I'm Just A Transferee: Kabanata XXI

1.4K 83 0
                                    

Dedicated to: blythe_joyieee , Jaxceyy , SalvacionApatan_10 , 

Kabanata XXI

YESHA BRIE'S POV

 KASALUKUYAN kaming nasa kotse ni Herrand, tinatahak na namin ngayon ang daan patungong Amusement Park. Excited ako dahil ngayon na lamang ako muling makakapunta sa lugar na yun. Simula kasi ng sumali ako sa modeling ay wala na akong kalayang lumabas ng hindi sinusundan ng mga tao. Kaya ngayong naka eyeglasses ako ay may posibilidad na hindi nila ako makilala. Balak ko sanang isama si Sam ngunit tumanggi ito, sinabi niyang may importante daw siyang pupuntahan. Hindi ko na rin naman siya pinilit dahil baka makaistorbo lang ako sakanya.

These past few days, minsan nalang kaming mag usap at magkita ni Sam, alam ko namang busy siya kaya nauunawaan ko yun. Kapag nagkakasulubong naman kami ay hindi naman namin nakakalimutang kumustahin ang isat isa.

"Hey, are you okay?" nagaalalang sabi ni Herrand ng makitang ang lalim ng iniisip ko.

"I'm fine, excited lang ako. Iniisip ko na kasi kung aling rides ang una nating sasakyan." nakangiting sabi ko na naging dahilan para mapangiti rin ito.

"Malapit na tayo don't worry. At sasakyan natin ang lahat ng rides maliban lang sa ferris wheel." pahinang pahina na sabi niya na kahit ang huling salitang sinabi nito ay hindi ko na narinig.

"Pardon?" utas ko at tumingin sakanya.


"Wala. Gusto mo bang kumain muna para pag dating natin doon ay hindi ka magutom?" tanong nito at saglit akong tinapunan ng tingin bago ibalik ang kanyang tingin sa kalsada.

"Dun nalang tayo kumain sa mga stool sa park. I want to taste those street foods." suhestiyon ko na sinang ayunan naman nito.

Mahigit isang oras ang naging biyahe namin patungo sa park. Ginawa namin ang sinabi ko na kakain sa mga food stool. We ate together while smiling.

'Sana ganito nalang kami lagi, yung para bang walang problema. Na parang walang ibang nakikita kundi ang mundong ginawa naming dalawa.' saad ko sa aking sarili habang nakatingin kay Herrand.

"Say ah." nakangiting utos nito na pinaunlakan ko naman. Kasalukuyan kaming kumakain ng cotton candy. Kanina ay pinagawayan pa namin ito dahil ayaw niya sanang bumili pero mapilit ako kaya napilitan siyang sundin ang gusto ko.


"Baby, can I ask you about your real family?" nagaalangang sabi nito. Napatingin naman ako dito ng nakakunot noo.

"Pero kung ayaw mo, I understand." Mabilis na bawi nito sa sinabi kanina lang.

"It's okay. What do you want to know about me?" I said while eating cotton candy.

"May lead ka na ba kung sino ang magulang mo?" tanong nito habang nakatingin saakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Wala pa eh, wala pa kasing sinasabi saakin si Momma. Hindi rin naman kami nakakapagusap nitong nakaraa kasi busy ako sa school habang siya ay busy sa kompanya at sa paghahanap sa mga magulang ko." sabi ko at isinandal ang aking ulo sakanyang balikat. Niyakap naman ako nito sa bewang.

"What if, may alam pala ako tungkol saiyo, pero hindi ko sinasabi dahil may malalim akong dahilan. Mapapatawad mo ba ako?" tanong niya na naging dahilan para mapatingala ako dito.

"May alam ka?" gulat na tanong ko.

"What if?" ulit nito sa naunang sinabi.

"Pag naintindihan ko naman ang dahilan bakit ako magagalit? Handa akong magpatawad Herrand. Hindi ako mayabang at mapag mataas na tao. Ilang araw kong kikimkimin yung sakit pero kapag handa na ako, mapapatawad ko kung sino man ang nagkasala saakin. Momma and Manang teach me how to forget and forgive." huminto muna ako at tumingin sakanya bago nagpatuloy.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now