KABANATA SYETE

69 43 42
                                    

MATAYOG NA KAGUBATAN

(Disyembre,16,1985-8:03 AM)

Nagising ako dahil sa mainit na tumatama sa binti ko kaya't minulat ko ang aking mata upang alamin kung ano iyun...

Napangiti ako ng sinag lang pala ng araw iyun dahilan para maalala ko ang mga araw nang nasa bahay pa kami ni papa.ang araw na iyan ay laging nagpapagising sakin sa umaga dahil sa mahimbing kong pagtulog kaya nagpapasalamat talaga ako sa araw na yan dahil ayan ang sumisimbolo saking may panibagong araw na naman ang buhay ko..

Nag inat ako ng nakangiti habang dinudukot sa ilalim ng unan ko ang telepono ko...

Pagkabukas ko non ay agad na bumungad sakin ang mga tawag ni kael na hindi ko nasagot dahil nakapatay iyun..

Mariin kong tinipa ang telepono upang tawagan si kael dahil alam kong hindi naman sya tatawag ng paulit-ulit sakin ng hindi nagaalala..

Dialing kael signal no.4......

Mabilis pa sa alaskwatro sinagot nya ang tawag ko..

"Hay salamat..kamusta ka jan?baket hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?kumain ka na ba?anu magsalita ka"pagaalala nya kaya bumuntong hininga muna ako bago magsalita..

'Hindi man lang ako binati ng magandang umaga hmp..'

"Magandang umaga"masiglang sabi ko at nawalan naman ng imik ang kabilang linya tinignan ko ang telepono kung nasa kabilang linya paba si kael at nasa kabilang linya panga kaya nilagay ko ulet sa tenga ko ang telepono...

'Anung nangyari dun?'

"Ang daming sinabi ko tapos babatiin mo lang ako,ako ba ay pinagloloko mo"galit na sabi nya kaya natawa naman ako ng mahina...

"Eh kase naman ang ganda ng salubong mo eh hindi ba pwedeng batiin mo muna ako bago mo ko tanungin ng sandamamak buti nga tinatawagan pakita eh sayang din ito ng load"nakanguso sabi ko at nakonsensya naman sya...

"Sige papaloadan ko yang number mo"sabi nya na may kumpyansa literal na nanlaki ang mata ko at panandaliang hindi nakapagsalita pero ng mabawi ay agad akong nagsalita..

"T-talaga?"hindi makapaniwalang sabi ko..

"Mm-mm"

"Yehey"napatalon ako sa ibabaw ng kama habang sumisigaw"salamat...magkano iyung ipapaload mo sakin?"

"Sakin nalang yun,at ikaw alagaan mo ang sarili mo dyan ha wala ako jan kaya hindi ka namin ni ninong madadalhan ng pagkain kung nagugutom ka man at kapag nagutom ka ay magluto ka nalang jan ng sarili mong pagkain atleast marunong ka namang magluto hindi ba?"paalala nya kaya tumango naman ako na tila nakikita ko sya..

"Opo"parng batang sangayon ko..

"Kaya sundin mo ang mga habilin ko hwag mung papabayaan ang sarili mo ha lagi kang magiingat"paalala nya na para bang sya ang ama ko..

'Pwede na syang maging ama hihi'

"Opo alam ko na po yang lahat,aalagaan ko ang sarili ko,matutong makisama at makihalubilo sa mga kasama ko,laging mapanuri,wag magpapagutom,at laging maging ligtas,tsk,alam ko nayan kael mas malubha ka pa kay papa eh"atungol ko at tumawa lang sya sa kabilang linya..

Devil's HouseWhere stories live. Discover now