KABANATA OTSO

70 42 44
                                    

SIKRETONG PINTO


(Disyembre,17,1985-1:03 AM)

Aking naaninag ang papalapit na rebulto ni ate athina na may ngiti sa labi na sinuklian ko din..

Hindi ko mapagtanto kung ano-ano ang mga pinagusapan namin dahil wala akong marinig at naggulat nalang na inalalayan nya ako papunta sa isang kwartong sa tingin ko ay sa kanya..

Mariin kaming pumasok at bumungad sakin ang maaliwalas na paligid at tama nga ang hinala kong kay ate athina itong kwarto..

Pinaupo nya ako sa tabi ng kanyang kama at iniwan pansamantala..

Habang sinusuri ang buong paligid ng kwarto ay para bang may naramdaman akong parang kamay na nakakapit sa paa ko..

Inangat ko ang paa ko na naruon sa ilalim ng kama at wala naman siguro isa lamang iyung guni-guni..

Ngunit nung ibinalik ko ulit ang aking paa sa ilalim ng kama ay naramdaman ko ulit ang malamig na bagay na yun...

Kaya't minabuti kong tignan ang nasa ilalim ng kama kahit na nangangatog na ang aking tuhod sa takot..

Ngunit ang sumalubong sakin ay blanko at isang ataul na maliit na hindi ko alam kung anung laman..

Kuryusidad ay pumasok sa aking isipan kaya't kinuha ko ang ataul na yun at malayang binuksan dahil wala naman iyung kandato..

gulat kong tinignan ang laman ng ataul...

Pulos mga bahagi ng katawan ng tao..

May mahabang masarap na hawakan na buhok,putol na hintuturo,mga ngipin,mata,at patay na puso ng tao...

Agad kong binato sa kawalan ang hawak ng biglang bumukas ang pintuan...

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa bangungot na yun..

'B-baket ba lagi akong binabangungot..'

Sapo-sapo ko ang aking nuo at dumapo ang paningin ko kay ashley na ngayun ay mahinbing na natutulog sa katabing kama..

Ako ang naunang matulog sa kanya dahil sa matiding pagod na ginawa naming paggala sa gubat kaya hindi ko na natunghayan ang mga sugat nyang natamo dahil sa tatay nyang strikto..

Habang tumutunghay sa maamo nyang wangis ay pakiramdam ko ay may nakatingin sakin mula sa kadilim...

Kilabot at kaba ang aking nararamdaman kaya't hindi ko magawang salubungin ang bahagi ng kadiliman na yun..

Napalunok ako at dahan dahang tinignan ang dilim na yun at literal na nanlaki ang mata ko nang may naaninag akong dalawang matang nagmamasid sakin..

Napatalon ako patalikod at nagsaklob ng kimot sa aking mukha para hindi makita ang mga matang yun...

'N-natatakot ako..'

Gusto ko mangsumigaw pero ayoko namang maganbala ang mahimbing na pagtulog ni ashley at ng iba pa kaya naman pinilit kong manahimik sa isang tabi na may takot...

Devil's HouseWhere stories live. Discover now