KABANATA DYES

65 41 37
                                    

ARAW NG PASKO

Lumipas ang maraming araw ay aamining kong marami talaga akong napansin,nadama,at hindi maipaliwanag na pangyayari..nagsimula iyun ng pangalawang araw kong namalagi sa bahay na ito napapansin kong parang andaming nakamasid sakin kahit na wala naman akong nakikitang nakamasid katulad ng pagnaliligo ako sa banyo ng kwarto namin ni ashley para bang pagtuwing magbubuhos ang ng tubig sa ulunan ko ay may makikita akong mga mata galing sa salamin na kitang kita talaga sa likuran ko..

O talagang imahinasyon ko lang yun kase na papansin ko ren ng mga nakaraan ay masyado na kong nerbyosa sa mga kababalaghang nangyayari sa bahay na ito..

Gusto ko mang sabihin ito kay ashley o sa pamilya nila pero pinapangunahan ako ng panghihina dahil ayoko namang magtanung sa kanila na may namatay na ba dito sa bahay nyo dahil alam kong nakakawala ng respeto yun at aminado ako dun..

Meron pa ngang sa puntong para bang may yumayakap sakin pag hating gabi at talagang kinikilabutan ako sa pakiramdam na yun dahil hindi mainit na katawan ang aking nararamdam dahil malamig ito na parang bangkay o isipin nalang nating imahinasyon ko lang yun dahil isa iyung imposibleng mangyari ngunit nadadama ko talaga..

Kung sa pamilya naman nila ang paguusapan ay meron ding mga pagbabago katulad ni tatay lapid na mas naging strikto at seryoso,nanay teya na hindi mawawala ang pagiging masayahin ngunit kapag meron akong nasabing hindi nila nagustuhan ay para bang nagiiba ang istilyo ng mukha nya at nagiging seryoso,kuya thomas lagi syang lumalapit sakin na may pagnanasang mga mata at para hinihingkayat nya akong maakit sa mga ginagawa nyang kilos,ate athina lagi ko namang napapansin sa kanya ay lagi nyang tugon sakin ang maalapores kong kutis hindi iyun mawala-wala sa pangin nya at paulit ulit sinasamba ang aking kutis,jr seryoso at misteryoso parin ang mga kilos at gawi nya,at si ashley ang kaibigan kong naiisang nagpapakatotoo sakin sa loob ng mansyon..hindi nya pinaramdam sakin na isa lang akong bisita katulad ng turing sakin ng mga kapamilya nya dahil lagi syang nandyan sakin at gumagabay..napakaswerte ko talaga sa kanya..

(Disyembre,25,1985-7:35 PM)

Araw ng pasko kaya't umaga palang ay naghanda na kami ni ashley sa pagdaraos at pagsalubong ng kaarawan ni panginoong jesus..

Ngunit gumagambala sakin ay ang hindi paglabas ng mga kapamilya ni ashley depende kay jr,tanging nasa kwarto lang silang lahat at nagkukulong..ayoko mang isipin ngunit hindi ko talaga mapigilang pumasok sa isip ko na hindi talaga nila pinagdaraos ang petsa ng kapanganakan ng anak ng diyos..

'Pero bakit naman?'

Kaya't sa huli ay kami-kami nalang tatlo nila ashley at jr ang naghanda para salubungin ang pasko..pagtutulungan sa pagluluto,pagaayos sa paligid,at pagaayos ng mga dekorasyon ang tangi naming ginawa para sa paghahanda ng pasko...

Totoong sumaya ako dahil naging matagumpay naman ang pagtutulungan namin dahil nagbunga ito ng magandang resulta..

At ngayun ay masasabi kong buo na ang araw ko kahit na hindi kami kumpleto ay nagiging buo paren dahil magagawa ko ng magdaos ng masaya na tanging hiniling ko simula ng tanghaling hepe at pakiramdam ko wala na akong mahihiling pa..

"Salamat sa inyung dalawa ha,dahil kahit na hindi kasama ang ibang miyembro ng pamilya nyo ay andito parin kayo at sinasamahan akong magdiwang"taos puso kong pagpapasalamat kila ashley at jr na nakaupo ngayun sa harap ko..ngumiti naman ng pagkatamis-tamis si ashley pero si jr ay pinanatiling blangko ang mukha..

'Yung totoo gusto nya bang nakatulong sya o napilitan lang talaga sya'

Lumabi ako sa naisip ko at mariing pinilig ang aking ulo at tumingin ako kay ashley na ngayun ay may kislap ng kasiyahan sa mga mata..

Devil's HouseWhere stories live. Discover now