Chapter 54

201 8 4
                                    

CHAPTER 54

"Hadwin's POV"

Ilang buwan ng hindi magising si Knight at naging maayos ang mga nangyari dito dahil sa tulong ni Clint at Diamond. Ipinaliwanag nila saamin ang nangyari. Nasundan nila kami dito sa paaralan dahil sa potion na nagamit namin, mayroon din plaa iyong masamang epekto at mabuti naman ay  may solusyon sila doon.  Simula ng masolusyonan iyon ay malimit namin makita ang dalawa at palagi na ding busy sina Hallie at Stephen dahil sa mga estyudante at kami naman ay nag eensayo kung minsan ay nag-aaral kami upang maipagpatuloy ang mga nalalaman namin. 

Nakakapanibago ang mga pangyayari ngunit alam ko naman babalik sa sigla ang paaralan. Nalalapit na rin ang aming kasal ni Ingrid dahil hindi naman kami mismo ang magdedesisyon ng lugar, oras at panahon sapagkat may ninuno kami at libro na kung saan sila ang magdedesisyon kung kailan at nasabi saakin ng mahal na reyna na sa sunod na linggo ang aming kasal. 

Alam namang pareho ni Ingrid na ganito ang mangyayari dahil sa kawalan ng aming tiwala ay nasayang ang panahon na nagkasama kaming nagmamahalan at hindi natuloy ang kasal noon. Laking pasalamat nalamang namin na pinagbigyan nila kaming muli na maituloy ang kasala kahit na binigo namin sila. 

"Hadwin," napatingin naman ako kay Corwin na tumawag saakin. Seryoso niya akong tiningnan habang umiinom ng tubig. Minsan langf ito magseryoso paniguradong marami siyang iniisip kaya danito siya. 

"Oh?" 

"Sa tingin mo kailan babalik si Azriel? Buhay pa kaya si Akira? Magigising pa kaya si Knight?" kunot-noo niyang sabi. Hindi naman siguro halata na close niya ang pangalang nabanggit niya 

"Hindi ko din alam. Magtiwala nalang tayo pero ang hindi ko lamang sigurado ay si Akira. " sabay baling ko sa kanya ng makaupo ako sa sahig " Kita naman nating lahat sa mga mata natin ang paglalaho niya dala-dala ng mga abo. " 

Malungkot naman siyang napabuntong-hininga saka may hinawakan na kwintas na hindi ko naman alam kung ano iyon. "Alam mo bang may ibinigay saakin si Akira, kahit hindi ko naman kakailanganin ay ibinigay niya. Hindi ako humihiling ng kahit ano kina Ina ngunit simula ng magig malapit ako kay Akira gusto ko hilingin kay Ina na maging kapatid ko si Akira kahit hindi sa dugo" 

Napangiti naman ako ng malungkot sa sinabi niya saka tinapik siya " Huwag kang mag-aala paniguradong makakausap mo si Akira kahit hindi man siya buhay may paaran naman. Hintayin mo ang bilog na buwan nalalapit na 'yon" natahimik naman siya sa sinabi ko at napahiga. 

Ilang minutong katahimikan at magyaya na sana akong umalis sa gym ng biglang dumating si Ingrid na humihingal. Nilapitan ko naman siya at binigyan ng tubig ngunit hindi niya tinanggap " Si Knight... gising niya " hapo-hapo niyang sabi. 

Nagulat naman kami ni Corwin at nagkatinginan. Hinawakan ako ni Corwin at si Ingrid saka niya ginamit ang kanyang kapangyarihang weather manipulator at naramdaman ko nalamang ang malakas na hangin na tumatama sa mukha ko at nakarating agad kami sa clinic.  Hindi na niya ulit iyon magagamit at kailangan ni Corwin ng mahabang pahinga dahil basta niya ginamit ang kapangyarihan niya. 

"Knight," sabay-saby naming sabi. Nakatulala lamang siya at hindi umiimik. 

"Ayos ka lang ba?" mahinang sabi ni Hallie na siyang tumitingin ngayon kay Knight kung may masakit sa kanya ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito kaya umiling si Hallie saamin " Siguro'y kailangan niya muna ng maraming pahinga." 

Tumango naman kami " Mabuti at nagising na din siya." ika ni Ingrid. Hinawakan ko naman sa balikat si Ingrid laya napatingin siya saakin. 

"Magpahinga muna tayo saka na tayo bumalik. Kailangan din ng pahinga ni Knight" ika ko at nagsitanguan naman silang lahat at lumabas. Tiningnan ko naman si Stephen at Hallie " kayo muna ang bahala sa kanya. Tawagin niyo lang kami kung may kailangan kayo" 

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon