KABANATA DOSE

56 36 172
                                    

ASHLEY AT JR

Nagmulat ako ng mata dahil pakiramdam ko pinipilit ko lang ang sarili kong matulog pero kahit anung pilit ko ay hindi paren ako nagawnag dalawin ng antok dahil siguro marami akong iniisip nabumabagabag sakin habang pagtulog..

Luminga ako at tinignan si ate athina na katabi ko kung tulog na ba ito..at tama nga ang hinala ko hindi lang tulog dahil mahimbing na mahimbing ang tulog nito..kaya naman maingat akong bumangon at siniguradong hindi ako makakagawa ng ingay bago umupo sa gilid ng kama at inayos ang nagulong buhok..

Sinuot ko ang tsinelas ko habang humihikab at tumayo dahil balak kong kumuha ng tubig sa kusina upang hindi manuyo ang aking lalamunan..

Dahan-dahan lang ang ginawa kong pagbukas sa pinto para hindi magising si ate athina sa mahimbing na pagtulog..napangiti naman ako ng magtagumpay at wala sa sariling naibaba ko ang aking paningin sa ilalim ng kama agad ko rin namang iniwasan iyun dahil hindi parin ako makapaniwala..

'At baket may ganun sa kwarto ni ate athina?alam ba ito ni ate athina?'

Pinilig ko ang aking ulo dahil sa mga katanungan na namang iniisip ko na wala rin namang kasagutan..napabuntong hininga ako at sinarado ulit ng maingat..

Humarap ako sa mahabang pasilyong madilim at lumakad ng dahan-dahan at maingat..nangangapa ako sa kadilimang nilalakaran ko habang palinga-linga sa bawat gilid..

Nagtaka lang ako ng may narinig akong ingay galing sa hindi ko alam na lugar..sinundan ko ang ingay na yun at literal na nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung kanino ang tinig na yun..

'S-si ashley yun ha?'

"Bakit mo pa ba binabalik ang nakaraan ha?ngayun ay ngayun wag na nating balikan ang nakaraang tapos na at hindi na mauulit pang muli..naiintindihan mo ba ang punto ko?"mahinahong sabi ni ashley sa kausap nya..mariin akong lumakad papuntang harapan ng pintuan kung saan sa madilim na bahagi at halos katabi ko na ang pintuan ng kwartong kinasasandalan ko..

'Kwarto ito ni jr ha?'

"Eh ikaw naiintindihan mo ba ang punto ko,ang punto kong lagi kong pinapaalala sayo pero lagi mong sinusunod ang mga kapamilya mo,ang punto kong alam kong mas makakabuti sayo pero ano ang mas pinili mo..ang maling bagay..ang maling disisyun..sabihin mo' ano pa ang dahilan ko para sundin ang mga punto mo?..sige nga..ANO!!"galet na sabi ng lalaking boses at kilalang-kilala ko rin iyun..

'Jr?'

"Alam mo namang hindi ko kayang talikuran sila diba?kaya intindihin mo nalang..at wag ka ring gagawa ng hakbang na ikagagalit nila dahil ayokong mawala ka..ayokong mawalay ka sakin,ikaw nalang ang natatanging taong naging totoo sakin kaya sige na?intindihin mo na lamang ako..dahil hindi kita kayang mawala,alam mo naman iyun hindi ba?'dahil mahal na mahal kita"garalgal na boses ni ashley kaya wala sa sariling natakip ko ang bibig ko..

'Kung ganun,si jr pala ang maswerteng nagustuhan ni ashley'

Mas lalo ko pang dinikit sa pader ang panrinig ko at mas lalo ring umusad ang katawan ko sa dingding upang mas lalo kong maintindihan ang paguusap nila..usisyoso man kung tawagin ay wala akong magagawa dahil pinapatay na naman ako ng kuryusidad ko..na kahit bawal ay gagawin at gagawin ko upang makakalap lang ng kasagutan..

"Hwag mo ngang ipasampal sa akin na mahal na mahal mo ako,simula't sapul alam mo nang iisa lang ang minahal kong babae at nawala pa ng dahil sa inyo..hindi ako magmamahal ng katulad mong makasarili dahil lang sa mahal mo ko..hindi sapat na basehan na mahal mo ako dahilan para maikulong mo ako dito sa bahay nyung mga demonyo"galit na sabi ni jr..kahit hindi ko sya nakikita ay para bang nahuhumaligmig ko na ang pustura ng kanyang mukha..at sigurado rin akong malayong-malayo ang jr na kilala kong seryoso sa galit ngayun..pero ang mas nakapukaw sa atensyon ko ang huli nyang sinabi..

Devil's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon