Chapter 49

186 11 1
                                    


Chapter 49: Egg

"Azriel's POV"

 Ilang linggo na akong nakarating sa palasyo at ilang linggo na din akong gustong kausapin ng mga magulan ko o mga kaibigan ko ngunit hindi ako lumabas ng aking kwarto. SImula ng pumunta ako dito ay nag-anunsyo akong huwag akong istorbohin o palabasin. Dinadalhan lamang nila ako ng pagkain s atapat ng aking kwarto at hindi na inabala pa. 

Alam ko namang nag-alala sila ngunit mas nag-alala ako kay Akira wala paring palatandaan na mawawasak na ang itlog.  Ilang linggo na ako pumupuslit sa silid-aklatan dito sa palasyo upang makahanp ng impormasyon. Kahit papaano ay may nalalaman ako ngunit hind 'yon sapat. 

Naririnig ko sa labas palagi na nawawala din si Akira at pianghihinalaan nila na iyon ang dahilan kung bakit ako nakakulong dito saakin kwarto ngunit mali ang kanilang mga naririnig. 

Nag-eensayo na din ako ng kapangyarihan ko upang maprotektahan si Akira sa hinaharap. Alam kong kapag lumabas na siya ay may magbabago sa kanya. 

"Azriel..?" napatingin naman ako sa pintuan ng may biglang nagsalita at kumatok. Hindi naman ako sumagot " Azriel Horst kung hindi mo ito bubuksan ako ang magbubukas" pananakot ni Ama.

Napalunok naman ako saka inayos ang itlog sa isang tabi na hindi agad mapapansin ngunit ligtas naman. 

Bago pa sirain ni Ama ang pintuan ay binuksan ko na agad iyon. Nakita ko naman si Ama at ina s amay pintuan at sa dulo noon ay si Clint. 

"Bakit Ama?"

"Ilang linggo o buwan ka ba magtatago ri'yan?" sabi ni Ama may halo itong pag-alala

"Hanggang sa bumalik siya Ama" ika ko habang nakatitig kay Ama. Kumunot-noo naman si Ina 

"Sinong tinutukoy mo?" hindi naman ako sumagot sa tanong ni Ina at umiwas ng tingin 

"Magpapahinga na po ako," ika ko at babalik na sana ng biglang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako kung sinong humawak noon at gulat ako pati sina Ama na tumingin kay Clint. 

"Azriel, kahit hindi ko mabasa ang isip mo. Makakatulong ako" binitawan naman niya ang kamay ko kaya tumango ako. 

"Ina, Ama. Lalabas ako kapag bumalik na siya hayaan niyo na muna ako sa ngayon" ika ko at sinenyasan si Clint na pumasok sa loob. 

Kita ko namang malungkot si Ina ngunit si Ama ay parang kampante dahil kay Clint. 

"Si Akira," panimula ni Clint 

"Alam kong alam mo ang nangyayari" sabi ko saka nahiga. Umupo naman siya sa upuan at kinuha ang librong binabasa 

"Alam ko ngunit hindi lahat." ika niya habang binabasa ang libro ko "Akala ko ba ay hindi ka na magbabasa ng ganitong karami ngunit nilulun mo ang oras mo sa pagbabasa"  sabi niya na nakapagpabangon saakin. 

"May kailangan akong malaman"  sabi ko at gamit ang kapangyarihan ko ay kinuha ko sa kanya ang libro " Kailangan mo akong tulungan. Alam kong kahit may alam ka ay hindi mo sasabihin lahat kaya tulungan mo nalamang ako at mag ensayo ka para sa hinaharap ay mailigtas natin si Akira" 

Nakatitig na tumango naman siya saakin "Bumalik ka sa paaralan marami kang malalaman. Parehas tayo ng nararamdaman kay Akira.. iyon ay gusto natin siya iligtas ngunit nagtataka tayo kung bakit"

Tumango naman ako sa kanya bilang pag-sang ayon" Iyon din ang gusto kong alamin" 

"Kinuha naman niya ang isang libro saka tumingin saakin " Huwag mong hanapin dahil kapag hinahanap mo hindi nagpapakita pero kung hindi mo hinahanap magpapakita." 

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon