VEINTE

29 1 2
                                    

Warning: Some scenes may trigger anxiety. Baka lang naman. Also, I would like to say, hindi perfect si author po, any loopholes you might encounter, sorry po. salamat.




VEINTE



HECTOR FELIPE




IF the ceiling could talk, it'll tell me that it's rude to stare. I let out a deep breath. Kanina pa ako nakatitig sa kisame, wala na akong nagawang trabaho at nasasayang ko na ang oras sa opisina.



Wala namang ibang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Si Amar.. siya ang dahilan.




Lately, hindi ko maintindihan kung naglalambing lang ba siya o may iba nang ibig sabihin ang mga ginagawa niya, and it bothers me, A lot!




Palagi niyang sinasabi na practice daw iyon para kapag legal na boyfriend na niya ako. Bakit kailangan ng practice?! Hindi naman na yun kailangan dahil alam na alam kong magagawa namin yun, dadating kami dun! Minsan hindi ko maiwasan, I get scared of how she acts. Paano kung 'ultimatum' na pala niya yun?! God knows what's running inside her head. At kung ano man yun, kailangan kong malaman. So that, if it would mean our relationship any harm, kailangan kong pigilan.



I love Amar. So much. That I could never ever think about not having her anymore. I would do everything just to be with her. I must admit, at times, nasasaktan talaga ako, thinking na ako ang nakikihati at hindi siya talaga sa akin….. sa ngayon. Pero dahil mahal na mahal ko na si Amar at lunod na lunod na ako sa pagmamahal na 'to, kinakaya ko, at kakayanin ko.



Imbis na isipin pa ng mas matagal si Amar at ang mga bagay-bagay, I decided to check on my phone for any important messages. My Mom had one message and it's just to say that she's fine and having a stroll at the park with her caregiver. Come to think of it, medyo lively nga si Mama lately. She's also very fond of her caregiver. Well, that's good.



After a while of browsing my social media accounts, I found myself checking out on the photos inside my gallery. Syempre pa, mga pictures ni Amar. Nauwi din lang ulit ako sa mga bagay tungkol kay Amar. What can I do?! I'm so in love with her. Napapangiti pa nga ako habang tinitignan yung mga selfie niya gamit ang telepono ko. She's just so charming….



MAMA CALLING…



My phone rang as my mother's name flashed on the screen. I thought she's busy strolling… Oh well..




"Yes Ma?!"  I answered the call.




"Hector! Ang kapatid mo!"  She's panicking. I can even hear her sobs. I got nervous.




"Why Ma? What happened?!"




"He's in the hospital! I don't know what really happened." Umiiyak siya sa kabilang linya.




"Ma… don't panic. Maybe he's just feeling a little unwell, no need to worry too much."  I am trying to calm her down.




"No…. Hector, I don't like what I am feeling. Kagabi ko pa naiisip ang kapatid mo! And then ngayon tatawagan ako ng hospital staff to inform me na nandoon ang anak ko!"  Nagwawala na ang nanay ko, kaya medyo nababahala na rin ako.




"Alright, alright…. Try to calm down, dadaanan kita and sabay na tayo pupunta sa hospital, okay? Don't overthink Ma… it will be okay."  Cause I am also trying my best to remain calm.




"Okay, hurry up anak, please…"




I stormed out of my office, walang paapaalam kay Theo or kahit na anong bilin. Nag-aalala ako kay Mama, hindi pwede sa kundisyon niya ang nagpa-panic, at the same time nag-aalala din ako kung anong nangyari sa kapatid ko.




Who Do You Love?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang