VEINTE CINCO

27 0 0
                                    

CHAPTER 25




ARRA MARTINA




I WAS busy at the kitchen separating yolks and egg whites for my chiffon cake. Nag-crave kasi ako bigla ng vanilla cake, kaya gagawa ako ng funfetti cake kahit walang may birthday.




I looked at the handsome man sitting behind the counter. Ilang araw na iyan dito sa bahay, simula noong gabi na akala ko akyat-bahay siya ay hindi na siya umalis. Lumabas lang kami ng ilang beses para mag grocery. Most of our time we spent sa catching up daldalan, sa pagpu-foodtrip, at sa kakanood ng movies. Syempre maraming sëx din ano! Iniisip ko nga na buntis ako noong nag crave ako ng cake, pero imposible naman iyon kasi ilang araw pa lang kami magkasama. Kaloka.




"Hungry ka na ba, Love?" ,I asked, kahit nakatingin pa rin ako sa ginagawa ko. Nasanay na ako na tinatawag siyang Love kasi, iyon din naman ang tawag niya sa akin. Dejoke lang, I mean…kasi naman totoong love ko siya.




"Hungry for…."  For ano? Narinig ko na humahagikgik siya. Kaya napatingin ako. Gumagalaw-galaw ang kilay niya. I rolled my eyes. Hindi na napagod…




"Hindi pwede, Hex ha. Palagi na lang, baka mamaya niyan magsawa ka na sa akin." Inirapan ko na lang siya.




"Of course not! Na-miss kasi kita kaya palagi kong gusto." Medyo kinilig ako pero busy ako, gagawa ako ng cake kaya manigas siya dyan.




"Ayy, Kailan ka pala papasok ulit sa office? Nakausap mo na si Tita H?"  Naalala ko kasi sabi niya nung isang gabi, babalik na siya sa work niya SGC. Hindi na daw siya babalik sa US, unless kasama ako. Eh, ayaw ko.




"I called her yesterday, I said I just need a few more days, then babalik na ako doon. Nakausap ko na din iyong mga Exe.Com namin. I remembered hearing him talking on the phone last time. Akala niya kasi tulog na ako. I realized na habang kasama ako, hindi siya gumagawa ng bagay na hindi naman about sa akin, sa amin. Then kapag busy ako or ayun nga, tulog, at saka siya gagawa ng ibang business niya. I find it sweet. Kasi naka-focus siya sa akin. Pero kahit naman maging busy siya, hindi ako magde-demand, iba-balanse lang namin.




"Alright.  Ay, kapag gutom na magsabi ha. Maghahain na ako."  Hapon na rin naman kasi at baka gusto na niya mag-dinner.




"Yes, Love."  Narinig ko namang tumayo siya mula sa pagkakaupo sa may counter. Lumabas siya ng kitchen. Siguro may importanteng gagawin. So I just continued with my baking. 




Pagkalagay ko ng cake pan sa oven sakto naman na narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Pero dahil marami akong hugasin ay hindi ko muna iyon pinansin. Habang naghuhugas ay napansin ko na sunod-sunod ang pag pasok ng notifications dahil walang tigil ang tunog. Na-curious ako kaya nag hugas ako ng kamay at tinuyo bago hawakan ang phone.




Sa Instagram iyong maraming notifications. I opened my account and found that I have too many likes and comments. Nakakapagtaka naman, wala akong bagong post ,pero… pero meron?! I clicked the photo ,that I… take note… I uploaded few minutes ago. Nakapag-upload ako? Bumulaga lang naman sa akin ang selfie photo ni Hector. Well, ang guapo niya… pero nang basahin ko ang caption, nanlaki ang mata ko. It says,  'My sexy Love. My man.' Naloko na!




"Hector!" Siraulong lalake! Tapos may iba pang notification. Pag click ko, tagged photo pala, and it's my photo! Sa Instagram account naman niya naka-post. Habang nagbe-bake pala kinukuhaan ako. Nakatagilid ako dito at busy. Juismio! hindi ako maganda dito! Tapos iyong kaniya ang guapo-guapo niya! At ang caption! Gagi talaga yun! Ang nakalagay,  'MINE.' As in all caps ha!  "Hector!"




Who Do You Love?Kde žijí příběhy. Začni objevovat