I'm Just A Transferee: Kabanata XXVI

1.4K 73 8
                                    

Dedicated to: Mush_L , Mansanasssss , Joyyaalicous , Clysian , Kitty_Panda5 , Mystique_nia , GirlAtMaze , QueenLuxelleblue , Lea_Mangarin



Kabanata XXVI

YESHA BRIE'S POV

 "ENGAGEMENT party? nino?" pasigaw ding tanong ko, ngunit nagtinginan lang ito at nag ngitian sa isat isa, samantalang ako'y nakatunganga lamang na nakatingin sakanila.

Hindi sila sumagot, nanatili lamang silang nakatingin saakin ng biglang hinawakan ni Herrand ang aking kamay at marahang hinila ako patayo.

"Let's go?" saad nito sabay hila. Hindi na ako pumalag pa at nagpadala na lamang sa pagkaladkad nito.

Pagkapasok namin sa loob ng mansyon ay naagaw agad namin ang atensyon ng mga bisita. Nasa likod lang namin ni Herrand ang aming mga magulang.

Tumingin ako sa mga ito at bahagya kong nakita na seninyasan ni daddy ang emce na nasa mini stage na ginawa sa loob ng mansyon.

"Ladies and gentlemen! The party is not yet over! Tonight we will announce a very important thing!" Masiglang sabi ng emce. 

Nakita ko kung paano nangunot ang noo ng mga bisita at nagtatakang tumingin sa emce. Samantalang ako ay nanatiling nakatayo sa tabi ni Herrand habang hawak nito ang aking kamay.

Nagulat ako ng bigla itong lumingon saakin.

"What's going on?" nagtatakang tanong ko rito ngunit nangibit balikat lamang ito at muli akong tinitigan.

Napaiwas na lamang ako dahil sa pagkailang, ng tumingin ako sa mini stage ay nabigla ako ng makita doon ang mga magulang namin. Hindi ko manlang napansin na nakaalis na pala sila sa likuran namin.

"Good evening again everyone. Tonight you'll witness a very important thing between Tashiba and Jung-Park family!" Nakangiting saad ni mom na katabi ni dad, nasa kaliwa naman nito si momma at ang mga magulang ni Herrand na malawak rin ang mga ngiti sa labi.

"Tonight, I officially announce that Lester Herrand, the only son of John Mikael and Mary Vernice Jung-Park and Yesha Brie, our only daughter is now enggaged!" Pagtutuloy ng aking ina sa kanyang gustong sabihin.

Nanlalaking mata na napatingin ako kay Herrand na ngayon ay nanatili lamang nakangiti saakin. Rinig ko ang kanya kanyang bulungan ng mga tao sa paligid ngunit si Herrand lamang ang taong aking nakikita. Para bang kaming dalawa lamang ang nandito ngunit may mga boses akong naririnig.

Napatakip ako sa aking bibig ng unti-unti itong lumuhod at hinawakan ang aking kamay. 

Yumuko ito at parang may kinuha mula sa kanyang bulsa. Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng makita ang isang babasaging kahon, kahon na naglalaman ng kumikinang na mga dyamante.

"Yesha Brie Tashiba, my baby, my love, my one and only girl. Sorry for hurting you but now here am I kneeling infront of you, to officialy ask for your hand and be officially mine. I don't want to be your boyfriend anymore, I change my mind a while ago, cause I want to be your soon to be husband, and I want you to be my soon to be wife." Saad niya habang dahan dahang isinusuot ang singsing sa aking kamay.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now