VEINTE SEIS

15 1 0
                                    

Author's Note: Hi, I know sobrang tagal na ng story na ito pero di pa rin natatapos. my APOLOGIES. Maraming loopholes, typo, at kung ano pang kakulangan ang story na ito. Pero tatapusin ko pa rin po. Salamat sa mga nagbabasa. Maraming Salamat.

CHAPTER 26




ARRA MARTINA




"HELLO sa mga anak kong may mga pahid sa utak."   Naglalakad kami ni Hex papasok ng living room ng marinig namin ang boses ni Tita H.  Naglilipat-lipat ang mga mata nito sa aming dalawa at sa isang pang nakaupo sa couch, si Henri. Nakayuko ito at busy sa kung anong meron sa cellphone nito.




"Ma.."  Tawag ni Hex  kay Tita H  at saka lumapit dito para gawaran ng halik sa pisngi. Ganoon din ang aking ginawa.  Napansin ko naman na nakatingin na sa amin si Henri, ngunit nanatili lang siyang nakaupo at tahimik.




"Hey, BBF."  Binati ko siya at saka nginitian. Wala pa ring siyang kagalaw-galaw, naninimbang siguro. Kaya ang ginawa ko, ini-unat ko ang mga braso ko, paraan ng pag-aanyaya ng mainit na yakap. Doon biglang nagliwanag ang kanyang mukha, kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin. Tinanggap ni Eri ang yakap at pumulupot siya sa akin, mahigpit. Alam ko na na-miss din ako ng bestfriend ko. Ang tagal na hindi kami nakapag-usap. Hindi naman dapat ganoon, kaya lang, siguro ay naunahan na kaming pareho ng hiya.




"Ehhemm…"  Kaagad kaming naghiwalay nang marinig namin ang pagtikhim ng papansin sa tabi-tabi. Malapit na sa amin nakatayo ang kuya ni Eri. Nakatingin ito sa amin at bahagyang nakakunot ang noo.  "Boyfriend… hmm.. boyfriend.."  Nakakatawang itinuturo niya ang sarili habang sinasabi ang mga salitang iyon.




"Kuya bakla ako, remember?!"  Maarteng sabi ni Henri with matching irap bago ako pakawalan ng yakap.




"Pinapaalala ko lang naman."  Pagbibiro ni Hex. Pero mas pinansin ko ang sinabi ni Henri. Nasasabi na niya ang bagay na iyon sa harap ng Mama at kuya niya?! Napuno ng kasiyahan ang pagkatao ko.




"So, loud and proud ka na ngayon Eri?! I'm happy BBF!"  Totoong masaya ako para sa kanya. Kasi, sa wakas, hindi na niya kailangan magtago.




"I know right! Thank you so much baby!"  Maluha-luha ang mata na muli niya akong niyakap. Maya-maya ay naramdaman ko na may isa pang pares ng braso na bumalot sa amin, Si Sita H.




"My children, Mama's always here for you. Don't forget that. I will always understand, kahit ano pa yan!."  Garalgal din ang boses niya. Tapos ay nakita kong tinapik ni Hex ang balikat ni Henri at hinalikan naman sa noo ang Mama nila bago lumapit ulit sa akin at yapusin ako sa tagiliran.




"Thanks family."  Kumalas sa akin si Henri at saka yumapos ng tuluyan kay Tita H.



This moment is just so wonderful.




MAGKAHARAP kami ni Eri na nakaupo sa isang mahabang couch sa loob ng study ni Tita Helga. I opted to talk to my best friend alone. Kaming dalawa lang para once and for all, masabi namin ang lahat-lahat sa isa't-isa. Medyo nagtagal pa nga ako sa pagpapaalam sa seloso kong boyfriend. In the end, pumayag na rin siya, nadaan sa lambing.



"Eri…"  I smiled widely at him tapos ay lumapit na naman ako para yakapin siya. Ganoon din ang ginawa niya sa akin. Naramdaman ko ang pag alog ng kanyang balikat. Maya-maya pa ay narinig ko na ang kaniyang pag-iyak.




"Amar… baby girl.. I'm sorry… sorry.. sorry… sorry.."  Hinahaplos ko ang likod niya para siya kumalma.




"Ssshhh… Henri Damian, huwag ka nang umiyak."  Panay ang sigok niya at hindi ko mapigilang mapatawa.  "Eri! Wag ka nang umiyak, nakakapanget yan!"  Inilayo ko siya mula sa akin at tinitigan. Pinunasan ko ng aking mga kamay ang mukha niya na hilam ng luha.  "Ayan, ang chaka mo, tulo na sipon mo!"  Natawa na rin siya at saka inayos ang sarili.




Who Do You Love?Where stories live. Discover now