Chapter 50

213 14 1
                                    


Chapter 50: Party

"Azriel's POV"

Dahan-dahana kong nagmulat at nasa may tapat ng pintuan kami at pinipilit buksan nina Diamond ang pintuan ngunit hindi mabuksan 

"huwag.." ika ko napatingin naman sila saakin. Gamit ang kapangyarihan ni Clint ay napaangat ako at mabilis na binuksan ni Diamond ang kwarto ni Clint. Pinahiga naman ako sa kama at ramdam ko naman na dahan-dahan din an bumalik ang lakas ko ngunit nararamdaman ko parin ang sakit. 

May kinuhang bote si Clint sa kabinet niya at ibinigay niya saakin iyon. Kinuha ko naman iyon at hindi na nagtanong pa at ininom iyon.  Wala naman gustong umimik saaming tatlo at pare-pareho kaming nakatulala. 

Napabuntong-hininga naman ako  ng biglang may kumatok kaya't napatingin kaming tatlo doon. 

Pinuntahan naman iyon ni Clint at maliit na binuksan iyon. Wala naman magtataka dahil dati pa naman ay ganoon na siya kung minsan ay hindi nga niya binubuksan "May padala sa iyon kunin mo nalamang daw sa opisina " rinig ko ang boses ni Keziah. Tumango lamang si Clint saka sinaraduhan iyon. 


"Maiwan ko muna kayo" sabi niya saka kinuha ang isang libro niya at lumabas ng kwarto. Tumayo naman si Diamond saka pumasok sa banyo at may kinuha doon. Hinawakan niya ang kamay ko at ginamot iyon. 

"Azriel. Huwag kang magalit, pigilan mo" mahinhin na sabi niya kay naapangat ang tingin ko sa kanya 

"Papa--"

"Pinsan mo ako. Nakakalimutan mo na ba?" ika ko 

"Nakakaalala ka na?" gulat naman siyang tumingin saakin saka umiwas 

"Hindi naman ganoon. Ikaw lang ang naalala ko ng ayos" sabi niya kaya tumango ako saka niya tinapalan ang kamay ko  "Mag-ingat ka Azriel. Uuna na ako sa labas, may hahanapin pa ako sa silid aklatan "  sabi niya saka ngumiti saakin. 


Sinaraduhan naman niya ng ayos ang pintuan kaya napaisip ako. Ayos lamang naman saakin kung hindi niya maalala ang lahat at kung papipiliin ako ay gugustuhin kong huwag na siyang makaalala dahil ang mg amappait na nakaraan ay ayoko ng maalala niya.

Makailang oras ng pagpapahinga ko ay hindi parin sila bumabalik kay abumango ako at lumabas ng kwarto ngunit napatigil ako ng makita ko si Eir sa labas ng kwarto ko at tila ba'y bubuksan ang pintuan ko. 

"Anong kailangan mo?" taka kong tanong . 

Ibinaba naman niya ang kamay niya saka itinago sa likod at ngumiti saakin " Nandyan ka pala" ika niya "kakamustahin sana kita"

"Ayos lang ako" sabi ko saka binuksan ang pintuan ko naramdaman ko naman na sumilip siya sa loob kaya muli kong sinarhan " May kailangan ka sa loob?"

"huh? wala..puntahan ko na si Knight" ika niya saka tumakbo papunta sa baba. 

Weird. Binuksan ko na muli iyon saka pumasok. Kanina ay hindi mabuksan ang pintuan ko dahil sa pwersa ng kapangyarihan sa loob. Pumasok ako sa loob at nagulat nalamang ako ng maramdaman ko nalang na wala na ang barrier na ginawa ko kanina para kay Akira. Pinakaramdaman ko naman kung may pumasok sa loob ngunit wala akong naramdaman. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa pinagtaguan ko ng itlog at nanlaki ang mata ko sa tuwa ng makita kong may basag ito ng kaunti. 

Kahit ganoon ay panatag ako na sa ilang araw na paghihintay ko ay may proseso na naganap ngayon.

"Diamond's POV"

Hinihingal na napahawak ako sa isang puno dahil sa pagsakit ng ulo ko. May kung ano-anong imahe ang hindi ko maintindihan na nagpapakita saakin. Wala akong maiintindihan. 

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon