Chapter 47

227 9 0
                                    


Chapter 47 


"Anong ginagawa natin  dito?" takang tanong nila. 

Hinarap ko naman sila saka napapikit. Ramdam ko na "Gumagalaw na siya" sabi ko saka dumiretso ng lakad sa may pintuan ngunit napatigil din at napatingin kay Clint na nasa likuran ko. 

"Magdala ka ng mga bote mo" sabi ko saka pumiklit muli. Mukhang naintindihan naman niya agad at binuksan niya ang isang kabinet niya na naglalaman ng mga bote. Iba't-ibang uri 'yon ng bote

Tumango naman agad siya saakin ng mailagay na niya sa bag niya ang mga bote. Inalis naman niya agad ang barrier at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan saka sumilip. Ganun din ang ginawa ng mga kasamahan ko ng masigurado naming walang tao sa daan ay walang ingay kaming bumaba at lumabas. 

Isa-isa naman kaming nakiramdam sa paligid at saka lumakad sa iisang direksyon. "Kasama ba siya?"

Nagtatakang tanong ni Azriel ng makita niya ang isa sa mga kasama namin sa bahay ngunit hindi siya ang kasama namin subalit siya ang susundan namin. 

"Hindi." sabi ni Clint na nakahalukipkip


"Huh? Anong ibig mon--Siya ba?" gulat na taning ni Azriel kay sabay -sabay kaming tumango "Bakit siya?"


"Siya ang malapit sa isa" sabi ni Diamond na kanina pa nanahimik at nakatingin lang sa sinusundan namin. 

Tumigil naman kami sa paglalakd ahbang sinisilip siya luminga-linga at may napansin ako sa kanyang mata, doon ko nasabing tama ang hinala ko. Sa una palang siya na din ang biktima. 

Dumiretso siyang lakad sa gubat na pinagbabawal puntahan kaya nagdadalawang isip kami kung susunod kami. 

"Mapapagalitan tayo" sabat ni Azriel

"Hindi naman nila malalaman kung walang magsasabi" bulong ni Diamond 

"tara na nga. basta iligtas nalang natin" sabay kamot s aulo ni Azriel na wala nang magawa kung hindi ang sumunod.

Dahan-dahan kaming lumakad doon ngunit hindi na namin nakita pa ang sinusundan namin. "nasaan na?" bulong ni Azriel

"Hindi ko maramdaman. Kung gagamitin ko ang kapangyarihan ko, malalaman ng nakatataas sa'atin at baka bumalik ang kapangyarighan ko at masaktan tayo" sabi ni Clint 


"akin din, hindi ko kaya" sabi ni Azriel 


Bawal gumamit ng kapangyarihan dito sa lugar na 'to dahil pinagbabawal. Kapag gumamit ka, mabuti o masama ang paggamit mo ay masasaktan ka. Halimbawa nalang kung gusto mong marinig ang tunog ng ilang kilometro babalik 'yon sayo at mapaparinig mo ang iba't-ibang tunog hanggang sa dumugo ang tenga mo at mahimatay ka. Ayon 'yon sa nabasa ko sa libro.


"papaano na? "


Napatingin naman ako sa mga puno at mga daan. Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng may makita akong baraha sa isang puno at nakatusok ito. Hindi mo agad makikita sa liit ngunit dahil binyayaan ako ng talas ng mata ay nakita ko kaagd. Pumunta naman agad ako doon sa may punong 'yon saka kinuha. 

Matalino kang talaga. 


"alam ko na" sabi ko sa kanila saka sinundan ang mga punong  may makita akong baraha. 

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon