I'm Just A Transferee: Kabanata VII

1.8K 100 1
                                    

Dedicated to: Jamelah Pizana  A_girlfromthe_PAST


Kabanata VII


YESHA BRIE'S POV

AFTER what happened earlier between me and Herrand ay hindi na ako maka focus sa lessons. Kahit nga si Sam ay nagtataka na. Hindi ko kasi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Kahit anong pilit kong mag isip ng iba nakikita ko parin ang mukha niya.

"Are you really okay Yesha? I know there's something bothering you" pabulong na utas ni Sam sa tabi ko. Tumingin ako dito at umiling saka binalik muli ang tingin sa prof. sa unahan. Nakatutok ang mata ko sa guro ngunit ang isip ko ay lumilipad, walang kahit na anong sinabi ng guro ang natatandaan ko.

Natapos ang klase na ang tanging nasa isip ko lang ay si Herrand. Kung bakit ako nito hinalikan at kung bakit niya ako liligawan.

"Yesha Brie Miranda!" Sigaw ni Sam na naging dahilan para makabalik ako sa realidad.

"Ano ba kasing nangyari sayo? Pagbalik mo sa room matapos kang hinila ni King Lester ay ganyan na ang inasta mo." Pagsasabi nito ng napansin ang pagkatulala ko kanina lang.

"Wala, wala. So let's go? Dun ka muna sa bahay namin, diba gusto mo akong makita without wearing glasses?" Pag iiba ko ng usapan. Marahan niyang ibinuka ang kanyang bibig ngunit isinara niya muli ito. Alam kong marami pa siyang ibang gustong itanong pero pinigilan niya na ang sarili niya.

"Talaga? Sasama mo ko sa bahay niyo? Wahh! wait lang ah paalam lang ako kay mommy hehe." Excited na sabi nito na kinangiti ko.

Nakita ko kung paanong masayang kinausap nito ang kanyang magulang. Masaya rin kaya ako kung kilala ko kung sino ang mga magulang ko? Masaya ako sa piling ni Momma pero how much more kung pati ang totoong mommy at daddy ko ay nasa piling ko rin?

"Tara na Yesha? Pinayagan na ako ni Mom." Masiglang wika nito at hinila na ako papuntang papuntang parking lot. Nang nasa hallway na kami ay nahagip ng mata ko ang nakatayong isang lalaki na marahang nakatitig sa akin. Kita ko kung paano niya matyagan ang bawat galaw ko pati narin ang mga taong malapit sakin.

Why Herrand? Bakit mo ko laging binabantayan?

Nang inalis ko ang tingin kay Herrand ay may nahagip nanaman ang mata ko na nakatingin sa akin ngunit agad ko nalang itong binalewala. Baka hindi naman ako ang tinitignan kundi si Sam.

"Yesha, saan tayo sasakay? Sa kotse mo o sakin?" Tanong ni Sam kaya inalis ko na ang tingin kay Herrand.

"Sa kotse ko nalang, may driver ka diba? Paunahin mo ng umuwi sa inyo ako nalang maghahatid sayo mamaya." Alok ko na kinangiti niya.

"Talaga? Thank you! Sige sasabihan ko na si manong na mauna na sa bahay."

Nang papa sakay na kami sa kotse ay ramdam ko pa ring may nakatingin sakin, agad kong iniling ang aking ulo at dali daling sumakay sa driver seat.

"Anong nangyari sa inyo kanina ni King Lester? Ha?" Parang kinikilig na sabi nito ng pinaandar ko na ang kotse.

"Wala." Balewalang sabi ko.

"Weh? Eh nung bumalik ka sa room kanina ay tulala ka, tapos si King Lester naman hindi pumasok." Pagpipilit na sabi nito.

"Wala nga." Tanggi ko pa.

"Ayy siguro nag kiss kayo noh?" Hirit pa nito na naging dahilan para ma-apakan ko ang preno.

"Hoy! Balak mo bang magpakamatay? Buti nalang naka seat belt ako." Nakanguso ngunit kabadong dagdag pa nito.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now