KABANATA DISE-SAIS

34 10 85
                                    

MGA LITRATO

(Disyembre,27 1985-8:24 AM)

Nagmulat ako ng mata at pinakiramdaman ang higaang masarap ang sensayo sa aking likuran,mas lalo ko pang binaon ang ulo ko sa unang kasing lambot din ng aking hinihigaan upang mas lalo ko pang maramdaman ang dalang dulot nito..

Talagang nakakapagod ang araw kahapon at sinisiguro kong hindi maayos ngayun ang komunikasyon namin ni tatay lapid dahil sa ginawa kong pagsagot sa kanya,hindi ko naman pinagsisihan ang pagsagot ko na yun dahil alam kong tama ang ginawa ko at talaga namang mali ang ginawa nya'hindi sapat na basehan ang leksyong ganun sa kanyang anak dahil lang nagmahal ito?napakawalang kwentang dahilan..

'Hay..'

Marahan akong bumangon at lumingon sa higaan ni ashley,napakunot ako ng noo ko ng  hindi ko na sya nakita pa duon pero pinagsawalang bahala ko nalang iyun at mariing pumunta sa banyo..

Tahimik lang akong nakaupo sa kobeta habang nakatulala sa kawalan,hindi ko alintanang matagal na pala akong nasa ganun ang posisyon kaya tumayo na ako at inayos ang pambaba kong saplot..

Bakit ka pa bumalik?

Nahugot ko lahat ng hininga ko ng marinig ko ang salitang iyun,agad kong pinukol ang tingin sa kaliwang bahagi kung saan ko narinig ang bulong na iyun..ngunit bigo ako dahil wala man lang ako nakita kundi dingding ng banyo..

Dapat di ka na bumalik..

Napalunok ako ng marinig ko na naman ang bulong na yun na nanggaling sa kanan ko na mang panrinig pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na ginawa ang nagawa ko kanina dahil mabilis na akong tumakbo sa pintuan at ng makalabas ay agad ko ren itong sinarado habang ang noo ay nakadikit sa pinto..

'Nagpaparamdam na naman sila sakin..'

Habol-habol ko ang aking hininga habang hawak-hawak ang dibdib na ngayun ay sobrang bilis dulot ng takot at kabang dala ng bulong na yun..

Pinilig ko ang aking ulo ng mahina at humarap..

Mikaela,baket ka pa bumalik?

Napasinghap ulit ako nang marinig ko na naman ang bulong na iyun na hindi ko alam kung saan nanggagaling..nilokob ng takot ang buong sistema ko ng marinig ko na naman ang isapang bulong galing naman sa kabila kong panrinig..

Sayang ang oportunidad..

Tanging pagtakip lang sa mga kabilaang tenga at pagtili lang ang aking nagawa habang paatras ng paatras sa bungad ng pintuan ng banyo..nilingon ko ang pintuan palabas ngunit bago pa ako makatayo galing sa pagkakaupo ko ay bigla nalang sumara ng malakas at padabog ang pintuan palabas..

'P-paano nangyari yun?'

Halos maluha-luha na ako sa sobrang takot at kaba kaya naman hindi ko namalayang tumakbo ako sa pinto at pilit na binubuksan iyun ngunit talagang pahigpit ang pagkakasara niyon at maski ako ay hindi nabuksan..

"Hija,anung nangyari dyan sa loob?"tinig ni nanay teya na nasa tapat ng pintuan..

"Mikaela buksan mo itong pinto.."tinig ni ashley

Devil's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon