DIECIOCHO

42 1 0
                                    

CHAPTER 18


ARRA MARTINA


NAGMAMADALI akong puntahan si Eri sa gate ng bahay. Dala ko ang payong dahil malakas ang ulan. May LPA daw kasi ngayon sabi sa balita. Paglabas ko ay nakita ko na siyang nakatayo doon at naghihintay sa akin. Wala manlang panangga ang isang ito. Nababasa na siya! Kaya siguro hindi manlang ngumingiti. Kaagad kong binuksan ang lock at pinapasok siya. Sumukob siya sa loob ng payong at saka umakbay sa akin.


"Bakit ka pa nagpunta?!"  Singhal ko sa kaniya nang makapasok kami sa loob ng bahay. Hindi ko naman kasi siya inaasahan, maulan nga kasi at delikado pa sa daan. Tapos tatawag siya bigla na nasa labas siya ng bahay namin at pagbuksan ko.


"Eh diba, ngayon ang first night na wala kang kasama sa bahay?" Parang pagod na sagot niya sa akin. Tila naawa naman ako sa kaniya. Hindi ko kasi alam, pero parang may kakaiba sa kaniya.


"Okay lang naman ako BFF!" Sinabayan niya iyon ng pagsadlak sa sofa.  "Tignan mo parang magkakasakit ka pa yata, nabasa ka ba?"  Nilapitan ko siya at inilapat ang likod ng kamay ko sa pisngi at sa leeg niya. Hinuli naman ni Eri ang kamay ko sabay hinila akong paupo sa tabi niya.


"Wala akong lagnat!" He let out a loud breath as he closed his eyes.  "Ayos lang ako Amar. Don't worry."


"Eh kumain ka na ba?"  Nakapikit pa rin siya at pagod na nakadantay ang ulo sa sandalan ng sofa.


"Tanghalian." Tipid na sagot.


"Kanina pa yun ha!"  Pabiro ko siyang hinampas sa dibdib.  "Seven P.m na kaya! Bakit di ka pa kumakain?!"

Nagulat ako nang bigla siyang yumapos sa akin. Maya-maya ay nanginginig na ang balikat niya. Umiiyak ba siya? Nakumpimra ko ang hinala nang unti-unting mabasa ang parte ng damit ko kung saan siya nakasubsob. Hinagod ko ang likod ni Eri, na mas nakapagpalakas ng pag-iyak niya. Maya-maya ay humahagulgol na siya.


Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, basta ang alam ko ay may mabigat na dinadala ang kaibigan ko. Mamaya ko na aalamin ang detalye mula sa kaniya, sa ngayon hahayaan ko muna siyang ilabas lahat ng bigat sa dibdib. Ang sabi kasi ng prof ko noong college, wala naman daw masama sa pag-iyak, binabawasan mo lang daw ang hindi mo makayang dalhin. Hindi daw totoong sign iyon ng kahinaan.


Pagkaraan ng di mabilang na mga minuto niyang pag-iyak, unti-unti siyang tumahan. Umayos lang siya sa pagkakayakap sa akin pero hindi siya bumitaw. Patuloy ako sa paghagod sa likod ni Eri.


"Sorry Amar, nag-iiyak pa ako dito. Dapat sasamahan lang kita e."  Tignan mo itong isang ito, may dinadamdam pero nakuha pang alalahanin yung kalagayan ko.


"Eh araw-araw na akong mag-iisa simula ngayon, sasamahan mo ako!?" Pabiro kong tanong.


"Ganun na lang BFF, dito na lang ako titira." Hmm… naisip kong baka about sa family ang dinadala niya. Tungkol kaya saan… baka sa Papa.


"Aakalain nila live-in na tayo niyan!" Hanggang ngayon pa naman ang alam ng pamilya ni Eri ay mag-nobyo kami.


"I don't care Bff, kahit iyan pa ang isipin nila." He looked at me.  "Okay lang diba? You love me anyway."  Gusto kong matunaw sa pagtitig niya sa akin. Pinaalalahanan ko ang aking sarili kung ano talaga ang hilatsa ni Eri. Gwapo lang siya talaga.  I just gave him a smile.


Who Do You Love?Where stories live. Discover now