CINCO

67 2 2
                                    

WARNING! MATURE CONTENT

CHAPTER 5



ARRA MARTINA



" Ummmmmp… Ahhhh!!! "


Gumuhit sa lalamunan ko ang alak at ramdam ko ang pangingilid ng laway sa aking bagang.   " Tita H , ampait! Ayaw ko na po. " Pinahid-pahid ko pa ng aking kamay ang bibig ko sabay labas ng dila na tila masusuka.


" Amar, anak lagpas kalahati na ng bote! Pait na pait ka parin?! "  Napatingin ako sa bote ng Diplomatico Ambassador Rum , at oo nga, lagpas na sa kalahati. Kaya naman pala ngenge na ako.


" Tita H, tama na po. Baka hindi na ako makauwi nito. " Grabe, hindi na ako makakapag-drive ,magta-taxi na lang ako pauwi. Bakit ba kasi kami uminom ni Tita. Mahina pa naman ang bahay-alak ko. Kumakain lang kami ng isaw at sisig kanina tapos sabi niya na-miss na niya uminom! Malalagot ako nito!   " At saka lagot po ako kay Hector! "


" Basta i-lock mo lang ang pinto ng room ko pag-alis mo. At huwag ka nang uuwi! Diyan ka sa kuwarto ni Henri! "  Ang talino talaga nitong nanay nila. Basta sa kalokohan lulusot!   " Kaya ubusin na natin ang rum, Amar! Dali na! Dito ka naman mags'sleep eh! "


Wala na akong nagawa kundi tumagay ng tumagay. Nakakataka lang kasi ako nararamdaman ko nang magaang ang ulo ko at palipad na ako, pero si Tita H parang wala lang. Lasenggera yata itong isang ito. Dati naman puro wine lang ang nakikita kong iniinom niya. Ohhh my gosh! Any moment parang tataob na ako sa kinauupuan ko.


" Kampai! "  Sabay pa naming sigaw sa tag-isang huling shot ng rum. Halos itaktak pa ni Tita H ang bote para daw sa kahulihulihang patak. Matagal daw kasi bago ito mauulit.


" Para sa pinakamamahal kong si Leandro! Hoy! Asawa ko! Huwag kang mambababae diyan! Nasaan ka man! "  Sinisigaw niya iyon habang itinataas ang shot glass at nakatingala. Ayyyy lasheng na siya!


" Laseng ka nwa Titwa!!! "  Pinagtawanan ko siya. Parang luka-luka!   " Ito! "  Sigaw ko pa at sabay taas ng baso.  "Tanggapin ang alak na ito! Para sa katawan!"  Hagikhik.  " Ayyy… mali. Paano ba?! "  Napatawa naman siya sa akin.


" Mas lasing ka Amar! Huwag mo sa katawan ialay! "  Tumawa siya ng tumawa.


" Ohhh fine! "  Itinaas ko muli ang shot glass at tumingala.  " TANGGAPIN ANG ALAY! KUNIN NG ANES ANG CHENES NG NAG-AALAY! "  Para kong tinatawag ang anito ng kahalayan sa pagsigaw ko.   " TAPUSIN ANG VIRGINITY! "   Tapos ay naghalakhakan kaming dalawa na parang mga tanga. Pinagbangga ang mga baso at saka sabay tinungga!


" Pait!!!! Yaaaakkkk!!! " Ubos na at lahat umaangal parin ako sa lasa. Napasandal ako sa sandalan ng couch na kinauupuan namin.   " Tita H nahihilo na akwo! " Hindi siya sumasagot kaya tiningnan ko siya.


" Ayy tinulugan ako! Wala ka pala weh! Bagsak ka! Hina mo! Hah! "  Dahan-dahan akong tumayo at dahil nahihilo at gumegewang ako ay inabot na yata ako ng sampu-sampu. Ayy siyam-siyam lang pala! Haha.  Balak ko sana siyang dalhin sa higaan niya kaya lang hindi ko na kaya. Kaya inayos ko na lang ang paa niya pahiga sa couch.


" Bigat mo ha! H-wag ka na iinom! Mahina ka p-la weh! "    Nakapameywang ako sa harap ng couch.  Nang mapagewang ako ay nasagi ng binti ko ang bote ng alak na walang laman.    " Oh natumba pa! Tsk! Aalis na nga ako! "   Dahan-dahan akong yumuko para damputin ang bote at ang dalawang shot glass.  "Bawal to! Ebidensya!"  Pakiramdam ko ay lalo akong nalasing sa ginawa ko.


Palabas na ako ng pinto nang mahagip ng mata ko ang heels na suot ko kanina.  Susuray-suray na binalikan ko iyon.  " Hindi kita binalikan ha! Heels ko'to! Babush! "


Who Do You Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon