KABANATA KATORSE

52 19 45
                                    

PAGTATANGGOL


"Hindi ba't ilang beses ko ng sinabi sayong tigilan mo na ang pagmamahal sa lalaking iyan"galit na sigaw ni tatay lapid at nahihimigan ko na kung sino ang pinapagalitan nya..

'Si ashley?'

Halos madapa na ako kakatakbo para mapuntahan lang kung saan nanggagaling ang ingay na narinig ko sa banyo kani-kanina lang..at ngayung naririnig ko na ng malapitan ay mas lalo akong kinakabahan sa susunod pang mangyayari..

Huminto lang ako ng tuluyan sa kakatakbo ng nasa gawing harapan na ako ng silid hapagkainan  at nakinig sa kanilang pinaguusapan..

"Pero tay,mahal ko si jr..mahal na mahal,bakit ba hindi nyo nalang tanggapin ang pagmamahal ko sa kanya..noon palang ay nakikita nyo ng lahat para mapamahal din sya saakin pero eto kayung si hadlang ng hadlang sa pagmamahal ko sa kanya..hindi po pa ba pwedeng suportahan nyo nalang po ako sa pagmamahal kay jr dahil kahit ano pong sabihin nyo ay hindi ako magsasawang mahalin si jr"pagmamakaawang depensa ni ashley sa pagmamahal nya kay jr..kaya lumanlan ang mukha ko at merong puntong iniintindi sya dahil ngayun lang sya nagmahal at may hahadlangan pa..napakasaklap..

'Pero ang tanung baket naman humahadlang si tatay lapid sa pagamamahal ni ashley kay jr..?

May narinig akong ingay ng sampal kaya napatakip ako ng bibig at tuluyan ko ng narinig ang mahinang paghikbi ni ashley habang dinadaing ang sakit ng kanyang pisngi..

"Bastos kang bata ka,ipagpapalit mo ang iyung sariling pamilya laban sa taong hindi ka naman kayang  mahal!!..ipapaintindi ko sayo ashley HINDI TAYO KATULAD NILA kaya wag kang mangarap na mahalin ka rin palabalik ng jr na yan..binubulag mo ang sarili mo sa pagmamahal sa gunggong na yan..nuon palang din ay pinagsasabihan na kitang tumigil na dahil kahit hanggang sa huli ay hindi ka paren mamahalin nyon pero ikaw itong si matigas ang ulo at ayaw akong intindihin..at anung hinihiling mo sa akin,ang suporta?HA..kahit lumuhod ka pa o gumawa ka ng mga imposilbeng bagay ay hinding hindi kita susoportahan sa kahibangan mong yan!!"matigas na sabi ni tatay lapid hindi ko maiwasang umatras dahil kahit hindi ko sya nakikita ay nadadama ko na ang tindi ng kanyang galit..pero ang mas lalong tumatak saakin ay ang sinabi nya HINDI TAYO KATULAD NILA..

'Anong ibig sabihin nyun?'

"Kahit ano pa po ang sabihin ninyo ay hindi ko bibitawan ang pagmamahal ko kay jr,hanggang sa magkamatayan man hinding hindi ko sya bibitawan..ganyan naman kayo eh kinakaylangan nyo lang kami ni ate athina dahil dyan sa ritwal na sinasabi ninyong kultura ng ating mga ninuno  pero para sa aming dalawa ni ate ay mali iyun,tay mali po iyun..pakiramdam ko ginagamit nyo lang kami eh para may maiuwi lang kaming bago nyo na namang iaalay sa inyung dyos..tapos ngayun pati ang damdamin ko ay pinapakielaman nyo,duon ako hindi makakapayag tay dahil si jr lang ang tanging naging sandalan at totoo sakin sa loob ng bahay na ito..NAPAKAMAKASARILI NYO TAY!!MAKASARILI KA TATA--"napatigil si ashley sa madamdamin nyang hinainging ng biglang bumulalas si tatay lapid sa kanya...

"Yan,yan ba ang natutunan mo sa pagmamahal mo dun sa gunggong na iyun..ang pagsagot-sagot sakin..HA,halika dito bata ka..maleleksyonan kita"galit na sabi ni tatay lapid nang marinig ko ang sinabi nyang leksyon ay agad akong tumalimas papasok sa silid kainan ngunit hindi man lang nila ako nakita dahil lahat sila ay nakatingin kila tatay lapid na may hawak na makapal na lubid papalapit kay ashley na punong-puno ng malalaking pasa ang mukha nyang pinupuri ko habang humihikbi na animoy takot na takot..

Devil's HouseKde žijí příběhy. Začni objevovat