KABANATA UNO

109 46 26
                                    

BABALA

Two month's ago....

(disyembre 12,1985....12:00 PM)

~kring~kring~

Tunog ng kampana ng paaralan namin.....na hudyat para sa oras ng kainan.....marahan kong tinunghayan si ashley na abala sa pag aayos ng gamet nya.....

'Sa totoo lang....labis ko itong hinahangaan si ashley....sapagkat kahet simple lamang syang manamit ay nababagay paren sa kanya....kahet walang kolorete sa mukha ay lumalabas paren ang tunay nyang ganda..'

Nilapitan ko sya ng makita kong pa tapus na sya sa gagawin nya....

"Tara na frenny?"aya ko sa kanya

"Sandali lang....kaylangan maayos ang gamit ko dahil lagot ako kay tatay pag nagkataong nakita nya na ganito ko binuburara ang gamit na binili nya saken"

"Pero nagugutom na ko....hindi ba pwedeng mamaya na yan ako muna frenny kaylangan ko ng kumain ihh"

"Ayts!!....tara na nga...kahit kaylan ka talaga ihh...napakatakaw mo.."

"Hindi kapa nasanay sakin frenny...haynaku parang hindi tuloy kita tunay na kaybigan....kase hangang ngayun hindi ka pa nasasanay saken"sabi ko at nagtaka ako sa kanya dahil bigla syang huminto sa gitna ng paglalakad namen....tinignan nya ko ng blangkong mukha..

'Hala....anu bang nasabi ko...nadulas ba ko'

"Hwag mung kwestunin ang pagiging tunay na kaybigan ko sayo...kase hindi ko man sabihin na tunay mo kong kaybigan atleast napaparamdam ko sayu hindi ba?"ani nya

"I-ito naman nagbibiro lang ako.....masyado kang seryoso ihh"nakangusong sabi ko...hinawakan nya ko sa braso bilang tugon upang maglakad na ulit kami....

"Sanay ang pamilya namin sa pagiging seryoso....kaya ito ako laging seryoso....seryoso sa pag aaral....seryoso sa dapat gawin....seryoso sa buhay.....hindi nawawala sa isa mang myembro ng pamilya namen ang pagiging seryoso....kaya magiingat ka kapag nagkataong biruin mo sila"ani nya ng may sumilay na nakakatakot na ngisi...napaatras ako sa pustura nya dahil para humalakhak sya....

'B-baket ganun?....pati halakhak nya nakakatakot...para bang pinapasok nya ang sistema ko at duon nya ko tinatakot ng tinatakot'

"Biro lamang iyun....ikaw naman ngayun yung masyadong seryoso...tara na nga"ani nya

"H-hwag kang magbiro ng ganun...nakakatakot kaya"

"May dapat bang katakutan sa pamilya namen?"

"H-hindi ko alam...hindi ko pa naman sila nakikilala eh"

"Pwes matakot ka kapag nakilala mo sila"seryosong sabi nya dahilan para lumaki ang mata ko...

"A-anu ka ba!!...a-anu bang ibig mung sabihin"

"Baket anu bang pumasok na kahulugan dyan sa isip mo?"

"Nakakatakot ka naman ihh"

"Tsk...baket ka ba natatakot....alam mo tinatakot mu lang ang iyung sarili....ang nais ko lamang ipahatid sa sinabi ko ay.....nakakatakot sila sa pagiging strikto at sa pang huhusga nila...wala ng ibang ibig sabihin pa iyon naiintindihan mo?"paliwanag nya ngunit hindi paren ako kumbinsido....pero wala akong nagawa kundi tumango...nakarating kame sa kantina at dumeretso sa pilahan upang makabili ng pagkain....nang kame na ang natapatan ng kahera ay agad akong pumili ng makakain...

Devil's HouseWhere stories live. Discover now