KABATA DISE-NUEVE

22 4 2
                                    

PANG-AMOY AT PAN-RINIG

(Disyembre,28,1985-5:06 PM)

Mabigat sa aking loob na naiwala ko ang aking telepono na natatanging komonikasyon ko sa labas ng syudad na ito.

Hindi ko mawariy kung saan ko ba talaga iyun nailagay dahil napakaimposible talagang nawala iyun gayung alam na alam kong inilagay ko lang iyun sa kabinet.

Walang buhay akong umupo sa kama at nawawalan ng pagasang mahanap pa ang aking telepono ngunit kapag sumasagi sa isip ko sila papa ay parang nabubuhayan ako ng dugo at namamalayan ko nalang na patuloy parin akong naghahanap.

Ngunit kahit anung halugilop ko sa buong silid ay wala talaga,maski sa ilalim ng kama at sa banyo ay wala.

Malakas akong napabuntong hininga at tuluyan ng tumayo at tumungo sa silid tanggapan upang iwariy kay ashley kung nakita ba nito ang aking telepono.

'Malay natin hindi ba?'

Binasa ko ang nanunuyo kong labi habang sumisilip sa silid tanggapan ngunit maski isang tao ay wala akong nadatnan,lumingon naman ako sa kusina at ayun'nasaksihan ko duon ang tatlong kababaihang nagtutulungan magluto ng aming hapunan.

Nakagat ko ang aking pangibabang labi at hinayaan nalang silang gawin ang pinagkakaistorbohan nila,napagdesisyunan kong mamaya nalang akong magtanung kay ashley kapag tapos na ang ginagawa nito para hindi ko na sila maistorbo.

Kapagkuwan ay matamlay akong umupo sa pangisahang bangkuhan habang nakatunghay sa sahig at bahagya pang nakayuko ngunit patuloy paring iniisip kung nasaan ko ba talaga nilagay ang telepono ko.

Natigilan lang ako ng may naramdaman akong palad na dumampi sa aking kaliwang balikat kaya agaran akong nagangat ng tingin upang makilala kung sino iyun.

'Si jr..'

Mumunting ngiti lamang ang sumilay sa kanyang mapupulang labi ngunit hind ko iyun kayang suklian bagkus ay binigyan ko lamang sya ng simpleng tango at nagpaubaya na akong umupo siya sa aking tabi.

Katahimikan ang bumalot samin sa mga ilang minuto bago nya iyun basagin.

"Anong nangyari sayo kagabi?"kuryusidad na tanung nya ngunit napatungo lang muli ako habang nilalaro ang mga kuko sa hintuturo.

'Hindi ko pa kayang ibahagi ang mga katotohanang nalaman ko sa sitwasyon ko ngayun,kaya't pagpasensyahan mo na ako jr kung magsisinungaling ako sa parteng ito..'

Ani ng aking isipan bago wala sa sariling umiling at huli ko na napagtanto ang ginawa kong yun kaya lalo akong napatungo upang hindi magtugma ang mga mata namin.

"Sabihin mo sakin,ilan silang lahat?"biglaang tanung nya kaya napamuglat ako at tumitig sa kanya.

'Ano ba ang ibig nyang sabihing ilan?'

Nagtaka sya sa biglaang naging ekspresyon ng aking mukha kaya dahan-dahan ko iyung pinapawi at umastang walang nangyari.

"A-ano bang s-sinasabi m-mong i-ilan?"halos mautal kong sabi kaya naman pagkatapos kong sabihin iyun ay mariin kong pinikit ang aking dalawang mata at pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng pagbubuntong hininga.

'Ayokong isipin na sila ate ang tinutukoy nyang ilan..'

"Sila"

Literal na natigilan ako sa sumunod nyang sinabi ngunit hindi ko yun pinahalata bagkus ay pilit na prenoproseso ng isip ko ang nais nyang ipabatid.

'Hindi ko matukoy kung sino ang mga tinutukoy nya ngunit nahihita ko ng ang nais nyang ipabatid ngunit ako lamang ay nagbubulagbulagan'

Nagbaba ako ng tingin at pilit na hindi pinapansin ang presensya ni jr dahil alam ko sa sarili kong gusto ko munang sarilihin ang nalaman kong katotohanan.

Katahimikan na naman ang namumutawi sa mga ilang sigundong hindi kami ng kibuan ngunit sya ulit ang bumasag ng katahimikan na yun.

"Malapit-lapit na.."pahiwatig nya kaya wala sa sariling napatingin ako sa kanya at binigyan sya ng nagtatanung na tingin.

'Ano ang ibig nyang sabihing malapit-lapit na?hindi ko mawariy kung ano'

Tununghayan nya rin ako katulad ng pagtunghay ko sa kanya ngunit wala kang mahihita sya mukha nya na pagaalinlangang sabihin sakin ang kanyang pinapahiwatig.

"Ang seremonya.."deretsuhan nitong ani at masyadong seryosong ang pagkabanggit nya nuon kaya hindi ko maiwasang maguluhan pa na tila gusto kong sagutin ng deretsuhan walang pagputol na detalye.

Yung tipong gulong-gulo ka na sa mga kaganapang hindi ko naman ni nais,yung alam mo na sa sarili mong lahat ay mali ngunit nagbubulagbulagan lang ako sa katotohanan,yung pinipilit mo nalang ang sarili mong intindihin sila kahit na nahihita mo na puno sila ng mga sikreto'ayan ang mga nararamdaman ko ngayung mga oras na ito.

Binaliwala ko nalang ang mga sinabi nya at patuloy na nilalaro ang mga hihintuturo ko habang naglalakbay ang aking isip sa ibang baybayin,napahinto lamang ako ng magsalita muli si jr.

"Gusto mo bang mas lalo pang makilala ang mga tauhang nasa loob ng mansyong ito?"ani ni jr dahilan para mapatingin ako sa kanya ng biglaan at sunod-sunod na tumango,napangiti naman sya ng kaunti habang inaabot ang aking kamay at pilit iyung hinahaplos.

"Ang pamilyang nakatira dito ay matalas ang panrinig at pangamoy"deretsuhan na naman nyang ani dahilan para hindi ko na naman maintindihan.

"Anung ibig mong sabihin jr?"kuryusidad kong ani at bumuntong hininga naman sya bago pisilin ang aking kamay at tumingin sa malayong pasilyo na kung saan nakaduktong ang daan palabas sa likurang bahagi ng bahay,hindi ko mawariy kung ano ang nais nyang ipabatid ngunit alam kong may kinalaman iyun sa kanyang tinutukoy.

"Kita mo iyang pasilyong iyan"ani nya kaya napatingin rin ako sa mahabang pasilyo at tumango bago ulit tumunghay sa kanya.

"Sa gawing iyan ay maririnig na nila ang ating pinaguusapan"ani nya kaya literal na nanlaki ang aking mata at umuwang naman sa pagkagulat ang aking bibig.

"S-seryoso?"

"Oo naman,ganun katalas ang kanilang panrinig"

Napahinto lang kami sa aming paguusap ng makita namin si ate athina na para may sinisinghot habang nakapikit,napamulat lamang ito ng nasa tapat na namin siya.

"Sabi na nga ba at ikaw ang aking naaamoy"nagmadali syang lumapit sakin at dagliang hinawakan ang aking braso at hinaplos iyun

Alam ko sa sarili kong hanggang ngayun ay hindi parin ako na sasanay sa ganung gawain ni ate athina sa aking katawan,na para bang baliw na baliw sya saaking kutis.

Nagkatinginan kami ni jr at para bang parehas na parehas ang aming iniisip sa mga oras na ito,napahinto lang ito sa ginagawang paghaplos ng tawagin ni nanay teya ang kanyang palayaw na nasa gawing kusina.

Napasimangot naman si ate athina at labag sa loob na bitawanan binitawan ang aking braso habang padabog itong pumunta sa kusina.

Nabaling naman ang aking atensiyon kay jr ng magsalita ito.

"Ayun ang sinasabi kong matalas din ang kanilang pangamoy,pansin mo naman diba?kaya ang mapapayo ko lang sayo ay magiingat ka sa susunod pang mga araw na darating"ani nya bago ako iniwang magisa at nakatulala sa kawalan.

Maraming laman ang kanyang sinabi ngunit ayaw iyung iproseso ng aking isip hindi ko mawariy ang dahilan kung bakit kinabahan ako sa iniwan nyang kataga ngunit alam ko ring masama ang pahiwatig niyon.



DALAGANG MANUNULAT|D.M

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Devil's HouseWhere stories live. Discover now