Chapter 45

271 10 3
                                    


CHAPTER 45: HADWIN'S KINGDOM


Dalawang araw na rin ang nakalipas nang makaalis kami sa dimesyon na pinag ensayuhan namin.

Maraming nakapansin na mag nag iba saamin ngunit hindi naman namin ito pinapansin.

"Nawawala na naman sina Corwin at Belle" sabi ni Azriel nang makalapit saakin.

Hindi ko siya tiningnan at nagpatuloy lamang sa pagbabasa rito sa hidden garden.

"Hindi mo ba alam na nagd-date sila?" Sabi ni Diamond na nakaupo sa sahig at nag aayos ng mga puzzle

"Huh?Nag d-date?kailan pa?" Kunot noong sabi nito saka humigop sa tasa niya.

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula e pero mas naging close sila nung natapos ang training natin"sabi nito. Napansin ko rin na nagiging madaldal na si Diamond which is a good thing.

"Ah. Kaya pala! May gusto naman yang si Corwin kay belle e buti pinatulan ni Belle"

Napailing nalamang ako sa sinabi ni Hadwin nang bigla akong may naramdamang kakaiba kaya napaayos ako ng upo at naibaba ang librong binabasa ko at naramdaman kong may kung anong bagay ang dumaloy sa maga ko at nakita ko ang isang kingdom na maraming taong nagtatakbuhan. Mga kapangyarihang itim at bigla nalamang itong nawala.

Wala sa sariling napatingin ako kay Diamond ng makitang nakatulala ito at may kung ano akong nakita sa mata ng ilang saglit.

Naputol ang pagtingin ko sa kaniya ng biglang sumulpot sina Ingrid at Hadwin sa paningin ko.

"Hoy Akira kanina pa kita tinatawag e " nakasimangot na sabi ni Ingrid

"Bakit?" Tanong ko. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa marka na nasa braso nila. Kay hadwin lang ang nailaw ngunit hindi ito gaanong kahalata kasi nakasuot siya ng shirt. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko ang mga marka kahit tago ito.

"Wala. May ipapatikim sana ako sayo kaso kinuha ni Azriel e"sabi nito sabay turo kay Azriel na maamos na. Parang bata

Tumayo ako at agad na hinawan ang balikat ni Hadwin na siyang kinagulat niya. Napatingin din ako kay Diamond na humawak rin sa kabilang balikat ni Hadwin kaya napatingin siya saaming dalawa na naguguluhan lalo na si Ingrid na naalis na ang hawak kay Hadwin.

"Anong nangyayari,Akira?" Tanong ni Azriel na sa tingin ko ay nararamdaman niya ang seryosong awra.

"Kailangan kitang kausapin Hadwin."sabi ko

"Ganun din ako"sabi ni Diamond.

"Wait, Ano...Bakit hindi niyo nalang siya kausapin dito?" Sabi ni Ingrid na naguguluhan na

Wala namang imik si Hadwin dahil ramdam niya siguro ang seryoso kong tingin sa kanya. Mga ilang minuto ang nagdaan na katahimikan at nagsalita na rin si Hadwin.

"Kakausapin ko lang sila saglit, Ingrid" seryoso niyang sabi

"Azriel, Clint kayo na ang bahala kay Ingrid. Bantayan niyo siya at huwag alisin ang mga mata kahit isang segundo" seryoso kong sabi at sinenyasan si Hadwin at Diamond na sumunod saakin.

Nakarating naman kami sa Secret garden dito sa dorm namin at gumamit narin ako ng barrier upang walang maka atake saamin o makarinig.

"Bakit?" takang tanong ni Hdwin. Tinitigan ko naman siya sa mata at paulit-ulit ang nakikita ko.

"Kailangan mong pumunta sa inyong kaharian at ipaalam sa kanila na may magaganap an digmaan"Seryoso kong sabi 

"Ano ka ba? Huwag ka ngang ata sa digmaan" natatawang sabi ni Hadwin ngunit nakikita ko siyang kinakabahan.

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon