KABANATA NUEVE

67 40 80
                                    

MGA KATANUNGAN

(Disyembre 17,1985-7:02 AM)

Nagmulat ako ng mata at naaninag ko ang pulos pulang kisami na bumungad sa umaga ko..

Tumingin ako sa bintana at simula dun ay nakikita ko na ang pagbungad ng haring araw..

Dahan-dahan akong bumangod habang nakatingin dun..

'Panibagong araw na naman'

Sagi ng aking isipan at naghikab habang iniinat ang katawan..

Mariin akong tumayo habang kinukusot ang mata at nagtungo sa banyo..

Tumingin ako sa salamin at literal na nanlaki ang mata ko ng may buhok na namang buhol sa ding ding ng banyo..

Hinarap ko yun at mariing kinuha ang buhol na buhok na yun..

'Kanino ba kase talaga ito?'

Mariin kong nilagyan ng siwang ang pintuan ng cr at tinunghayan dun si ashley na nagsusuklay ng buhok..

Tinignan ko ulet ang hawak kong buhok at tinignan ulet ang buhok ni ashley kung magkapareho ba..

'Pero mas mahaba ang isang toh kaysa sa buhok ni ashley'

Kumunot ang noo ko at tinignan ang sariling buhok...

'Hindi rin naman pwede sakin dahil maikli din ang buhok ko..kanino ba kase itong buhok?'

Habang abala sa kakaisip ay hindi ko namalayang tinatawag na pala ako ni ashley kaya natauhan ako..

"Uyy kanina pa kita tinatawag..ano yang hawak mo?"takang tanung nya habang nakaturo sa hawak kong buhol na mahabang buhok

Kaya naman nilagay ko sa likod ang bagay nayun at pinilit na ngumiti sa kanya..

"A-ah wala sige pagpapatuloy ko na ang paghihilamos ko"ani ko at sinara ang pinto.napasandal ako sa pinto habang nakatitig sa buhol na buhok..

'Nakakapagtaka talaga..'

pinilig ko ang aking ulo at tinapon nalang sa basurahan ang buhok at pinagpatuloy ulet ang paghihilamos..

Nang matapos ay tinignan ko ulet ang sarili ko sa salamin habang pinupunasan ang mukha.napansin kong de cabinet ang salaming yun kaya naman tinupok na naman ng isipan ko ang mundo ng kiryusidad..

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang handle ng cabinet sa una ay mahigpit ang pagkakasara nyun ngunit nang pwersahin kong buksan ay bumungad sakin ang maduming laman iyun..

Amoy malansa din iyun at may mga langaw sa loob.binugaw ko ang mga langaw nang matapos ay nakita ko ay bakas ng dugo sa loob dahilan para maging malansa at nilalangaw iyun..

'B-baket may ganto dito?'

Nagtataka kong tanung sa isip at wala sa sariling nasara ko ang pinto ng cabinet ng padabog kaya naman lumikha iyun ng ingay..

Napahawak naman ako sa dalawang sulok ng lababo habang habol habol ang hininga at nakayuko..

'Anu bang nangyayare?baket may ganun?'

Devil's HouseWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu