TRECE

51 3 3
                                    

CHAPTER 13





ARRA MARTINA




"Good morning baby."  I stiffened when I heard Eri's voice. Nagising ako sa mahihinang pag galaw niya. Kahit kailan malikot matulog ang isang ito. Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang ngiting-ngiti na mukha niya. I smiled.




"Morning BF."  Idinantay niya ang mga hita niya sa akin. Juismio kabibigat!




"Baby, nagugutom na ako."  Bulong niya sa akin. Nakakaloka, heto na naman siya at naglalambing.




"So anong gusto mong kainin?"   Kahit na alam ko naman ang gusto niyang kainin ay nagtanong pa ako. Breakfast lover si Eri at tuwang-tuwa siya sa tuwing ipinapaghanda ko siya ng ganoon.



"Ahhhmm… this time bet ko iyong…"  Umakto siyang nag-iisip at kunwa'y nagulat.  "Iyong gusto mo."  Then he laughed. Napatingin ako kay Eri. Gusto ko? Ano nga ba ang gusto ko? Huminga ako ng malalim at saka naupo, gumaya rin naman siya sa akin.




"Sige, hintay mo lang ako Bf, toothbrush lang ako."  He smiled then he pinched my nose.




"A'right baby."  Ngumiti na naman siya at dahil doon ay na-realize ko na masaya ang Bf ko. Tumayo ako at nagtuloy sa banyo. Itinaas ko ang buhok ko at nag lagay pa ng head band. Nag-toothbrush ako at naghilamos. Tapos ay naglagay ng day moisturizer. Natitigan kong maigi ang sarili ko sa salamin. Mapait akong napangiti nang maalala ko ang mga ginawa ko nitong nakaraan. I sighed.




Si Eri… Hindi ko na alam talaga. Naisip ko na sobra din naman niya akong pinapahalagahan. Kung hindi naman kasi ay, hindi niya na pagkakaabalahan na palagyan pa ng security system ang bahay ko. Dahil nga kasi doon sa nangyari na panloloob noong nakaraan. Actually, gusto niya na doon ako sa bahay na lang nila tumira pansamantala, para daw hindi siya nag-aalala. Ayaw ko naman noon. Iniiwasan ko lang ang…




"Huy! Katagal mo naman diyan?! Daming facial routine?!"  Napawi lang ako sa pag-iisip nang sadyain na niya ako banyo. Napailing na lang ako.




"Oo na, halika na."  Lumabas ako at niyakag siya papunta sa kusina.




Naglabas na ako mula sa fridge ng mga lulutuin ko, tapos ay nagsaing ako. Sakto lang ang saing ko, hindi naman kasi masyadong malakas kumain si Eri. Napansin ko na mas maganang kumain si Hex. Hmmm… ano kayang ginagawa ng isang iyon?! Pinalis ko ang iniisip ko at nagtuloy sa pagluluto.




Inihain ko sa mesa ang mga niluto ko. Crispy fried maling, sunny side up eggs, hotdogs, at iyong cabbage soup. May rice na rin at ipinag gawa ko si Eri ng fresh orange juice. Mas gusto niya iyan kapag almusal, sa hapon siya madalas mag coffee. Unlike Hex na laging naka kape. Wait…. arghh.. Hex na naman.




"Yummy! Kain na tayo baby!" Nanlalaki pa ang mata niya sa excitement. Ito ang isang bagay na gustong-gusto ko kay Eri. Hindi siya mahirap pasayahin. Lalo na kapag ganito na pinaghahanda ko siya ng food or di kaya ay inaalagaan ko siya sa simpleng mga paraan ko. Tinititigan ko lang siya habang kumukuha na ng food at maganang kumain.




Sa ilang taon na naming pagsasama, masasabi ko naman na walang kapantay ang suporta at pagmamahal ni Eri sa akin. Naging karamay ko siya at kasa-kasama. Sa mga panahon na mag-isa ako at down na down, nariyan siya. Kaya sumasakit bigla ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko na nakalimutan ko siya ng ilang sandali para pagbigyan ang sarili ko.




"Hey, why are you not eating?!"  Sita niya sa akin nang tignan niya ako at wala pang pagkain sa aking pinggan.  "Why are you staring at me baby?"  Ngumisi pa siya sa akin kaya't napahinga ako ng malalim.




Who Do You Love?Where stories live. Discover now