VEINTE UNO

17 0 0
                                    

VEINTE UNO


HECTOR FELIPE



IT FELT like my chest has been ripped open and my heart was cut into pieces. As I walk to my bedroom all I could think of is the fact that I have been lied to, once more, by the people I love and care the most. Henri, my only brother and Amar, whom I love dearly.



Why does this always happen to me?! I was cheated on before and now…. I don't know what to feel anymore.



I went straight to my closet. I took my luggage and packed my clothes and some necessities. I took my passport and my bank cards. I am all packed now. There's no turning back. Wala na akong lugar pa dito. Dapat… dapat hindi na lang ako umuwi dito sa Pilipinas.



Nagtitinginan ang mga housemaids nang bumaba ako mula sa kwarto palabas ng bahay. Hindi ko na sila pinansin. Alam ko na dapat akong magpaalam, because they all have been good to me, pero hindi ko na nagawa. Ang gusto ko na lang ay ang umalis sa lugar na ito at mapag-isa.



Ganoon naman e, palagi akong nag-iisa.



I was aiming to go straight to the airport. I will take whichever flight goes out of this country first. As in kahit ano, makaalis lang ako kaagad. Puno ng sakit ang dibdib ko. Ang bigat-bigat. Bakit ganito? Ano bang ginawa kong mali noong nakaraang buhay ko para parusahan ako ng ganito? Nagmahal lang naman ako. Put@ang ina naman!



Si Mama.. bigla kong naisip si Mama. Kung nasasaktan ako, for sure, masakit din sa kaniya. Ang tagal na panahon din nilang niloko ang nanay namin. How could they do that?!



Thinking of Mama, kahit na anong gusto ko na dumiretso sa airport ay bigla kong naikabig ang manibela. Tinahak ko ang daan pabalik sa ospital kung nasaan ang magaling kong kapatid. Sana lang ay wala doon si Amar. Pero kahit naman nandoon siya, wala na akong pakikinggan. Hindi ko na siya kakausapin.



When I reached Henri's room in the hospital, I was praying na sana ay wala doon si Amar. Hindi ako handang harapin siya at mas lalo na ang kausapin siya. Three knocks and I opened the door. My brother was lying down on his bed. Tulala siya at hindi niya ako napapansin. Nagpasalamat naman ako na wala si Amar dito. Si Mama lang ang kasama ni Henri, pero natutulog siya sa may couch.



"Hey.."  Nilapitan ko siya at napatingin lang siya sa akin nang magaan kong tinapik ang kaniyang kamay.



"Kuya.. I… si Am---"



" I came here to bid my goodbye."  Putol ko sa kung ano man ang sasabihin niya.   "Babalik na lang ako sa States. I have nothing to do here anyway."  Napansin kong namumuo na naman ang mga luha niya.  "Alagaan mo si Mama. Be a good son, be good to yourself, alam kong kaya mo yan."  Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na magsalita dahil tinalikuran ko na siya at bumaling ako sa natutulog kong ina.



"Ma…"   I caressed her hair, naiiyak ako.  She's still sleeping.  I kissed her temple.   "Mama aalis na naman ako, pero tatawagan agad kita pagdating ko doon. Dalawin mo na lang siguro ako doon, mas maganda nga doon ka na lang, then aalagaan kita. Sa ngayon alagaan mo muna ang bunso mo."  I was trying so hard to make my voice as gentle as possible. I kissed her head again for the last time and then I faced Henri.



"Henri, bilin ko ha. Ingat. Bye for now."  I turned around and was about to walk to the door when I heard him speak.



"I was very young…"  I stopped and just stood there without giving him a look.   "when… when… I knew I was gay."  He started sobbing.  "Mula noon, kuya… hanggang sa ngayon… All my life pakiramdam ko hindi ninyo ako matatanggap. Kaya si Amar… si Amar lang ang may alam. Siya lang ang umunawa sa akin. She's my bestest friend, and I…"  His sobs turned into cry, but I still didn't look at him. I feel like… hindi ko kaya.  "I… nasaktan ko siya dahil selfish ako. Kuya… she just loves me so much as a best friend and she just kept her promise… so please… "



Who Do You Love?Where stories live. Discover now