I'm Just A Transferee: Kabanata VI

1.8K 113 11
                                    

Dedicated to: Imcrazyyouknow (to the Author I Stan!)

Kabanata VI

YESHA BRIE'S POV

ISANG linggo ang nagdaan at naging maganda naman ang pamamalagi ko sa paaralan. Ngunit hindi ngalang ako tinatantanan ni Herrand. Lagi siyang nakasunod saakin, kaya tuwing lunch ay lagi naming siyang kasama sa isang table sa cafeteria. Nagtataka na nga ang mga estudyante dahil imbes na ang campus princess at campus prince ang kasama niya ay mas pinili niyang sumama sa isang transferee.

Sunday ngayon at may modeling show nanaman ako. Maaga akong nag ayos dahil may usapan kaming sabay kaming pupunta sa venue ng modeling. Naghihintay na siya ngayon sa coffee shop.

I wear the dress Momma bought last week. Isa siyang black dress na three inch above the knee ang ikli. Mas lalong tumingkad ang maputi kong kulay dahil sa black dress. Nag apply lang ako ng light make up at konting red lipstick bago bumaba. I didn't wear my eyeglasses today kasi weekends naman eh. Nadatnan ko si Momma na nagkakape habang nasa harap nito ang laptop. This fast few days ay parang ilap saakin si Momma pero ipinagsawalang bahala ko nalamang.

"Good morning Momma, may modeling show po ako ngayon kaya kailangan ko na pong umalis." Sabi ko habang dinampian ng halik ang kanyang pisngi.

"Good morning, ingat sa pagdrive." Bilin niya. Nagpaalam na ako kay manang at sinabing wag na akong ihanda ng makakain dahil sa labas nalamang ako kakain.

Minaniobra ko na ang sasakyan ko at tinungo ang daan patungo sa coffee shop kung nasaan si Manager.

Pagdating ko sa coffee shop ay tanaw ko agad si Manager sa loob. Dali dali kong pin-nark ang sasakyan ko at agarang bumaba. Lumapit ako Kay Manager.

"Good morning Manager Celestine!" Nakangiting bati ko dito. Nakangiting bumaling ito sa akin. Meet my manager, she is Celestine Jade.

"Good morning my lovely Brie, so how's your school?" Tanong nito habang pinapa upo ako sa upuan sa harap niya.

"Okay naman po." Sagot ko rito. May lumapit na waiter sa amin at iniabot samin ang menu.

"Espresso and a slice of chocolate cake." Banggit ko na agad niya naman inlista. Pumili na rin si manager kaya umalis na ang waiter.

"Nabasa mo na ba yung kontratang pinadala ko saiyo kagabi?" Tanong ni Manager Celestine na nagpagulat sa akin. Agad kong sinapo ang noo ko at mariing pumikit.

"Sorry po I forgot." nahihiyang utas ko.

"It's okay para lang naman yun sa pagiging model mo sa mga Clothes item na ginagawa ng Jung-Park corporation." Pagsasabi nito kung anong laman ng sulat na ipinadala niya sakin kagabi.

Jung-Park corporation? Sounds familiar.

"Ayos kalang ba?" Tanong ng aking Manager ng mapansing nakatulala ako. "So tatanggapin mo ba yung offer?" Tanong pa niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang order namin. Inilagay niya ito sa table at ngumiti saamin bago umalis. Agad ko naman na tinignan si Manager.

"I'll accept the offer." Diretsong sabi ko.

"That's nice to hear." Nakangiting sabi nito.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain hanggang sa tuluyan na namin itong naubos.

"Change your clothes nah, I'll wait for you outside." Sabi ni manager ng nakapasok kami sa dressing room ko sa paggaganapan ng modeling show.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now