Chapter 53

251 10 1
                                    


Chapter 53: Comfort

"HARMONIE'S POV "


Nagising ako at isang apoy ang nakita ko at ang mga kasama kong lalaki ay nakaupo at ang babae naman ay nakahiga. Mukhang napansin naman nilang nagising ako kaya nilapitan nila ako. 

"Ayos ka lang?" tanong ni Hadwin kaya tumango ako 

"Anong nangyari?" taka kong tanong. Ang huli kong naalala ay muntikan na akong dambahin ng goblin ngunit may naamoy ako na siyang hindi ko na napigilan pumikit. 

" Mabuti at nasipa ni Corwin ang goblin na muntikan ng sumaksak sayo at hindi namin unang  makita si Hallie kaya inutusan ko si Stephen na hanapin ang bag at doon niya nakita si  Ingrid na natutumpukan na din ng mga goblin kaya ginawa ni Stephen ay nanlaban at may nahulog sa bag na bote. Wala na siyang mapagpilian dahil natutumpukan na din kami kaya binuksan niya iyon." Ika ni Hadwin saka tumingin kina Hallie at Ingrid na mahimbing na natutulog. 

"Maraming salamat at hindi niyo sila pinabayaan." ika ko ngumiti lang naman sila at kita ko naman si Stephen na mukhang pinag-aaralan ang mga bote sa bag. 

Inabutan naman ako ng tubig ni Corwin na siyang tinanggap ko. "Mabuti at may nahanap kayong ligtas na pagpapahingahan." 

"Hindi rin kami sigurado kung ligtas dito sa pwesto na ito kaya gising kami. Kailangan din natin ng pahinga at mahaba na pala ang nalakbay natin at hindi pa tayo nakakain."  Sabi ni Stephen. 


Napatingin anman ako kay Ingrid ng magising siya at ang una niyang ginawa ay niyakap niya ako."Akala ko kung ano nang nangyari sayo, nasaktan ka ba?" sabi niya sabay hawak sa balikat ko 

Nakita ko aman ang pangamba sa aknyang mata "Ayos lang ako, ikaw? wala bang masakit sayo?" umiling naman siya sa tanong ko saka niyakap muli ako. 

"Ingrid," napalingon naman ako ng tawagin ni HAdwin si Ingrid at ng maparinig ni Ingrid ang boses ni Hadwin  ay bumitaw siya ng yakap saakin at siya namang niyakap si HAdwin at tiannong din kung ayos lang siay. 

Pinainom siya ng tubig upang huminahon. Ang iniintay nalang namin magising ay si Hallie. Siya ang mas napinsala dahil siya ang mas natabunan ng mga  goblin upanbg hindi siya makahinga at madami din siguro siya nalanghap na galing sa bote. 


"Magpahinga muna kayo." Ika ko sa tatlong lalaki kaya tumango sila. Habang tulog kami a kami ang binabantayan nila kaya naman kami ni Ingrid ngayon ang magbabantay. Hindi naman porket babae kami ay hindi namin kaya.

Ilang minuto ay nagising si Hallie ngunit tulala ito. Si Ingrid ang nag-asikaso sa kanya habang ako ay tulalang nakatitig sa mga damo. Alam kong ginagabayan kami ni Inang diwata dahil kung hindi, alam kong hindi agad kami makakaligtas ng ganoon. Kahit mahirap ay nakaligtas pa naman kami. Laking pasasalamat ko rin kay Clint na tinulungan kami kahit wala siya dito ay tinulungan niya kami sa mga potion. Malaki din ang pasasalamat ko na tinulungan ako ng mga kasama ko ngayon kung hindi at hindi ko kakayanin ang malayong lakbay na ito. 


Hindi ko alam kung ano at bakit may nagpupumilit saaking hanapin si Knight o iligtas siya. Isa na siguro dahil kaibigan namin siya at wala siyang kinalaman sa pagttraydor saamin ng pekeng prinsesa. Isa din siya sa biktima. 

Nagising na ang tatlo at nagsimula kaming maglakbay. Wala naman kaming naramdamang kakaiba ngunit naging alerto kami. Magkakahawak kami upang alam namin kung may  mawala bigla.

Bigla namang tumigil si Stephen kaya napatigil din kami. Inilabas niya ang potion at may pinahalong dalawa. 

"Malakas ang nasa loob mukhang siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan" sabi niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya dahil nasa loob kami ngunit nasagot ang katanungan ko ng bigla niyang sipain iyon at doon ako nagulat ng makitang peke lang pala ang daluyan at maraming kadena ang nakita namin.  Ikinalat naman iyon ni Stephen sa sahig at sumunod kami sa kanya. 

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon