I just realized, she did give me the answer that I've been seeking.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakatulog naman ako ng maayos kaya medyo magaan ang pakiramdam ko.

Nagising si Camila at nag-usap lang kami. I tokd her about Jae. I was just shocked that she knows about Jae's feelings towards me. Well, medyo close nga naman sila.That talk just enlighten me to decide for myself.

Kanina pa ako nakatingin sa mga halaman sa mini garden ni ate. Ang ganda kasi ng mga bulaklak na nandoon.

Nakaupo lang ako sa maliit na bench nang may tumawag.

("Eren?")

"Jae? Napatawag ka?" Tanong ko nang marinig ko ang boses niya.

("Wala lang. Gusto ko lang marinig ang boses mo,") Sabi niya.

I bite my lip. I tried my best not to squel. Alam niya talaga kung paano magpakilig eh no?

"Oh, ayan naririnig mo na," Sabi ko habang nakangiti.

("Yeah, kumpleto na ang araw ko,") Sabi niya.

Napapikit na lang ako para pigilan ang sariling mapasigaw sa kilig.

"Ano...Jae...?"

("Yes?")

"H-hindi ba k-kayo pupunta dito?" Tanong ko.

("Why, you miss me already?") Tanong niya habang tumatawa.

"Medyo lang," Sabi ko at tumawa na rin.

("Baka mamaya. Ako yata ang sobrang nakamiss sa'yo. Sige, later,") Sabi niya.

I just look at the plants while smiling like an idiot. You're so in love to him.

----------------
🐥💚

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Where stories live. Discover now