Chapter 48

188 8 3
                                    


"Ayos lang ba sila?" hinihingal na sabi ko kay Azriel ngunit pinigilan niya akong pumasok. 


"Ayos lang silang tatlo" napabuntong-hininga naman ako saka napaupo sa sahig at napahawak sa dibdib ko 


"Azriel.." tumingin naman siya saka ako inalalayan " hindi ko na kaya" 


Kunot-noo naman niya akong tiningnan saka sinuri "Ayos ka lang ba?"


"Huwag mong sasabihin sa iba ngunit patagal ng patagal sumasakit dito" sabay turo ko sa dibdib ko. Niyakap naman niya ako kaya napapikit ako para huwag gumawa ng ingay dahil sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Napamulat naman ako ng may maramdamang nakatingin saamin. 

"Anong ginagawa niyo dito sa labas?" tanong ni Eir 


Inalis naman ni Azriel ang pagkakayakap saakin at inalalayan ako. 


"Wala, natapilok lang si Akira" pagdadahilan ni Azriel at tumingin saakin. 


"Oh? Talaga?" inosenteng tanong ni Eir at nagtataka pang nakatingin saaamin. Napababa naman ako ng tingin at nakita kong magkahawak sila ng kamay. 


Ramdam ko naman ang pagsakit ng dibdib ko kaya napahawak ako sa laylayan ng damit ni Azriel


"May pupuntahan pa kami. Date" kinikilig na pahayg ni Eir saka inilagy ang ulo sa balikat ni Knight, napaiwas naman ako ng tingin at napadiin ang hawak kay Azriel


"Ah talaga?" pilit na tawa ni Azriel " Pakasaya, alis na kami" 


Inalalayan niya ako at napapikit nalang ako habang naglalakad. Pauli-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nakikita ko."Az.."


Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit. Hindi ko na makita ang dinadaanan ko at naramdaman kong umangat ako at mabilis na hangin ang tumama saakin. Inihiga ako ni Azriel saaking kama kaya napamulat ako. Siguro'y ginamit niya ang kapangyarihan niya. 

"Az..riel," hinihingal kong sabi "Puntahan mo sila...magiging maayos na ako"


Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko saaking noo at pinahid naman iyon ni Azriel at nakatitig saakin " Hindi, Hindi kita iiwan dito" sabi niya saka ako kinumutan. 

  "Zephyr" bigkas niya at nakita ko nalang ang kaniyang Mysthical guardian na nakatayo sa gilid niya. " Alamin mo kung anong nangyayari sa kanya" 


"Patawad. Kahit malaman ko ay pinagbabawalan akong sabihin ito ng walang permiso" nakakaawa naman niya akong tiningnan na para bang naghihingi din ng tawad. Nginitian ko naman siya.

"Azriel, ayos lang. Pagpahingahin mo na siya" sabi ko habang hinahabol ang aking hininga saka pumikit " Kung ano man 'to mawalan din'to"


Ilang oras akong nakatulog at nagising nalamang ako ng makita kong  pabalik-balik na naglalalkad si Azriel sa gilid ko at may binubulong na kung ano na hindi ko naman maintindihan " Azriel,"

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon