10 Kilig

5 0 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga kaya nakita ko ang ipinadalang bulaklak at pizza ni Brian.

Ang lalaking iyon na hindi yata marunong manligaw kasi binulabog niya pa ako kagabi para lang magtanong. At ano namang alam ko doon? Sinabi ko na lang na favorite ni Camila ang pizza kahit hindi ko naman alam kung paborito niya nga ba. Basta pagkain.

Lumabas naman agad si Camila sa kwarto niya pagkalipas ng ilang minuto.

"Good morning Camila!" Bati ko sa kaniya habang nakangiti.

"Ang saya mo ah!" Sabi niya naman.

"Bakit? Di ba pwedeng maging masaya?" Tanong ko. I am happy about some various things.

Umiling lang siya.

"Nga pala, may ipinadala ang manliligaw mo. Kanina lang yan." Sabi ko sa kaniya. Tinignan niya naman iyon. May note pala na nakalagay. Bakit kasi hindi ko iyon nakita kanina?

Kinulit ko pa nga siya na ipakita sa akin pero ayaw niya talaga. Bagkus ay sinagot niya lang ako ng:

"Huwag kang mag-alala. Ikaw rin. Nararamdaman ko, malapit na," Sabi niya. Nagtaka naman ako.

"Huh?" Hindi niya naman ako sinagot. Umiling lang siya.

Ano kayang ibig niyang sabihin?

Hindi naman siya nagsalita na kaya naghanda na lang ako para sa pagpasok sa school.

Pagdating sa school ay usual lang naman bukod sa may bulaklak sa armchair ni Camila ay ganun pa rin.

Nang dumating ang adviser namin ay ipinahatid niya lang ang mga kailangang gawin para sa fun day na gaganapin bukas.

Dumiretso naman kaagad si Camila sa music room habang ako ay naglinis pa ng classroom kasama ang iba kong mga classmates.

Pagkatapos ay pumunta naman kaagad ako sa office naman. Nadatnan ko naman si Alyssa na nagpupuyos sa galit.

"What's wrong Aly?" Tanong ko. Dalawa lang kaming nandito ngayon. Ang iba kasi naming member ay may iba pang clubs na sinalihan. Kami lang dalawa ang nasa writer's club lang talaga.

"Nakaiinis talaga ang Yohan na iyon! Sinabihan ko lang naman na baka pwedeng pumunta sila dito pagkatapos ng meeting nila sa music room, tapos hindi niya ako pinansin?" Sabi niya.

"Kumalma ka Alyssa," Sabi ko.

"How can I?" Tanong niya pa.

"By the way, what's our plan? Kailan sila pupunta dito? You know that I need suggestions," Sabi ko.

"Yeah, Angel will be here soon," Sabi niya.

"How about Nicole? Ed? Christine?" Tanong ko.

"Mamaya pa," Sabi niya.

"Huwag muna nating abalahin sina Jae at Yohan. They need more time in the music club," Sabi ko.

"Alam ko pero nakaiirita si Yohan," Sabi niya.

Tinawanan ko lang siya. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago nagsidatingan ang ibang miyembro.

Napagkasunduan namin na gumawa ng maikling kwento at icompile iyon para gawing libro. Pumayag naman sila kaagad kaya nagsimula na kaming gumawa.

Nagsimula na silang magsubmit sa akin kaya sinimulan ko na ang editing. Wala kasi ang adviser namin kasi may pinuntahang meeting kaya nagmessage lang ako sa kaniya ng mga napagkasunduan namin. Pinayagan niya naman kami. Mukhang gagabihin na naman ako. Paano kaya to? Hindi ako masusundo ni ate.

Kanina pa ako nag-iisip nang dumating si Jae at Yohan.

"Hello Eren! Hello Aly!" Bati ni Yohan pero inismiran lang siya ni Alyssa.

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Where stories live. Discover now