Chapter 55

436 8 11
                                    

Chapter 55:

"Diamond POV"

Pinagmamasdan ko ang paligid at mukhang lahat ng nandito ay inaasam asam na ang selebrasyong mangyayari mamaya. 

"Nandito ka na naman?" takang tanong ni Clint. Hindi ko na siya tiningnan at ramdam ko naman na umupo sa gilid.

"Mas nakikita ko ang paligid dito." sabi ko. Nasa may pinakatuktok kami ng Akademya. Noong isang araw ko lamang natuklasan ito. Nakikita ko ang kaganapan sa baba lalo na sa pamilihan at pasyalan. Mga taong abala sa pagbebenta at pagbili. Nagmamadali na din sila siguro dahil kailangan nilang mag-ayos para mamaya. Kailangan kasing kumpleto ang lahat at kung mahuli ka ay hindi mo matutuklasan ang mangyayari mamaya lalo na't may paniniwala ang mga ito na may basbas na magaganap hindi lamang sa ikakasal kundi sa mga dumalo. 

Isa rin itong selebrasyon ng pasasama-sama ng mga nasa ibang sulok ng kaharian. Dahil sa kalayuan at delikado rin minsan ay abala ang ibang mag-imbak at maensayo para sa pagahhanda kung sakaling may maganap na hindi inaasahan. Kaya naman maraming napapaganda at gwapo kapag may ganitong selebrasyon. Minsan lamang nilang makita ang taga ibang kaharian.

Sinasabi nilang swerte ang pagdalo at pagkakita sa isang prisepe o magiging hari na ikasal lalo na sa prinsesa o magiging reyna at dahil dalawa silang prinsesa at prinsepe na ikakasa at may malakas na kapangyarihan malakas din ang magiging kapit ng swerte sa mga tao dito. 

"Bakit nandito ka pa?" tanong niya "Hindi mo ba balak pumunta mamaya?"

"May balak," sabi ko "Ngunit hindi naman dapat ako ang mag-ayos " sabay ngiti ko sa kanya saka tumayo

Sabay kaming bumaba at pagpasok namin sa aming bahay ay abala silang lahat. Dapat ay pupunta kami sa palasyo ngunit sabay-sabay nalamang daw kami at pinauna na namin ang ikakasal sa kanilang palasyo. Mas magandang hindi muna namin sila makita kahit saglit, ganun din silang dalawa.

"Bakit hindi pa kayo nagbibihis?" takang tanong ni Corwin na nakatingin sa salamin

Sasagutin ko sana ng biglang may humigit saakin at nakita ko nalanag ang sarili ko na inaayusan nina Harmonie. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakagalaw pa. Hinayaan ko nalang sila sa kanilang ginawa at mukhang nasisiyahan naman sila.

Bumaba na ako ng makapagbihis at ako nalang pala ang iniintay nila. "tara na," sabi nila at nauna. 

Samutsaring papuri na ang narinig ko kanina habang inaayusan nila ako mabuti naman at wala ng puri ang sinabi saakin. "Your good," rinig kong sabi ni Clint 

"your good" panggaya ko sabay irap sa kanya. Sa daming alam ni Clint baka mamaya ay dumugo ang ilong ko sa iba't-ibang lenggawahe na alam niya. Saka lamang naman ako natuto ng ingles kung napapunta sa mundo ng tao. Iyon ang pagkakaalam ko dahil gumagamit ng kapangyarihan upang mas maintindihan ang ibang lenggawahe.

Sumakay na kami sa karwahe at lumipad naman ang pegasus. Kita ko ang mga disenyong kanilang inihanda at mga kawal na  nagbabantay sa bawat sulok. Napakaimportante nga naman ng araw na ito na hindi dapat masira ng kahit na sinoman. Gamit pakiramdam ko ay naramdaman kong may nakamasid saamin at alam kong sa pakiramdam na iyon ay walang nakakahalata sa kaniya kahit sino o kalaban pa man. 

Gumagamit sila ng mahiwagang kapangyarihan at ginagamit lang nila ito kung may importanteng okasyon. Kakampi ito kaya nagagalak ako na malaman na handang-handa ito at may seguridad na naibibigay. 

Ngunit alam ko sa sarili ko na kung malakas ang mahika na gamit ng kalaban ay mararamdaman nila ito.

Nakarating na agad kami sa palasyo at may nakaabang saamin na siyang maghahatid saamin sa isang kwarto. Kahit hindi kami ang ikakasal ay importante kami sa araw na ito. Isa rin kasi kami sa magbibigay bendisyon sa bagong kasal, upang bigyan sila ng malakas at masayang kapangyarihan at pamumuhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon