Chapter 51

220 11 1
                                    

Chapter 51: The Black force

"Ingrid's POV"

Ramdam ko ang seryosong pakiramdam ng mga kasama ko at hindi ko rin alam kung bakit parang kinakabahan ako na dapat ay hindi ko  pinayagan si Diamond na hindi sumama at hindi ko pinilit man lang si Azriel at Clint.  Dati naman ay panatag ako ngunit hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko simula pa ito noong isang araw. 

Hindi ko maiwasan na obserbahan ang mga tao sa paligid at nagkakatuwaan. Miski ang pagpapakilala muli kay Eir ay hindi ko na naintindihan.

"Ayos ka lang?"bulong saakin ni Hadwin na mukhang napansin ang pagka aligaga ko.

Tumingin naman ako sa kanya "ayokong sabihin na hindi,"mahinang sabi ko "alam kong ramdam mo din iyon"

Hinigpitan naman niya ang hawak sa bewang ko na parang niyayakap ako saka hinalikan ang noo ko "huwag kang mag-alala, magiging ayos lang ang lahat"

Kahit papaano ay kumalma ako kahig saglit.

"Ingrid," napatingin naman ako kay harmonie ng tawagin niya ako

"Bakit?"

Tinitigan niya lamang ako saka umiling. 

"Salubungin natin ng  masigabong palakpakan.." ang sabi ng isang pinagkakatiwalaan at hindi ko na narinig pa ang kanyang mga sinabi dahil sa lakas ng palakpak at hiyaw ng mga tao. HIndi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ko sa araw na ito. 

Dumapo namna saamin ang tingin ni Eir kasama si Knight na tuwid ang tingin. Nginitian lang namin siya at siya naman ay kumaway. HIndi ko alam kung sa pakiramdam namin iyon o sa suot ni Eir na lila na sobrang tingkad ng kulay. Hindi naman masamang magsuot ng ganoong kulay ngunit isa itong pagsalubong. 

Nagsi-upo na kaming lahat at para bang wala kaming maintindihan sa mga nangyayari. Kalma lamang naman ang mga lalaki ngunit ramdam ko ang pag-obserba nila sa paligid. Napabuntong-hininga ako ng sumikip ang pakiramdam ko. 

Napatakip ako sa tenga ko ng may marinig akong malakas na tinig na pumapasok sa tenga ka. Ramdam ko naman ang hawak saakin ni Hadwin at nakikita ko din na may sinsabi siya ngunit hinid ko maintindihan hanggang sa si Harmonie ay kabahan na rin.  Sabay-sabay silang napatayo ng tumayo ako at naramdaman ko na may likidong dumaloy sa tenga ko. 

"Anong nangyari?" rinig kong sabi ni Corwin.

"Mag-ingat at maghanda tayo.." ika ko habang nakatingin sa labas "May parating na kalaban at ang mismong kalaban natin ay nasa loob ng pagdiriwang na ito at siya ang bumasag ng harang"

Gulat naman silang napatingin saakin lalo na ng maramdaman na ng kapangyarihan nila ang presensiya na tinutukoy ko. Rinig ko ang mga hiyaw. 


"Maghanda ang  lahat!!" Hiyaw ni Hadwin at tumingin naman ang lahat kay Hadwin at mukhang naramdaman narin ang sinasabi nito. Inilayo ng iba ang reyna at prinsesa habang kami ay lumakad pauna. 

"Mag-ingat ka" napatigil ako ng hawakan ni Hadwin ang kamay ko.

"Mag-ingat ka din " ika ko hangang sa makita namin ang pasugod na itim na awra. 

Tinawag ko si Musetyca ngunit hindi siya lumabas marahil nagpapahinga at hindi siya lumalabas kung alam niyang kaya ko. 

Ipinikit ko ang mata ko saka gumawa ng kanta na nabasa ko sa libro. "Ahhhh" binuhos ko ang lahat ng hininga ko habang lumalaban ang mga kasamahan ko. Ito lamang sa ngayon ang maggawa dahil napinsala agad ang bahagi ng kapangyarihan ko. "u putere di a musica dà à queste persone a forza di luttà contr'à u nemicu è di sparisceli definitivamente."

Sa huling bigkas ko ay napaupo ako. Hindi ko alma kung bakit bigla akong nanghina kaya naman pinalibutan ko ang paningin ko at nakita ko sa kalayuan ang isang itim na anino at nakatayo ito sa taas ng puno. Pinaningkitan ko ang mata ko at nakita ko na may kulang pulang string nguit hindi aga diyon nakikita. Hinawakan ko ang tenga ko at wala na doon ang dugo kundi ang lubid na. 

Kinuha ko ang lakas ko upang higitin iyon kahit masakit "AHHHHHHHHHHHHHHHHH--AHHHH!" napahiyaw ako sa sakit ngunit kahit papaano ay bumalik ang lakas na nakuha saakin. Itinuon ko ang siko ko sa sahig at tumayo saka pinagkatitigan ang aninong iyon. 

"Mori,Mori,Mori,Mori,Mori,Mori,Mori!!!" pagkanta ko habang lumalakad. Napangiti naman ako ng makita kong duguan na pumatak sa puno. Tumingin ako kay Hadwin at nakitang pokus ito sa mga kalaban niya na hindi na niya napansin na may pasugod sa ulunan niya. Iningat ko naman ang kamay ko at lumabas ang harp ko at kinulbit ang string nito at saktong alis ni Hadwin sa pwesto niya ang pagkawala ng kalaban at isang patak ng dugo ang nasa sahig sanhi ng pagkamatay nito. 

Napakurap ako sa nangyari. Naggawa ko. Naggawa kong ilabas ang harp ko at napatamaan ko ang kalabaan. Matutuwa na sana kung hindi ko lamang naktang nahihirapan ang mga kasama ko. Ksabay ng pagkanta ko ay a ng pagtama ng string ng harp sa mga kalaban. Nginitian ko lang naman ang mga tumitingin saakin na nabigla sa pagdating at pagtulong ko sa kanila. 

Hinihingal na napaupo si Harmonie sa har apan ko" Ang   prinsesa...
" ika niya at kita ko ang dugo niya " hindi... si Eir isang pe..ke--" sabi niya bago siya mawalan ng malay 

"Harmonie!" ika ko at pilit siya ginigising ngunit hindi siya magising. Bigla namang dumating si Hallie

"Ako na bahala sa kanya, mag-ingat ka" ika niya at may ibinigay saakin at nawala siya kasama si Harmonie. Napatitig ako sa kawalan at nararamdaman kong kahit papano ay umunti ang kalaban ngunit hindi ito mismo ang kalaban namin. Napatayo ako saka nagpasa sa isipan ng mga kasamahan ko itinalsik nila ang kalaban at sumabay sa pagakbo ko papuntang kaharian. 

Nililito nila kami. Pasalamat ko nalang  kay Harmonie na isinakrapisyo niya ang pagtravel sa harapan ko upang ipabatid iyon at hindi siya dumaretso sa kaharian. 

Napatigil kami sa paglalakad ng napupuno ng itim na awra ang kaharian at nanduon sina Clint na nilalabanan ang  mga pekeng nakapabantay. Kita ko na nangangamba ang tatlo si Diamond, Clint at Azriel. Nalilito man ay tinulungan namin sila ng walang pasalita. 

Pinatamaan ko ang lumalapiut sa kanila at nakikita kong kahit duguan na ang iba ay patuloy silang lumalaban. hindi namin sila matatalo kung hindi namin makakalaban ang pinagmulan ng lakas nila. Nagmimistulan silang puppet dahil sa nagpapagana sa kanila. Nang matapos naming kalaban ito ay nauna ang tatlo na nagmamadali. Sa halip na dumiretso sila sa lobb ay mukhang may hinahanap sila. Napasabunot nalamng si Azriel sa kanyang buhok at napamura si Clint. Si Diamond naman ay nakatitig lang sa kaharian na may mga kalaban parin.

"Oras na" ika ni  Diamond saka sumugod sa mga kalaban na hindi namin inaasahan saka ngumiti saamin ng matalo niya " Kung anong makita niyo hanggang dun lang iyon" sabi niya. Saka lumakad sa loob at nagtaka naman kami ng tumigil ito kaya tumakbo kami papasok. 

Napanganga ako sa nakita ko at sabay-sabay kaming napatigil sa aming kinatatayuan saaming nakita. Akala ko ba ay nawawala siya...Anong..Anong ginagawa niya dito. Delikado.

Akira, mag-ingat ka! Sigaw ko sa isip ko ng may papalapit na sa kanyang bilog na itim.

Wala sa oras na napapikit ako sa sakit sa mata ng ilaw na iyon.

Katapusan na ba?



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

don't know how to end this chaps. 5555 this kind'a short update!



Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon