I'm Just A Transferee: Kabanata IX

1.7K 96 3
                                    

Dedicated to: Mary Gwyneth Macacado  Gweeeeen_11

Altheah San Juan  Aestheahtic

Vianney Dumabok  Beanixxus07

Sheresh Mae Lourie Artes (Bussytoot) Bussytoot


Kabanata IX 


YESHA BRIE'S POV

NANG matapos ang klase ko sa buong maghapon ay inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay sa bag. Kita ko pa rin si Sam na abalang nag ta type sa kanyang telepono.

"Sam, saan daw yung dinner? hindi ko kasi natanong kanina eh." Agaw ko sa atensyon nito.

"Hinihintay na tayo ni Ti... Mr. and Mrs Tashiba sa parking lot." Sagot nito habang nakatingin parin sa ginagawa.

"Edi bilisan mo na dyan, nakakahiya sa kanila." Sabi ko dito at minamadali na ang pag aayos ng gamit ko.

"Tara na Sam!" Yaya ko dito at mabilis na naglakad, ramdam ko naman na nakasunod na ito saakin.

"Nagmamadali? Excited ka?" Sita nito.

"Nakakahiya kaya, tayo pa talaga yung nagpapahintay. Kaya ikaw, bilisan mo na."

Nang makarating kami sa parking lot ay kita na agad namin ang napakaraming bodyguards na napaliligiran ang isang napakagarang kotse.

"Sam, dyan tayo sasakay tayo dyan? Pano yung kotse na dala natin?" Tanong ko kay Sam.

"Pinakuha na nila sa driver mo yung sasakyan na dala mo kanina." Sagot nito.

Huh? panong hindi ko alam yun? Kailan pa kinuha? Yan sana ang nais kong itanong ngunit mas pinili ko nalamang na manahimik.

"Tara na!" yaya sakin ni Sam at nauna ng sumakay sa kotse ng mag asawa. Kung makakilos ito ay parang close sya sa mag asawa eh. Wala akong ibang nagawa kundi sumunod nalang dito. Katabi ko ngayon si Mrs. Tashiba sa kanan nito ay ang asawa at ang katabi ng asawa nito ay si Sam. So bale nasa magkabilang gilid kami ni Sam, napapagitnaan namin ang mag asawa.

Naging matiwasay ang biyahe namin tungo sa isang mamahaling restaurant. Kita sa loob ang mga taong isang tingin mo palang ay masasabi mong may kaya sa buhay.

Pagka hintong pagkahinto ng kotse ay agad akong bumaba. Habang ang mga body guards naman na kanina pa pala naka sunod sa amin na nakasakay sa iba pang sasakyan ay nagsi babaan at inalalayan na bumaba ang mag asawa. Ang iba naman ay puma-ikot sa buong lugar para masiguradong walang mangyayaring masama sa mag asawa.

They are high profiled kaya kailangan silang ingatan gayong sila ang top 1 sa pinakamayaman sa buong mundo. Actually wala naman talaga akong alam tungkol sa kanila maliban nalang sa mga ikinuwento ni Sam sa akin nung nakaraan.

Nang nakapasok kami sa glass door ng restaurant ay may sumalubong agad sa amin na sa tingin ko ay tauhan ng nasabing istraktura.

"Good evening Mr. and Mrs. Tashiba, this way po." Bati nito sabay lahad ng daan patungo sa mesang nakalaan para sa mag asawa at salamin.

Agad naman kaming sumunod dito. Nanatili lamang akong tahimik sa tabi ni Sam, nasa harap lang namin ang mag asawa.

Nang makalapit sa mesa ay agad na tinanguan ni Mr. Tashiba ang body guards na nakasunod sa amin kanina pa. Bahagya naman nitong ini-yuko ang ulo upang magbigay galang sa kanilang amo bago umalis sa may mesa. Tinignan ko kung saan ito pupunta, nanatili lamang itong nakatayo ilang pulgada ang layo mula saamin. Nakatingin lang ito sa paligid at sa parte ng mag asawa para masiguro ang kaligtasan nito. Nabalik lamang ang tingin ko sa mesa kung nasaan kami ng biglang magsalita si Mrs. Yashiba.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now