DIEZ

62 4 0
                                    

CHAPTER 10




ARRA MARTINA




Hindi ko alam kung anong klaseng espiritu ang lumulukob sa akin ngayon para sumama kay Hex papunta sa bahay niya imbis na mag-check in sa hotel na slash motel. Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan at bumabyahe sa gitna ng malakas na ulan. Natatakot nga ako sa ganitong mga ganap ,pero sa palagay ko naman ay malapit na kami sa aming paroroonan.




Tama nga ako dahil ilang saglit pa ay pumarada na siya sa tapat ng bahay. Hindi ko masyadong maaninag kasi napakalakas ng ulan. "Amar, do you have an umbrella?" Umiling ako. Wala naman kasi akong dala. Hindi ko naman naisip kanina na uulan pala.  "Okay, uhhh…  tatakbo na lang ako papasok. Lapit lang naman oh."  Tinuro pa niya iyong gate, malapit lang naman talaga ,pero sa lakas ng ulan na ito ,for sure mababasa siya.  "Kukuha ako ng payong para hindi ka mabasa."  Awww…. that's….




"Okay." Kiming sabi ko na lang ,kahit na medyo nagme-melt na ang kaloob-looban ko.




Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka lumabas at nagtatakbo papasok ng gate. Kita ko na nakapasok na siya sa main door, maya-maya ay bumalik na siyang may bitbit na payong. Binuksan ko ang pinto pero wala ni isang patak ng ulan na dumampi sa akin, dahil naka-ready na ang payong panaklob ni Hex.  "Ikaw na lang ang mag-payong. Pasok ka na, check ko lang itong sasakyan."  Ibinigay niya sa akin ang payong at saka ako tumuloy na pa-loob.




Nang makapasok ay umupo ako sa couch. Tinignan ko ang paligid at infairness, ang ganda ng interiors ng bahay na ito. Maliit lang siya pero na-utilize talaga ang space. Noong una akong napunta dito ay hindi ko napansin. Paano ay tensyunada ako that day.

 Paano ay tensyunada ako that day

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang basang-basa na si Hex. Pagkasara niya ng pinto ay ang siya namang panlalaki ng mga mata ko dahil naghubad lang naman siya ng pang-itaas. My gahd… mukha siyang masustansya! Mayroon siyang mga tattoo, tatlo yata iyon. Isa sa braso, sa may taas ng dibdib, at sa may gitna ng arms. Tapos ay maganda ang katawan, may abs siya mga mars!

 Tapos ay maganda ang katawan, may abs siya mga mars!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Who Do You Love?Where stories live. Discover now