KABANATA TRES

84 47 28
                                    

                   PAGPASYA                   

(Disyembre,12,1985-5:55 PM)

Pagod kong inilapag sa study table ko ang mga gamit ko sa eskwela at inilapag ko naman sa lamesa ng kusina ang mga pagkaing binili para sakin nila papa at kael....dumulog ako sa kusina para kumuha ng lalagyan ng pagkaing binili para sakin....nang nailagay ay iyun ay syang upo ko naman sa hapagkainan para kumain ng binili ni kael na meryenda....lumpiang toge,kwek-kwek,kikiam,fish ball,at inihaw....samu't saring pagkain na gustong gusto ko....

'Kilalang kilala na talaga ako ni kael'

Napangiti ako sa sarili kong naisip ng biglang tumunog ang aking telepono...kinuha ko iyon at binasa kung sino ang tumatawag....

Calling ang aking mapagmahal na ama...

Lalu akong napangiti at dali-dali itong sinagot...

"Hello pah?"magiliw kong bati...

"[Mmm anak.....natanggap mo ba ang pinadala ko sayong hapunan?]"

"Opo pah....sa katunayan nga po pinadalhan ako ni kael ng miryenda kaya kumakain na po ako ngayun"

"[Hmmm...mabuti naman....nagustuhan mo ba ang regalo sayo ng ninung mo?]"tanung nya kaya wala sa sariling nilingon ko ang sapatos...halos mapunit ang aking labi dahil sa sobrang pagkakangiti....

"Oo naman pah.....gustong gusto ko kaya"

"[Oh sya ibababa ko na ang tawag dahil meron pa kaming meating]"

"Sige po pah....salamat sa pagtawag...mag iingat po kayo jan ha"habilin ko....

"[Oo naman....may pinapalaki pa kong dalaginding eh]"biro ni papa...napahagikgik naman ako...

"Hihihi.....sige na po baka mahuli pa kayo....i love you pah"

"[I love you too anak]"

"Babye....mwahh"sabi ko bago ko pinatay ang telepono huminga ako ng malalim bago ulet kumain.....si papa ay hindi tipikal na ama....sya yung tipong striktong ama pero kapag nilambing mo sya ay lalambingin ka ren nya...pagkatapos ng ilang minutong oras sa pagkain ay mariin akong nagpahinga....nagdesisyun akong mag sulat sa aking talaarawan...na kung saan araw-araw ko ditong isusulat ang mga kaganapan sa bawat araw ng aking pamumuhay....

                                                      12/12/85

Mahal kong talaarawan...

Totoong napakasaya ko sa araw na ito dahil sa magagandang nangyari ngayun....

Una ang pag aaya sakin ni ashley sa kanilang probinsya.....nais ko na sanang pumayag ngunit inaalala ko ang sasabihin sakin ni papa...paano kung hindi sya pumayag dahil ang ani ni ashley ay bawal ang walang pahintulot ayoko namang maparusahan ang sino mang magbabantay sakin....kaya hanggang ngayun nagdadalawang isip paren ako kahit na gustong gusto ko....

Pangalawa ang mga bigay na pagkain sakin nila papa at kael....talagang napakasarap ng mga iyun kaya kahit dito ay naiisulat ko...

Pangatlo ang regalo sakin ni ninung ken na sapatos....nung nakaraang taon ko pa iyun pinapangarap....saksi ang malalapit sa akin kung gaano ko pinapangarap iyung sapatos na yun....kaya laking pasalamat ko sa mga bumuo ng araw ko.....

                               
                                    Nagmamahal....
                                           Mikaela jane :)

Devil's HouseWhere stories live. Discover now