KABANATA TRESE

54 31 101
                                    

SIMBOLO

(Disyembre,26,1985-8:02 AM)

Nagmulat ako ng mata ng parang may nararamdaman akong humihimas sa kanang braso ko..tinanggal ko agad ang kamay na humihimas duon at tinignan kung sino iyun..

'A-ate athina?'

Napakurap pa ako at baka namamalik mata lang ako..pero si ate athina talaga ang may kagagawan nyun ngunit sya ay ngumiti lang sakin at sinasabi ng kanyang mga mata na huminahon ako..ginagawa ko naman pero nagtataka lang ako kung baket nya hinihimas ang braso ko..

Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin na nangangahulugang hindi ko
Maintidihan kung para saan yun ate?pero sya ay bumuntong hininga lang at binigyan ako ng pilit na ngiti..

"Hindi ba,ilang beses ko ng sinabi sayo na tipo ko talaga ang iyung kutis..kaya naman ng tamaan ng sinag ng araw ang iyung balat talagang nahipnotismo ang aking mata at hindi ko namalayang nahawakan ko na ang iyung braso"paliwanag nya kaya gumaan naman ang loob ko at ang tanging ginawa ko lang ay tumango..

Pero ng maalala ko ang nangyari kagabi ay agaran kong pinalibot ang aking paningin sa boung silid at sinuri kung nasaan ako..

'Sino ba iyun?'

Natigilan lang ako ng hawakan ni ate athina ang aking braso para patigilin ako sa paglinga-linga..tinignan ko naman sya at binigyan naman nya ako ng nagtatanung na tingin..

"Nasaan ako ate?"agarang tanung ko kay ate athina dahil pagkatapos kong malanghap ang amoy na nasa panyo na tumapal sakin kagabi ay hindi ko na alam ang sumunod pang pangyayari..pinagkunutan naman ako ni ate athina ng noo na para bang takang-taka sya sa itinanung ko..

"Diba,maaga tayung natulog kagabi dito sa aking silid, ano't nagtatanung ka pa kung nasaan ka?"takang-takang tanung ni ate athina kaya't ako ay palihim na umilinv at nagiba ng iba ang dereksyon ng paningin..

'Ano ba kaseng nangyari at bakit nandito ako pagkatapos nung nangyari iyun?'

Binalik ko ulit ang paningin kay ate athina na halata sa mukha ang paghihintay bumuntong hininga naman ako bago sumagot..

"Ah kase ate ano,--"pinutol ko muna ang aking sasabihin dahil hindi ko alam ang aking isasagot..

'Hindi ko naman pwedeng isagot na..gumising ako kagabi habang natutulog sya at narinig kong nagkasagutan sila ashley at jr at pagkatpos nyun ay may tumapal sa aking ilong at bibig ng panyo at hindi ko na alam pa ang susunod na mangyayari..mahirap paniwalaan yun'

"Ano?"naghihintay na tanung ni ate athina..

"A-ah wala po iyun,p-panaginip lang po siguro ako"pagsisinungaling ko tumango-tango naman sya bilang sagot..nagiba ulit ako ng tingin at mariing pinikit ang aking mata..

'Kaylangan kong magsinungaling ngayun..'

Pinagsawalang bahala ko nalang ang aking naisip at nilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto..talaga ngang silid ito ni ate athina dahil mahahalata mo palang sa pintura nitong kulay pink at marami pang desenyong nakakaakit talaga sa mga mata...

Patuloy ko lang naiilibot ang paningin ko sa buong kwarto..simula sa pader,kisame,papag,at bawat sulok ng kwarto ay aking sinuri na para bang bighaning-bighani ako sa ganda ng kwarto ito na nahahalintulad sa isang prinsesa lang ang magkakaganitong kwarto ngunit mali ang iniisip ko dahil kahit simpleng babaeng katulad ni ate athina ay nagkaroon ng ganitong silid..

Devil's HouseWhere stories live. Discover now