KABANATA ONSE

60 36 86
                                    

DE JAVU

Matapos ang masayang kainan ay dumeretso na ako sa kwarto namin ni ashley,ngunit si ashley ay nagpaiwan lang sa kusina para tapusin ang mga naiwan naming kalat..si jr naman ay napaumuna ng umalis pagkatapos na pagkatapos nyang kumain..

Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ay bumungad sakin ang madilim na paligid inaasahan ko na ito dahil simula kaninang umaga ay nasa kusina at silid tanggapan lamang kami ni maligo ay hindi namin nagawa dahil masyado kaming abala..

Hindi ko na inabalang buksan pa ang ilaw sa kwarto dahil sanay na naman ako sa dilim..tuluyan na akong pumasok sa kwarto pero pinanatili kong bukas ang pinto para pumasok ang siwang ng ilaw na nanggagaling sa pasilyo..

Kukunin ko na sana ang tuwalya ko na nakasampay sa sandalan ng upuan ng biglang may narinig akong ingay na para bang may nabagsak na isang bagay..

Lumunok ako dahil bumalik na naman ang takot at kabang nararamdaman ko sa mga nagdaang araw..naihanda ko naman na ang satili ko dito ngunit hindi ko paren mapigilang matakot..

Huminga akong malalim para duon humugot ng lakas ng loob..

Dahan-dahan lang ang paglingon ko..

Eto na....




Hayan na....






Baket ganun?..



Wala akong nakitang miski ano.. tanging nililipad lang na kurtina ang aking nakita dahil sa bintanang nakabukas kaya pumapasok ang malakas na hangin ng gabi..

Dumapo ang paningin ko sa malaking lalagyan ng mga libro ng may nakita akong maliit na librong na hulog..lalapitan ko na sana ng bigla ulit na nahulog ang isang medyo makapal na libro..

Halos mamugto na ang hininga ko dahil sa pagpipigil na tumili..

'Imposible namang mahulog ang ganung kakapal na libro ng dahil lang sa hangin'

Kaba at takot ang nararamdaman ko sa oras ngayun pero pilit kong nilalabanan at mas lalu pang sinuri ang parte ng madilim na sulok na malapit sa pinaglaglagan ng mga libro..

Naalala ko ang sinabi ni kael tungkol sa mga kaluluwa..na kapag nakaramdaman ka daw ng kakaiba ay ibig sabihin nun ay may kasama kang kaluluwa na naggagala o humihingi ng tulong..nung una ay hindi ako na naniwala dahil baka gawa-gawa lang iyun ngunit sa pangyayari ngayun ay mas hihilingin ko nalang na kainin ako ng lupa kesa maranasan ito..

'Ayoko na..'

Bumalik din sa isip ko ang isa pang sinabi ni kael na kung gusto  mo daw na masiguradong may kasama kang hindi kanais-nais ay tumuwad kadaw at mula sa magkabilaan mong binti ay dumunga ka sa parteng pakiramdaman mo na andun sya.. dun mo malalaman kung meron o wala talaga..

'Wala namang masama kung susubukan eh'

Kaya ginawa ko yun tumalikod ako sa parte ng madilim na bahagi na yun..tumuwad ako at itinungko ang dalawang kamay sa harapan para mabalanse ko ang sarili ko..nagdadawalang isip pa ngunit naging buo din sa huli ang desisyun ko..

Humugot ako ng malalim na hininga bago yumuko sa ilalim habang nakatungo sa dereksyon ng sulok na yun nang nakapikit..

At dahan-dahan kong minulat ang mata ko..



S-s-sino sila?...



N-natatakot na ko..




B-baket sila nagpaparamdam sakin?..



Devil's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon