KABANATA DOS

81 47 31
                                    

PAANYAYA

(Disyembre,12,1985-12:45 PM)

Naglalakad kami ni ashley sa mahabang pasilyo ng aming paaralan....upang pumasok sa klase namin ngayung hapon....malalim ang aking iniisip nang biglang nagsalita si ashley...

"Tila malalim ang iyung iniisip?"tanung nya bumuntong hininga ako bago sagutin ang tanung nya...

"Hindi naman....inaalala ko lang kung makakasama ko ba si papa sa pasko o bagung taon...simula nang tanghalin syang bilang hepe ng pulisya ay nawalan na sya masyado ng oras para sakin...ngunit hindi ko naman iyun ikakasama ng loob dahil kahet walang oras saking binibigay si papa napaparamdam naman nya saking mahal nya ko"sabi ko at may tipid na ngiti ang lumabas sa aking labi...

"Kung hindi mo makakasama ang iyung ama...paano ka?"tanung nya nang may pagaalala sa kanyang mga mata...napahinto ako sa gitna ng pasilyo ng tanungin nya yun...

"Anung paano ako?"

"Paano ka magdiriwang ng pasko at bagung taon kung hindi mo naman kasama ang iyung ama na nagiisa mo ring pamilya"

"Sanay naman ako sa ganun eh....atchaka lagi namang pumupunta si kael sa bahay pag tuwing pasko at bagung taon para samahan ako sa pagdiriwang..."

"Ngunit...hindi mo ba naisip na...may pamilya din syang kaylangan nyang samahan para sa mahalagang pagdiriwang?"

"Alam ko naiintindihan ko ren iyun...ngunit lagi nyang pinagpipilitan na mas gusto nya ko makasama kesa sa pamilya nya...napakawirdong tao"naiiling kong sabi habang sya naman ay tumatawa ngunit seryoso...

"Dahil siguro mahal ka nya?"sabi nya at sinisigurado kong pumula ang aking pisngi dahil ang init ng pakiramdam ko sa bahagi na yun...

"Kung ganun man....hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal nya"

"Baket naman?"

"Dahil hindi ko magawang suklian ang pagmamahal nya"seryosong sabi ko....

"Masakit yun sa parte nya malamang"

"Kaya nga simula palang tinanggihan ko na sya...pero eto syang laging nanjan sa tabi ko kapag kaylangan ko ng karamay"

"Napakaswerte mo kung ganun?"sabi nya natawa naman ako...

"Makakahanap karin ng ganun"

"Nakahanap na nga ako eh"bulong nya lumaki ang aking mga mata ng narinig ko yun...

"T-totoo?"gulat na sabi ko at tumango naman sya...

"Pero parang ako lang ang may nararamdaman para saming dalawa...gusto ko kapag dumating ang araw na matutunan nya kong mahalin..ay yung mamahalin nya akong ng tunay....na parang hindi ko sya pwepwersahing gustuhin at mahalin ako...gusto ko kusa lang nya kong mamahalin"sabi nya at isang simpleng ngiti ang bumalatay sa kanyang labi...

'Kahit kaylan hindi talaga ako mabibigo nito sa paghanga sa kanya...masyadong matured ang kanyang pagiisip tungkol sa pagibig'

"Oh sya....mabalik tayo sa pagdiriwang....gusto mo bang magbakasyon saming probinsya para duon mo ipagdaraos ang iyung pasko at bagung taon"

"Ngunit inaalala ko ang pasya ni papa.....gustuhin ko mang magbakasyon sainyu...wariy koy hindi ako papayagan ni papa....masyado nya kong binabantayan....na maski kasamahan nyang pulis ay ipapadala nya sakin para lang mabantayan ako.."

"subukan mo kayang magpaalam ng mahinahon tapos pakiusapan mo ang iyung ama na hwag magpadala ng tagabantay mo..."

'Anung kaso nun'

Devil's HouseWhere stories live. Discover now