I'm Just A Transferee: Kabanata IV

1.9K 110 8
                                    

Dedicated to:  Baekhyunee_1485

Kabanata IV


YESHA BRIE'S POV

NATIGIL ang ingay ng pumasok ang dalawang lalaki kasama ang isang babae-- wait is that Jersel? Dito pala siya nag aaral pero bakit ganun yung galawan niya? May pag ka bitch na hindi mo maintindihan.

"Psst." Agaw ko sa atensyon ni Sam na agad namang tumingin sa akin.

"Bakit?" She mouthed the word.

"Sino sila?" Napakahinang tanong ko. Kumuha ito ng papel at nagsulat. Pinunit niya ito at ibinigay sa akin. Agad ko namang binasa ang nakasulat dito.

"Let's talk about that later ayaw nila sa maingay lalo na yang lalaking may golden brown na buhok." Yan lang naman ang nakasulat sa papel kaya pagkatapos ko itong basahin ay itinago ko ito sa bag. Hindi nagtagal ay may pumasok na isang ginang sa room.

"I'm sorry students my urgent meeting lang ang mga professors kaya pwede muna kayong maglibot sa buong university,lalo na yung mga transferee. Tomorrow nalang natin ipapakilala ang mga newbie's." Yun lang ang sinabi niya at lumabas.

Ngiting ngiti naman ang mga nasa room at isa isang nagsilabasan habang ako naman ay pinatong ang ulo ko sa arm rest. Hindi pa man ako dinadalaw ng antok ay may kumalabit na sakin.

"Hoy! di ka lalabas? Di ka maglilibot?" Tanong ni Sam. Nilibot ko ang tingin sa room at tanging kami nalang ni Sam at yung dalawang lalaking pumasok kanina at si Jersel. Naka patong din ang ulo nila sa armrest na pawang natutulog.

"Ah magpapahinga muna ako, kung gusto mong lumabas okay lang naman sakin na iwan mo muna ako dito."

"Ah okay pero dito nalang rin ako sasamahan kita pag lunch nalang tayo lumabas." Sabi niya at ginaya ang posisyon ko kanina. Yumuko ulit ako at ipinatong ang ulo ko sa armrest at pinikit ang mga mata.

Pagod ako dahil sa shoot nitong mga nagdaang araw. Hindi nagtagal ay naka idlip na ako.

------------

Nagising ako dahil may isang taong yumugyog sa balikat ko. Agad kong inayos ang salamin ko bago ko ibaling ang paningin ko rito.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Ano ba Brie, lunch break na." Natatawang ani ni Sam at hinila ako patayo bako kinaladkad palabas. Pumunta kami sa kanang direksyon at kahit malayo pa man ay kita ko na ang napakalaking cafeteria dahil glass wall ito.

Pagpasok namin ay maghahanap na sana ako ng upuan ng hinila ako ni Sam papuntang counter.

"Maghahanap ako ng bakanteng table." Hirit ko dito pero umiling lang ito at nagsalita.

"You're a Miranda the rank 8 richest all over the world kaya anong aasahan mo? May reserved table dito ang mga pamilyang kabilang sa top 10." Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya.

Nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ay sumenyas itong mag order na, kaya lumapit ako sa isang ginang at sinabi ang gusto ko.

"Spaghetti, tea and a bottle of water po." Magalang na sabi ko. Agad niya namang sinabi ang order ko sa kasama niya. Hindi nagtagal ay ibinigay na ito sa akin ng nakalagay sa tray.

"Here's the payment" Bigay ko ng credit card ko dahil sabi ni Sam hindi daw uso ang cash dito. Buti na lang lagi kong dala mga credit cards ko. Nang ibalik na sa akin ang credit card ay lumapit na ako kay Sam.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now