VEINTE OCHO

38 1 0
                                    

Hello, again, pasensya na sa Typo at sa mga ano-ano pa. 😆😁

CHAPTER 28



ARRA MARTINA



2 years later




"OH GOD…"  , I was looking intently at the PT kit on my hand. "Oh my… oh my…"



Nagsimula nang manubig ang mga mata ko at maya-maya pa ay nanginginig na ang aking mga kamay at umaalog ang aking balikat. "Ohhh God…"



One Line…  Negative.



Ang lungkot, ang bigat sa kalooban. Mahigit isang taon na kaming kasal ni Hector pero hindi pa rin ako nabubuntis. Nagka asawa na at nanganak si Rosette, napaglihihan na ni Magie si Hector ,pero kami wala pa ring anak. Bakit ganito?! Delayed ako ngayon e, akala ko ito na. Wala pa rin pala. Iyak ako nang iyak.



After a year of being engaged, Hex and I got married. The wedding was simple and intimate. Gusto ko kasi simple lang at ang mga bisita namin ay pamilya lang at mga malapit na kaibigan. Henri went home, from working overseas, kahit pa busy siya, he made it to our wedding. We had our honeymoon in Maldives. It was a week of pure bliss, love and happiness. When we came home, I thought magkakalaman na ang bahay-bata ko. Pero heto pa rin ako, negative pa rin ang naka indicate sa PT na hawak ko.



I cried my heart out. Ang sama talaga ng loob ko. May mali ba sa akin?! Hindi ko alam kung gaano na ako katagal ganoong lagay, napapatda lang ako nang makarinig ng pagtawag at katok.



"Love? Amar? Love!"  I heard my husband's voice along with loud knocks on the bathroom door.   "Love, are you crying? Open up please. I'm nervous now."  Mas lalo akong napaiyak. Nahihiya ako sa kanya kasi hindi ko pa siya nabibigyan ng anak. Alam ko gusto na rin niya. Palagi na lang siyang nakikihiram ng mga baby ng friends namin. Kawawa naman ang asawa ko.  "Love?! Love anong nangyayari?! buksan mo ang pinto!"  He sounded so worried. Kaya inayos ko na ang sarili ko. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa gilid ng tub at dala ang PT ay binuksan ko ang pinto ng bathroom.



"H–ey.."  I greeted him as I opened the door. Sumalubong sa akin ang nag-aalang itsura ng mister ko. Kunot na kunot ang noo niya at nang makita ako ay napahinga pa sya ng malalim. Suot pa ang office attire niya, kauuwi lang nito galing sa trabaho at ganito niya akong naabutan.



"Love , what's wrong?"  He dragged me near him and held my arms.  "May problema? Umiyak ka ba? Tell me, Love."  Malumanay at alalang-alala siya. Mas lalo lang akong naiiyak. Kaya iyon nga ang nangyari. Kaagad na nag unahan sa pag patak ang mga luha ko kasabay ng pagsigok.



"Ka–kasi….."  Panay ang sigok at iyak ko na tila batang inagawan ng laruan..  "Love, I'm sorry…"  Takang-taka naman siyang nakatingin sa akin.



"Sorry for what?! Amar?! What's happening? Please don't scare me… please.."  Mukhang iba ang naiisip niya, kung ano man iyon ay hindi ko sure pero mukhang magwawala na siya kaya napagdisisyunan ko nang sabihin. Inilapit ko sa kaniya ang palad ko at saka ipinakita ang PTK na may isang linya. Napatitig naman siya doon, maya-maya pa ay naglipat na ang tingin niya sa PTK at sa akin. Natatanga yata ang asawa ko.



"Love, hindi…. hindi pa rin ako buntis!"  Sabay palahaw na naman ng iyak.  Para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib at nagpakawala ng malalim na hininga. Tatawa-tawang niyakap niya ako ng mahigpit, kapagkuwan ay lumayo at pinatakan ako ng halik sa noo. Pinahid niya ang mga luha sa aking pisngi at ikinulong ang aking mukha sa kaniyang mga palad.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who Do You Love?Where stories live. Discover now