I'm Just A Transferee: Kabanata VIII

1.7K 107 9
                                    

Dedicated to: All Eyah  Mizsiopao

Ericka Mae Enobio  grandreves06

   Mari Cris (Agirldreamer_03)  Agirldreamer_03

Haizzicel Moon HaizzicelTeh


Kabanata VIII


YESHA BRIE'S POV

INIT galing sa araw na dumadampi sa aking balat ang nagpagising sakin. Agad kong tinignan ang wall clock at agad napabalikwas ng higa dahil mag 8:00 na. Maaga ang pasok ko ngayon dahil may announcement daw sa school.

Dali dali akong kumilos at dumiretso sa banyo. Sampung minuto lang ang itinagal ko sa paliligo dahil kailangan ko na talagang magmadali. Pagkatapos ay patakbo akong pumunta pababa sa hagdan habang sinusuot ang salamin ko.

"Oh Ija, bat ka nagmamadali diba alas diyes pa ang pasok mo?" Tanong ni manang ng madaanan ko ito sa sala.

"May announcement po sa school ngayon eh kailangan ko na pong magmadali." Diretsong sabi ko habang hinahanap ang susi ng kotse sa bag ko.

"Hindi ka na ba kakain?"

"Hindi na po manang sa cafeteria nalang po sa university." Sagot ko ng mahanap ko na ang susi ng kotse.

"Cge po manang alis na po ako bye! Pasabi nalang po kay Momma." Paalam ko at dali daling pumunta sa garahe at agad na sumakay sa kotse. Minaniobra ko na ito at mabilis na pinaandar. Agad namang binuksan ng guard ang gate para tuluyan na akong maklabas.

Mahigit labing limang minuto akong nag drive bago makarating sa university. Nakarating ako doon limang minuto bago mag 8:30. Kita ko ang mga estudyanteng papunta sa auditorium kaya doon na din ako nag tungo. Kita ko kung gaano karami ang mga estudyante.

"Settle down students! The owner of the university is about to come." Sabi ng isang guro na rinig ng buong estudyante nasa loob man ng auditorium o sa labas.

"Pupunta pala ang mag asawang Tashiba noh?"

"Nahanap na kaya nila yung nag-iisa nilang anak?"

"Sana naman nahanap na nila, gusto ko na rin kasing makilala kung sino ba talaga ang magiging queen nitong university."

"Hay naku Bes, hintayin nalang natin kung ano ba talaga ang announcement. Huwag kayong mag conclude agad."

Rinig kong usapan ng apat na estudyanteng nasa bandang gilid ko lang.

Nawala sa kanila ang atensyon ko ng mag vibrate ang cellphone na nasa bulsa lang ng jeans ko.

From Sam:

'Yesha nasa loob ka na ba ng audi.? Punta ka dito sa unahan may nakareserve na akong seat for you'

Basa ko sa text ni Sam.

To Sam:

Yup nasa audi na ako, nasang parte ka ng audi?

From Sam:

Sa pinaka unahan sa may bandang right side, malapit sa upuan ng Tashiba Fam.

To Sam:

Ba't malapit sa kanila? Cge punta na ako.

From Sam:

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum