Chapter 5

1.3K 47 0
                                    

Thank you guys for supporting story even though it's not what you expect.

Sorry na agad. Lol

VOTE, COMMENT 

Chapter 5

       AA' POV

Pataas na sana ako nang bigla akong nakarinig ng putukan sa labas, mga pagsabog? Para bang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang pumasok ang isa sa mga butler ko na dumu-dugo ang kanang braso at may hawak siya Baril. Hindi parin natitigil ang mga pagsabog sa labas,may mga sumisigaw at umiiyak.

Papalapit na si Butler nang biglang sumakit ang ulo! Bigla nalang ito kumirot sa di ko malamang dahilan. May mga imaheng nagpapakita saakin kaso sobrang labo.

"AHHHHHHHHH.M-M-MOMMYY" napapahiyaw ako sa sakit, di ko alam ang gagawin ko ansakit para bang may gustong pumasok sa utak ko na ayaw naman nitong tanggapin.

May nakikita akong imahe.

Maraming umiiyak na bata,magulang.

May mga dugo

Mga Pagsabog

Dumadanak ng Dugo

May mga wala nang buhay ng tao

Nagtatakbuhan, 

May mga armas 

May mga namamatay 

May naglalabas ng pulang bola?

Itim na bola?

At kung ano-ano pa ,

Parang ang gandang panuorin ng mga kulay ngunit nakakasakit naman . Di ito totoo! 

Napamulat ako sa sakit! Hindi ko na maipaliwanag kung gaano kasakit, Nanlalabo na ang mga mata ko. Di na kaya ng katawan ko.Mahuhulog na sana ako nang may sumalo saakin.Di ko makita ang kaniyang mukha dahil sa sobrang labo. Hindi ko na kaya! 

"Magpahinga ka muna " Pagkasabing-pagkasabi niya nuon saka napapikit ng tuluyan ang aking mata para bang may kapangyarihan ang kanyang boses na pakalmahin ang aking sarili.

****

Ilang araw na ang nakalipas mula nang  sumakit ang ulo ko at may mga pagsabog.Hindi nila ako pinalalabas ng kwarto ko lahat ipinandlock.Ang mga kaibigan ko hindi na sila bumibisita.

Nang magising ako dito mag-isa na ako.Lalabas sana ko nun kaso sarado saka ko lang nalaman na ipinandlock nila nang mahagip ng mata ko ang nasa salamin ng vanity table ko na ipinandlock daw muna nila dahil may aayusin sila.I don't know why. Yung kusina ko sa Kwarto ko Punong-puno ng pagkain pwede nang pang 3 years?. Kahit gusto kong lumabas at may daan naman ako na ako lang ang nakakaalam ang secret passage ko ,Nalaman ko lang to nuong mga time na wala akong ginagawa at sobra-sobra na ang pagkabored ko.

Iniisip ko pa din kung sino yung taong tumulong saakin hindi naman yun si butler kasi nakita ko siya sa gilid ng mata ko. Haist!!! Wala na talaga akong magawa sa loob ng kwarto ko. Isipin mo nang swerte ako dahil nakatira ako sa bonggang mansion na to na itrato akong Prinsesa pero God knows na mahirap mamuhay nang ikaw at ikaw lang ang nakakakilala sa totoong sarili mo at pagkatao, But in my Situation hindi ko talaga alam kung anong tunay na ako.

Pumunta na ako sa kusina ng kwarto para kumain kasi gutom na ako. Yung mga paborito kong pagkain nandito na I mean chocolate. Marunong ako magluto dahil nagpaprivate cooking lesson si Dad para saakin kahit wala na naman nun matututo ako dahil sa pagbabasa. Nakatulong din sa pagbabasa ko ang cooking lesson mas marami akong nalaman.

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon